CHAPTER 8

2101 Words

“NAMI, sorry talaga. Nainis lang talaga ako sa ‘yo kahapon kaya iniwan kita sa locker area.” Napailing ako nang muling marinig ang paumanhin ni Linette sa akin. “Okay nga lang, Lin. Ilang beses ka nang nag-sorry ngayong araw na ito.” Naupo si Linette sa bakanteng upuang nasa harapan ko. Uwian na namin at nagliligpit na lang ako ng libro at notebook na ginamit sa activity kanina. “Sobrang na-guilty kasi ako nang mabalitaan ko kanina ang ginawa sa ‘yo ng grupo ni Felicity kahapon. Kung hindi kita iniwang mag-isa ay hindi ka nila mabu-bully.” Hindi maipagkakaila ang pagsisisi sa maamong mukha ng kaibigan ko. Kulang na lang yata ay magkakasat siya sa harapan ko. I carefully put my book and notebook inside my bag pack. “Kung kasama kita kahapon ay siguradong pati ikaw ay nadamay pa.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD