Chapter 56

2666 Words

TANGING kalansing lamang ng mga kubiyertos ang madidinig sa aming hapag-kainan nang gabing iyon. Ilang oras pagkatapos naming mag-usap ni Kuya Nigel sa ospital ay nagpasiya si Nanay at Tatay na iuwi na ako. Isa pa ay wala naman akong natamong malalang sugat kaya’t hindi ako kailangang i-confine. “Nay,” basag ni Kuya sa katahimikan. “Sigurado bang hindi na kailangang magsagawa ng ibang check-up kay Nami?” “Hindi na, anak. Si Dylan na mismo ang nagsabing walang seryosong sugat ang kapatid mo,” sagot ni Nanay at sumulyap sa akin. “May nararamdaman ka bang masakit sa katawan mo?” I shook my head immediately. “Maayos po ang pakiramdam ko, Nay. Isa pa, ayaw ko pong magtagal pa roon sa ospital.” “Talagang hindi ako papayag na magtagal ka pa roon,” matigas na wika ni Kuya Nigel. “Hanggang nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD