ILANG araw akong nanatili sa bahay at nagkulong sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain at maliligo. Ni hindi ako tumatambay sa salas para manood ng TV o kahit sa terrace at likod-bahay upang magpahangin. Malakas akong napabuntong-hininga nang mahagip ng tingin ko ang aking cellphone. I’ve been avoiding my phone as well. Kung hindi lang tumatawag si Dylan ay baka in-off ko na rin iyon. Idagdag pang nakokonsensiya ako kapag naaalala ko ang namagitang halik sa amin ni Khalil. That was just a mistake! Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan kong mangyari iyon. Masyado ba akong tinamaan ng alak nang gabing iyon? Alam kong mababa ang alcohol tolerance ko pero that was just two bottles of beer. Ni hindi ko pa nga naubos ang ikalawa dahil pinigilan na ako ni Khalil. So, ano? Nasa tamang w

