“NAMI, I’m feeling really guilty right now. Hindi man lang kita napuntahan noong namatay si Kuya Nigel.” “Marg, I told you it’s fine.” Napabuntong-hininga ako dahil kanina pa paulit-ulit sa paghingi ng dispensa ang kaibigan ko. “Hindi mo naman gustong mawala ang passport mo r’yan sa Malta.” Warren surprised her for a two-week European tour. Last destination nila ang Malta bago umuwi ng bansa pero nanakaw ang bag ni Margaux kung saan naroon ang passport niya at iba pang mahahalagang ID's, bukod pa sa kaniyang pera at cellphone. Napilitan silang mag-extend ng stay doon upang maayos ang mga nawalang identifications ng kaibigan ko, reason why she wasn’t able to come during my brother’s wake. “Bwisit naman kasi! Ang yaman-yaman na ng Europe, bakit may magnanakaw pa?” maktol ng kaibigan ko.

