MABILIS na lumipas ang mga araw subalit pakiramdam ko’y naiwan pa rin ako sa araw na iyon—the day when Dylan kissed me. At kahit ayaw kong aminin, batid ko sa sarili kong umasa akong kakausapin niya ako tungkol sa paghalik niya sa akin. I was hoping that he will clarify kung anoman ang status namin after that incident. Pero sumali nang makabalik kami sa San Juan City ay wala siyang binanggit tungkol doon. Walang ipinagbago ang trato niya sa akin samantalang ako’y halos araw-araw na kinokondisyon ang sarili upang hindi kabahan sa tuwing makikita siya. “Hoy, Nami! Kumakain ka ba o ano?” Naramdaman ko ang matulis na siko ni Margaux sa aking tagiliran kaya’t napabalik ang naglalakbay kong isip sa kasalukuyan. Mabilis akong nagsubo ng sopas pero agad ring napabuga dahil napaso. Agad kong nila

