Chapter 98

1674 Words

ILANG araw lang ang itinagal ng burol ni Señor Dimitri Ongpauco. Ngayon ay kauuwi lamang namin galing sa sementeryo kung saan inilagak ang labi nito. Marami ang nakipaglibing. Naroon ang mga kamag-anak ng pamilya nila, pati na rin ang mga kaibigan at kasosyo nila sa negosyo. Maging ang ilang hospital staff nila ay naroon din. Kasalukuyang nasa salas ako ng mansyon nila Dylan at nagpapahinga. Si Dylan naman ay ipinatawag sa study room upang kausapin ng family lawyer nila. Tiyak akong tungkol ito sa mga habilin ng kanyang ama. Sumandal ako sa back rest ng sofa at ipinikit ang aking mga mata. Ilang araw din akong napuyat dahil sa pagtulong sa burol ni Señor Dimitri. Ayoko kasing manatili rito sa mansyon dahil para akong nasasakal. Simula noong huling argumento nilang mag-ina ay naramdaman k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD