CHAPTER 9

2083 Words

TILA may spring ang aking upuan dahil sa mabilis kong pagtayo nang marinig ang mahabang tunog ng school bell bilang hudyat ng lunch break. I quickly slung my backpack over my shoulder and swiftly walked out of the classroom. “Hoy, Nami! Sandali naman,” tawag sa akin ni Linette ngunit binalewala ko muna. Ang mahalaga ay makapunta ako sa classroom nila Terrence bago abutan ng Angelus. Kailangan kasing huminto upang magdasal ng ilang minuto. Kung ganoon ay baka hindi ko abutan si Terrence sa classroom nila. Kaninang umaga ay maaga akong pumasok upang hintayin siya sa main gate ngunit walang Terrence na dumating doon. “Nami!” Dinig ko rin ang mabibilis na hakbang ng kaibigan ko habang binabagtas namin ang corridor. Huminto ako sa tapat ng isang classroom at binasa ang nakalagay na pangala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD