NAALIMPUNGATAN ako sa pag-iingay ng aking cellphone. Hindi ko namalayang naidlip na pala ako rito sa aking kwarto na hindi man lang nakapagpalit ng damit pangbahay. Kauuwi ko lang galing sa aking on-the-job training at dahil may event sa hotel kanina ay naging abala ako. I was so drained when I got home, reason why I fell asleep the moment I felt the comfort of my bed. “Hello,” bahagya pang namamaos ang boses ko. Mabilis akong bumangon at nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. I didn’t even bother to look at the caller because of my thirst. “Hi.” That familiar deep voice made me choke from drinking. Inihit ako ng ubo dahilan upang hindi makapagsalita agad. “Are you busy?” “N-No!” sagot ko kahit bahagya pang nahihirapang magsalita dahil sa pagkakasamid. “Pwede ba kitang puntahan n

