CHAPTER 1

1336 Words
MAINGAT kong ipinatong sa ibabaw ng cake ang white chocolate candy na dinisenyo kong maliit na bola ng basketball. “Ate, okay lang ba ito?” baling ko kay Ate Natasha na abala sa paglalagay ng icing sa b-in-ake niyang cupcake. “Wow, Nami! Ang ganda naman niyan!” Ibinaba niya ang hawak na pastry bag at nilapitan ang ginawa kong cake. “Talaga, Ate? Hindi ba nakakahiyang dalhin?” Nag-aalangan kong tanong habang sinusundan ng tingin ang ginagawa ng kapatid kong pag-inspeksyon. “May konting nginig lang dito sa icing, pero hindi naman halata,” turo niya sa parte ng cake na may kaunting sablay na icing. “Pangalawa lang ang ganda ng cake. Mas mahalaga pa rin ang lasa.” “Pero iba pa rin kung presentable. Mas appetizing.” My sister nodded and continued putting icing on the cupcake. “Alam mo bang ilang buwan kong inaral iyang fondant cake? Tapos ikaw isang linggo lang, nakagawa ka na ng ganiyang design. Iba na talaga kapag inspired.” Nag-aaral si Ate Natasha ng Baking and Pastry isa sa mga technical-vocational course na offered sa San Sebastian Community College, ang nag-iisang kolehiyo sa aming bayan. Dahil nakikita ko siyang nagbe-bake dito sa bahay ay naengganyo din akong magpaturo. “Ate naman,” saway ko sa aking kapatid at pasimpleng sinipat ang cake na ginawa. I smiled when the image of my handsome friend popped up in my head. “Ay, sus! Ang bunso namin inlove,” dinig kong tudyo ni Ate Natasha. I blinked a couple of times just so I can focus on the finishing touches of my basketball themed cake. Hindi na mawala ang ngiti sa aking labi habang iniisip ang magiging reaksyon ni Khalil kapag nakita niya ang cake na ito. Today is his eighteenth birthday. Kanina pa nga ako tinatawagan ng best friend kong si Linette dahil usapan namin ay ala-una pupunta sa bahay nina Khalil. Ngunit inabot na ng pasado alas dos ang ginagawa kong cake kaya tiyak na naiinip na iyon sa kahihintay sa akin. Feeling ko kasi ay may kulang pa sa ginagawa ko. I just can’t figure out what it is. O, baka naman masyado lang akong nag-aalala kung magugustuhan ni Khalil ito kaya gusto kong maging perfect ang cake na ginagawa ko. “Ang bango naman niyan! Pahingi nga.” “Kuya!” I screamed when my brother Nigel went near the cake. Nanlaki ang mga mata ko ng akmang hahawakan ni Kuya Nigel ang cake na ginagawa ko. Parang umakyat sa lalamunan ko ang aking puso dahil sa tindi ng nerbiyos na naramdaman. Ate Natasha burst out a loud laughter. Si Kuya Nigel ay hindi rin napigilan ang tawa. I punched my brother’s arm when I figured out that he was just fooling around. “You should have seen your face, Nami,” habol-hininga pa si Kuya Nigel dahil sa kakatawa. “Nakakainis ka!” “Kuya, hinay-hinay ka lang kay Nami,” wika ni Ate habang pinapahid ang naluhang mata sa kakatawa. “Baka katayin ka niyan kapag nasira iyang cake ng irog niya.” I heard my brother scoffed. “Bugbugin ko pa iyang Khalil mo.” “Kuya naman,” nahihiya kong saway. Hindi naman kasi kaila sa mga kapatid ko ang pagkakagusto ko kay Khalil. Iyon nga lang, hindi rin kaila na ayaw ni Kuya Nigel sa kaniya. “Lolokohin ka lang ng tukmol na iyon. Kita mo nga at may bagong girlfriend na naman.” Umismid ako imbes na sagutin ang pasaring ni Kuya. Ayoko siyang patulan dahil tiyak na mawawala lang ako sa mood. Ayokong mainis sa mahalagang araw na ito ni Khalil. “Noong nakaraang buwan, nabalitaan kong pinopormahan niya ang anak ng may-ari ng restaurant d’yan sa bayan. Tapos iba na naman ang girlfriend niya ngayong buwan. Paano kita ipagkakatiwala sa ganoong lalaki?” patuloy na litanya ng kapatid kong mas mahigpit pa kay Tatay pagdating sa amin ni Ate Natasha. Perks of being the eldest, I guess. Inis kong inayos ang kahon na paglalagyan ko ng cake. Sumulyap ako kay Ate Natasha na ngayon ay abala nang muli sa inaayos niyang cupcakes. Hindi ko talaga siya maaasahang kakampi. Takot lang niya sa kutos ni Kuya! “Wala namang gusto sa akin si Khalil,” bugnot kong sagot. “Dapat lang. Subukan lang niyang pati ikaw ay taluhin, bugbog siya sa akin,” banta ni Kuya na may kasama pang suntok sa ere. Muli ko siyang inirapan. “Inaano ka ba kasi ni Khalil, Kuya? Ano naman kung gusto ko siya? Hindi naman niya ako gusto kaya wala kang dapat alalahanin,” wika ko kahit na sa totoo lang ay mabigat sa loob ko ang katotohanang iyon. I heard my brother clacked his tongue. “Ayoko lang masira ang relasyon natin sa pamilya nina Tita Sarry. Alam mo namang matalik silang magkaibigan ni Nanay. Pero kapag ikaw sinaktan ng tukmol na iyon, lagot siya sa akin.” “Puwede ka nang manghuhula, Kuya. Ang galing mo kasing mag-assume. Hindi pa nangyayari, naisip mo na.” I heard my sister chuckled but instantly faked it into a cough when our paranoid brother glared at her. “Mainam na ang sigurado.” Umayos nang tayo si Kuya at seryoso akong pinagmasdan. “Lalo na at hindi malabong mangyari ang sinasabi ko.” Parang kiniliti ang tainga ko sa narinig. My lips instantly curved into a wide smile. “Ano’ng ibig mong sabihin, Kuya? Tingin mo may pag-asa ako kay Khalil?” Mabilis kong tinakpan ng kamay ang aking noo nang akmang pipitikin iyon ni Kuya Nigel. “D’yan ka magaling. Kapag pabor sa tukmol na iyon, tumatalas ang tainga mo.” I frowned and turned away from my annoying brother. “Hindi siya ‘tukmol’, Kuya. Khalil ang pangalan niya.” Inabala ko na ang sarili ko sa paglalagay ng cake sa loob ng kahon. “Tukmol siya para sa akin hangga’t hindi siya nagbabago.” “I like him the way he is, Kuya,” mabilis kong sagot. “Tumigil ka nga, Nami. Ano ang nagustuhan mo sa kaniya? Iyong pagiging babaero niya?” I sighed. “Normal lang naman sa edad namin na magkaroon ng karelasyon. Lalo naman kay Khalil. Sa guwapo niyang iyon ay imposibleng wala siyang maging nobya. Matangkad pa at mahusay mag-basketball. Sino naman ang hindi siya magugustuhan, ‘di ba?” “Ako.” My brother answered with his poker face. “Hindi ko siya gusto.” “You’re not counted, Kuya. Right, Ate?” Baling ko kay Ate Natasha, umaasang sasang-ayunan ako. Ngunit imbes na kampihan ako ay nagkibit-balikat lang siya. Naabala ang pagtatalo namin nang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa mesa. It was a call from Linette. “Hello, Lin,” maagap kong sagot upang makatakas na sa sermon ni Kuya Nigel. “Hello ka r’yan! Ano’ng petsa na? Nasaan ka na ba?” Bahagya ko pang inilayo sa tainga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. “Naririnig naman kita nang maayos. Hindi mo kailangang sumigaw.” “Kaya ka laging nauunahan, babagal-bagal ka kasi. Kanina pa nandito ang mga karibal mo kay Khalil. Heto nga at may nakalingkis na.” Para akong pinompiyang sa narinig. Hindi ko rin napigilan ang pagtaas ng aking kilay. “Akala ko ba ay tayo-tayo lang ang invited? Bakit may mga higad na nakapasok?” Napabaling pa ako kay Kuya Nigel nang narinig ang pekeng pag-ubo niya. Nagkunwari siyang abala sa pagtingin sa ginawang cupcake ni Ate Natasha. “Buwisit kasi itong si Noel. Inanyayahan ba naman ang grupo nina Sandra. Palibhasa kasi nililigawan niya iyong isa sa kaibigan ni Sandra.” Mukhang may itatakwil akong kaibigan! Hindi ko na napigilang pilipitin ang leeg ni Noel sa aking isip. Si Khalil, Noel, Linette at ako ay magkakaibigan simula pa noong bata kami. Sa iisang eskwelahan lang kami nag-aral ng elementarya hanggang ngayong Senior High School. Si Linette ang matalik kong kaibigan, habang si Khalil naman ay si Noel. Kagaya namin ni Linette ay magkasundo rin sa lahat ng bagay ang dalawang lalaking iyon. Kaya nga pati sa kalokohan ay lagi silang magkasama. “Ano? Pupunta ka pa ba?” Sinipat ko ang mga kapatid kong kunwari ay abalang nag-uusap kahit na sa totoo ay nakikinig naman sa pag-uusap namin ni Linette. “Oo naman. Lagot sa akin si Noel. Taksil na lalaking iyon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD