CHAPTER 25

2079 Words

“HOY, Nami! Wala ka bang balak ikuwento sa akin ang nangyari sa inyo ni Khalil?” “Shut up, Linette!” I immediately covered her mouth with my hands. “Baka kung ano ang isip ng ibang makadidinig sa sinabi mo.” Inalis niya ang kamay ko at saka luminga sa kabuuan ng aming classroom. Mabuti at kaunti na lamang ang mga kaklase namin dahil lunch time na. Naiwan lang kami ditong magkaibigan dahil dinamihan ng nanay ni Linette ang pabaon sa kaniyang adobong baboy para raw hindi na namin kailangang makipagsiksikan sa canteen. “Huwag mo nga silang pansinin. Malisyoso na lang sila kung bibigyan nila ng ibang kahulugan ang sinabi ko.” Umirap pa ang kaibigan ko at saka tinusok ang piraso ng baboy sa kaniyang lunch box. “Sila na nga lang ang nakikinig, ako pa ang mag-a-adjust sa mga sasabihin ko?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD