CHAPTER 2

1837 Words
MABIGAT ang mga paa ko nang bumaba mula sa pagkakaangkas sa motor ni Kuya Nigel. Paano naman kasi ay simula nang umalis kami sa bahay hanggang sa makarating dito sa bahay nina Khalil ay puro pang-iinis ang sinasabi sa akin ng kapatid ko. “Susunduin kita mamayang alas singko,” imporma ni Kuya. Inis akong tumingin sa aking relong pambisig. “Kuya, four o’ clock na. Ni hindi man lang ako makakapag-enjoy sa birthday party ni Khalil!” “Sino ba kasi ang halos kalahating oras gumayak? Kung mabilis lang ang kilos mo, sana kanina pa kita naihatid dito.” Hindi agad ako nakaimik dahil tama naman ang sinabi ni Kuya. Buwisit naman kasi ang balita sa akin ni Linette! Sandra, Khalil’s rumored girlfriend is there. Syempre ayoko naman magpahuli sa ayos niya kaya naghanap talaga ako ng magandang isusuot. Iyon nga lang ay wala talaga akong mahanap. For the first time, I felt bad for my fashion sense. Paano kasi ay puro jeans at shirt lang ang nasa closet ko. Wala man lang dress o kahit anong damit na mas feminine tingnan. Sa huli ay isang pares ng ripped jeans at pink crop top shirt ang sinuot ko. “Wala kasi akong mahanap na magandang isuot,” mahinang sagot ko. “At sa tingin mo maganda iyang napili mo?” inis na tinuro ni Kuya ang pang-itaas ko. “Hindi kaya kabagan ka r’yan sa suot mo? Naglinis ka man lang ba ng pusod?” “Kuya!” I spatted. “Huwag mo na akong inisin. Dapat nga nanghiram na lang ako ng dress kay Ate.” My brother raised his eyebrow. “Mas maayos na iyang suot mo. Kung dress ang isusuot mo, hindi ka makakalabas ng bahay.” “Pero mas maganda sa babae ang dress,” kontra ko. “Says who?” masungit na agap ni Kuya Nigel. “Iyon ang uso ngayon. Sa TV, sa school, sa mall. Halos karamihan ng nakikita kong babae ay naka-dress. Ang ganda kayang tingnan!” “Tss,” inayos ni Kuya ang sinuot kong helmet at isinabit sa kaniyang braso. “Hindi lahat ng uso, maganda. May binabagayan iyon.” “You’re really good for my ego, Kuya,” sarkastikong wika ko. Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin. “That’s why I’m your brother.” Isang matalim na irap na lang ang isinagot ko kay Kuya Nigel bago tumalikod at pumasok sa loob ng nakabukas na gate nina Khalil. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang tunog ng papaalis na motor ni Kuya. May mga nakaparada nang motor sa parking nina Khalil. Tiyak kong pag-aari iyon ng mga kaibigan at teammates ni Khalil sa basketball team nila. Popular siya sa school namin kaya hindi nakapagtatakang marami siyang bisita ngayon. Bumuntong-hininga ako at sinipat ang aking repleksyon mula sa side mirror ng isa sa nakaparadang motor doon. Nalipat sa front door ng bahay nina Khalil ang tingin ko. Kung sa front door ako dadaan ay tiyak na magtitinginan sa akin ang mga bisita niya. I was never insecure with myself. Alam kong ordinaryo lang ang itsura ko ngunit hindi iyon naging suntok sa confidence ko. Pero sa mga ganitong sitwasyon ay hindi ko maiwasang hilingin na sana ay nabiyayaan na lang ako ng mahahabang binti o hindi kaya ay magandang kurba ng katawan. “My baby princess?” Naiwala ko ang malalim na iniisip nang marinig ang malambing na tawag na iyon. I smiled when I saw Ninang Sarry at the back door of their house. Nakahinga ako nang maluwag dahil nawala ang problema ko sa pagpasok sa bahay nila. Mabilis akong humakbang palapit kay Ninang Sarry at binigyan siya ng matunog na halik sa pisngi. Hindi ko rin nakalimutan na magmano sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nariyan ang mga kaibigan ninyo ni Khalil,” wika ni Ninang Sarry at inakbayan ako. Umingos ako. “Si Linette at Noel lang po ang kaibigan ko na nariyan. The rest ay kaibigan lang ni Khalil.” “Naku ang baby ko naman. I told you to get out of your shell. Dapat ay alisin mo na ang pagiging mahiyain mo. Try to widen your zone of friends.” Matipid na ngiti ang tanging naging sagot ko kay Ninang Sarry. Nakasanayan ko nang ngumiti na lang kung hindi ako sang-ayon sa sinasabi ng kausap ko. I thought it’s more convenient than to have an argument. Lalo na at si Ninang Sarry ang makaka-argumento ko. I love her so much that I don’t want to make her feel bad. Naisip ko si Kuya Nigel. Oo nga pala. Except my brother. Sa kaniya lang yata talaga ako hindi makapagtimpi. Nasasagot ko talaga siya kapag hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya. “Ninang, I baked this,” ibinigay ko sa kaniya ang kahon na aking dala. “I’m not sure kung masarap. Nagsisimula pa lang po kasi akong mag-aral ng baking.” Isang madiin at nanggigigil na halik sa pisngi ang isinukli sa akin ni Ninang Sarry. “Napaka-sweet talaga ng baby princess ko. Kahit ano pa ang lasa nito ay ipapakain ko itong lahat kay Khalil.” “Hindi lang naman po para sa kaniya iyan,” nahihiya kong sagot kahit na ang totoo ay si Khalil lang ang nasa isip ko habang ginagawa ang cake. “Nahiya pa ang inaanak ko. Hindi ba’t sinabi ko naman sa ‘yo na kung hindi lang din naman ikaw ang magiging daughter-in-law ko ay ipapakapon ko na lang ang anak ko.” “Ninang!” Maagap kong wika at hindi napigilan ang panlalaki ng mga mata. Bakit ba nakalimutan kong walang filter ang bibig ng ninang kong ito? Isang malutong na tawa lang ang naging sagot niya sa akin bago ako muling inakbayan at iginiya papasok sa back door ng kanilang bahay. Kitchen ang unang makikita kung sa back door dadaan. Mula roon ay tanaw ang may kalakihan nilang sala na ngayon ay puno ng bisita. “Ilalagay ko itong cake sa refrigerator. Promise, si Khalil lang talaga ang kakain nito,” wika ni Ninang Sarry. “You can go ahead and greet Khalil. Hanapin mo na rin sila Linette. May itinabi akong salad para sa inyo.” “Okay po,” alangan kong sagot. I sighed and scanned their living room. Nagbabaka sakaling mahanap agad si Linette. Ngunit sa halip ay agad na nahagip ng mata ko si Khalil na nakaupo sa mahabang sofa sa kanilang sala. Malakas ang tawa niya habang kausap si Sandra. Bigla akong napatingin sa suot kong damit. Damn! Sandra and I are wearing the same pink crop top! “Nami!” Ibig kong magtago sa ilalim ng kitchen top nina Khalil dahil sa lakas ng tawag sa akin ni Linette na naging dahilan upang mapalingon sa direksyon ko ang mga bisita. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bulungan ng mga kaibigan ni Sandra. Kasunod niyon ay ang pagtingin ni Sandra sa kaniyang damit. The annoyance in her pretty face is very clear. “Bakit naman ngayon ka lang dumating? Sobrang boring tuloy dito.” Sinadya pang ilakas ni Linette ang huling sinabi at tumingin sa direksyon nina Sandra. “Hoy, ano ka ba?” saway ko sa kaibigan. Kahit kailan talaga ay walang pinipiling lugar ang pagiging war-freak ng isang ito! “Bakit?” painosente pa nitong tanong sa akin. “Totoo naman ang sinasabi ko. Saka kanina ka pa kaya hinihintay ni Khalil. Inip na inip na nga si birthday boy sa kakahintay sa ‘yo.” Pasimple kong pinitik ang bigbig ni Linette. Can she just keep quiet even for once? “Tara!” Hinawakan ni Linette ang kamay ko at hinatak patungo sa inuupuan ni Khalil. “Linette, teka lang!” Tinampal ko pa ang kaniyang kamay dahil masyado na kaming nagiging sentro ng atensyon. I can even feel the piercing glare from Sandra and her friends. “Hoy, Khalil!” agaw ni Linette sa atensyon ng kaibigan namin. “Nandito na si Nami.” Khalil stopped talking from his teammate and turned to our direction. Kunot-noo niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Nagsisi tuloy akong bigla dahil sa napiling isuot. Baka tama si Kuya Nigel. Dapat ay shirt na lang ang sinuot ko at hindi na itong litaw tiyan na crop top. Mabilis na tumayo si Khalil at hinatak ako palayo sa karamihan. Ni hindi nga rin niya nilingon ang pagtawag sa amin ni Linette. “Khalil, saan ba tayo pupunta?” tanong ko na nagpumiglas mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking kamay. Imbes na sumagot ay mas binilisan pa niya ang paglalakad kaya’t halos makaladkad na ako. Higit pa akong nagtaka nang umakyat kami sa second floor ng kanilang bahay kung saan naroon ang kaniyang kuwarto. “Khalil!” Muli kong sinubukang bawiin ang kamay ko ngunit bigo ako. He only let go of my hand when we are finally inside his room. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto niya. It’s just that I’m too flustered by his impulsive action that my heart is beating so fast right now. “Magpalit ka,” seryoso niyang wika. Sumakto pa sa mukha ko ang ibinato niyang itim na shirt. “Ano ang gagawin ko rito?” He rolled his eyes and looked at me with annoyance. “Itapis mo riyan sa tiyan mo, baka lamigin!” Wala sa loob na napatingin ako sa nakalitaw kong tiyan. “Ganito talaga ang style nito.” “Kaya nga magpalit ka.” Iniladlad ko ang hinagis niyang damit sa akin. Nanlumo ako dahil masyado itong malaki para sa akin. Sa height ni Khalil na almost five feet and eleven inches ay magiging dress itong damit niya kapag sinuot sa akin! “Hindi ito bagay sa akin! Ang laki, magmumukhang bestida sa akin ito!” angal ko at hinagis sa ibabaw ng kama niya ang damit. “Then, huwag kang lalabas dito sa kuwarto ko!” ani Khalil. “Ano? Bakit ba?” “Look at your shirt! Parang kinapos sa tela!” I blew my side bangs in frustration. “Ganito nga ang style nito. Bakit si Sandra ganito rin naman ang suot, ‘di ba? Bakit ako lang yata ang pinagpapalit mo ng damit?” “Si Sandra iyon! She can wear whatever she wants.” Parang may kung anong matulis na bagay ang sumundot sa aking puso. I even felt a cold blow in my stomach. “Bakit? Kasi bagay sa kaniya, sa akin ay hindi? Kasi maganda, matangkad at sexy siya samantalang ako ay hindi?” Hindi agad nakakibo si Khalil. He looked surprise with my sudden outburst. Sa bagay ito ang unang beses na nakita niya akong kumontra at sumagot sa kaniya. Hindi ko rin alam. Siguro ay nagpatong-patong na ang nararamdaman kong insecurity at selos. Ang tagal kong namili ng isusuot na damit para lang maging maayos sa paningin niya. Tapos hindi naman pala niya ma-a-appreciate! After all my effort, si Sandra pa rin talaga ang maganda sa paningin niya. “Uuwi na lang ako.” I sighed. Pinilit kong huminahon. “Ano? Magagalit si Mama kapag umuwi ka kaagad,” pigil sa akin ni Khalil. Inis ko siyang tiningnan. “Ako na ang bahalang magdahilan kay Ninang. Huwag kang mag-alala hindi ka niya pagagalitan!” “Hey, that’s not what I meant!” Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa pintuan ng kaniyang kuwarto. “May dala nga pala akong cake para sa ‘yo. I-share mo sa Sandra mo kung gusto mo,” wika ko at lumabas na ng silid ni Khalil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD