CHAPTER 3

2248 Words
“ANO’NG oras kita susunduin mamaya?” Agad na tanong ni Kuya Nigel nang makababa ako mula sa pagkakaangkas sa kaniyang motorsiklo. Inayos ko muna ang strap ng aking bagpack bago bumaling sa kapatid ko. “Ite-text na lang kita. May practice kasi kami ng sayaw mamaya.” My brother grinned. “Sayaw? Marunong ka bang sumayaw?” Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Umagang-umaga ay nagsisimula na naman siyang mang-asar! “Requirements namin sa P.E. kaya wala akong choice.” He chuckled and gave me a light tap on my shoulder. “What am I going to do with you? Pagkain lang yata ang talent mo.” Inis kong pinalis ang kamay niya sa aking balikat. “Huwag mo akong inisin ngayon, Kuya. Lunes na Lunes.” Natatawang hinatak ako ni Kuya palapit sa kaniya at pinisil ang ilong ko. “Come on. Sinusulit ko lang naman ang pang-iinis sa iyo. Kapag lumuwas na ako at nagsimula na ang klase namin next week ay hindi na kita makikita nang madalas.” Sa San Juan City nag-aaral si Kuya Nigel. He is in his fourth year on Bachelor of Science in Marine Transportation. Nagdo-dorm siya roon kaya't lingguhan lang siya kung umuwi, minsan nga ay buwanan pa kung hectic talaga ang schedule niya. Pagod lang kasi ang aabutin niya kung uuwi pa siya sa amin araw-araw dahil kulang dalawang oras din ang biyahe. Isa pa ay mas tipid ang bayad niya sa monthly rent ng dorm kaysa makokonsumo niya sa pamasahe pauwi ng San Sebastian. I hissed and stepped away from my brother. Hinaplos ko pa ang nasaktang ilong dahil sa panggigigil ni Kuya Nigel. “Papasok na ako.” “Mag-aral ka. Baka magpa-cute ka lang kay Tukmol,” seryosong bilin ng magaling kong kapatid. My eyes rolled with the thought of that guy. Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa ginawa niya sa akin noong birthday niya. Ang mas nakasasama pa ng loob ay hindi man lang siya nag-text o tumawag upang humingi ng dispensa. What an insensitive guy! “Oo na,” walang gana kong sagot kay Kuya Nigel. “Bye, Kuya. Ingat sa pagda-drive.” Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot dahil tiyak na sasamahan na naman niya ng pang-aasar iyon. Mabibigat ang mga hakbang kong pumasok sa main gate ng San Sebastian National High School. Mayroon namang barangay high school na walking distance lang mula sa aming bahay. Ngunit dahil usapan namin ni Linette na dito kami mag-aaral ng Junior at Senior High School ay dito na ako pumasok kahit kulang ten minutes din ang biyahe mula sa amin. “Nami!” Speaking. Napailing na lang ako nang makita ang kaibigan kong si Linette na nagtatatakbo upang salubungin ako. “Kanina ka pa, Lin?” “Oo,” mabilis niyang sagot at agad na umangkla sa braso ko. “Hinihintay talaga kita. Ano ba ang nangyari sa ‘yo doon sa birthday ni Khalil at bigla ka na lang umuwi?” Muli na namang kumulo ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng lalaking dahilan kung bakit masama ang mood ko ng nagdaang weekend. “Huwag na lang nating pag-usapan iyon,” pag-iwas ko. Linette tugged my arms so I stopped walking. “Naku, alam ko iyang mga ganiyang keme-keme mo, Nami! Nag-away kayo ni Khalil, no? Dahil kay Sandra? Nagselos ka ba?” My forehead wrinkled in annoyance. “Hindi.” “Ows? Totoo? Mamatay ka man?” patuloy na pangungulit sa akin ng kaibigan. “Linette, ang kulit mo naman!” I snapped. “Sabi nang huwag na nating pag-usapan, ‘di ba?” Linette’s mouth dropped open. Tiyak na nabigla rin siya sa naging outburst ko na bihira lang mangyari. Sa pagkakatanda ko ay ngayon ko nga lang yata siya napagtaasan ng boses kahit pa lagi niya akong tinutukso. “I…” she bit her lower lips. “Sorry, Nami.” I sighed and closed my eyes for a few seconds. “Pasensya ka na, Lin. Ayoko lang talagang pag-usapan kasi pakiramdam ko napahiya talaga ako sa ginawa ni Khalil.” I heard my friend gasped. “Bakit? Ano’ng ginawa sa ‘yo ng lalaking iyon? Hinalikan ka ba? O, baka mas malala pa roon? Naku, humanda sa akin—” “Stop.” Maagap kong tinakpan ang walang prenong bibig ng kaibigan ko. “Hindi ganoon ang nangyari, okay. Mamaya may makarinig sa ‘yo riyan, kung ano na naman ang isipin.” Inis niyang inalis ang nakatakip kong kamay. “So? Ano naman kung may makarinig?” Luminga pa ako sa paligid. “Alam mo naman, ‘di ba? Mainit ang mata sa akin ng mga may gusto kay Khalil.” Kinamot pa ni Linette ang dulo ng kaniyang kilay. “Inggit lang sila sa ‘yo. Kasi ikaw ang closest friend ng crush nila. Ikaw, kahit walang effort ay napapansin ni Khalil. E, sila? Kung hindi pa sila magkunwaring nadapa o natalisod, hindi naman sila papansin ni Khalil.” “Kaya nga nila ako pinag-iinitan. Ayoko na ng gulo. Gusto kong maka-graduate nang walang nagsusungit sa akin.” “Bakit? Mayroon na naman bang umaway sa ‘yo?” Tumaas pa ang tono ng boses ni Linette na tila handang sumabak sa away. I immediately shook my head. “Wala! Ang ibig ko lang sabihin, mas mabuting umiwas sa gulo.” Linette looked at me with doubtful eyes. Mataman niya akong pinagmasdan gamit ang bilugan niyang mata na ngayon ay sadyang pinaliit niya. “Siguraduhin mo lang na wala, ha?” “Oo, wala nga.” She nodded but held my hand when I was about to walk again. “So, ano nga ang ginawa sa’yo ni Khalil at nag-walk out ka?” My shoulders dropped as I felt exhausted from my friend’s never ending questions. “Sabi mo nga hindi ka naman niya hinalikan o ginawan ng masama. At isang sabi mo pang huwag na nating pag-usapan ay sasabunutan na talaga kita! Puwede ba namang trivial lang iyon, samantalang umalis ka nang hindi nagpapaalam kahit kay Tita Sarry.” I looked around first before dragging my friend into the less crowded part of the hallway. “Just promise me na wala kang pagsasabihan nito—“ “Hello? As if naman ay iba akong ka-close sa school na ito para pagsabihan,” mataray na putol ni Linette sa iba ko pang sasabihin. “Si Noel!” inis kong sagot. “Tss! Hindi ko nga sinasabi sa kaniyang ang panget niya, iyong sikreto mo pa kaya?” Napapikit ako dahil sa talim ng mga salita niya laban kay Noel. Kahit kailan ay hindi ko na naringgan ng papuri si Linette sa kaibigan naming si Noel. All she ever sees is his flaws. “Nainis lang naman ako kay Khalil kasi pinagpapalit niya ako ng damit samantalang si Sandra ay hindi. Pero parehas lang naman kami ng klase ng damit na suot. What’s wrong with me wearing that shirt? Bakit kapag kay Sandra ay wala siyang angal?” May iba pa sana akong ira-rant pero natigil ako nang makita ang sumisilay na ngiti sa mukha ni Linette. I felt embarrassed so I decided to shut up and walk out. “Oy, Nami! Saan ka pupunta?” habol sa akin ni Linette. “Hayaan mo na! Pinagtatawanan mo lang ako.” Mabilis na nakahabol sa akin ang kaibigan at tumayo sa harapan ko. “I get it, okay? Walang masamang makaramdam ka ng selos dahil gusto mo si Khalil. That’s a normal thing. Nag-ayos ka para sa kaniya pero sa halip na ma-appreciate niya ay nagalit pa siya.” Natahimik ako dahil natumbok ni Linette ang puno’t dulo ng paghihimutok ko. “Hayaan mo kapag nakita ko ang mokong na iyon mamaya ay bibigyan ko ng upper cut! Loko siya! Nag-effort ka na nga ay sinungitan ka pa.” “Huwag na,” mahina kong saway sa kaibigan. “Ano’ng huwag na? Watch and learn, my friend. Lagot sa akin ang kapreng iyon.” Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa thoughtfulness ng kaibigan kahit pa madalas ay biktima ako ng mga pang-aasar niya at corny’ng jokes. “Naomi!” Napatigil kami sa paglalakad nang humarang sa harapan namin ang apat na babaeng hindi ko naman kilala. Ngunit base sa uniform nila ay tiyak kong Senior High School din sila dito sa San Sebastian. Palagay ko ay mula sila ibang strand dahil hindi sila pamilyar sa akin. Bawat strand kasi ay magkakahiwalay ng building dito. “Bakit?” kunot-noo kong tanong. “Magkakilala ba tayo?” “Well not personally,” sagot ng babaeng tumawag sa akin. “I just know you, kasi friend ka ni Khalil.” I discreetly scanned the girl from head to toe. Khalil’s type. Maganda, matangkad, sexy, makinis, mahaba ang buhok at marunong mag-ayos sa sarili. “I’m Felicity Salazar,” pakilala nito sa akin. Hindi rin nakaligtas sa aking matalas na tainga ang magandang English accent nito. “Hi,” I awkwardly answered. “Ano’ng kailangan n'yo?” Pumitik ang nagpakilalang si Felicity at agad na may inabot na box ang katabi niyang babae. “Here,” ani Felicity kasabay ng pag-abot ng box sa akin. “Can you give this to Khalil? Wala kasi ako sa birthday party niya kaya hindi ko naibigay sa kaniya.” Kunot-noo kong pinagmasdan ang kahon. “Bakit ako ang magbibigay? Hindi ba mas maganda kung ikaw mismo ang mag-aabot niyan sa kaniya?” “Oo nga,” segunda ni Linette. “Ano naman ang akala mo sa amin? Delivery service?” Felicity rolled her eyes. “I want to, kaso bantay-sarado sa kaniya si Sandra.” “Wala naman sigurong masama kung bigyan mo ng ganiyan ni Khalil. Magkaibigan naman kayo,” wika ko na hindi pa rin kinukuha ang kahon. Felicity and her friends laughed. “Friends?” she laughed again. “Khalil and I are more than friends, for your information. Ewan ko ba kasi sa kaniya at ayaw pang hiwalayan si Sandra.” Napalunok ako dahil sa narinig kay Felicity. Linette and I looked at each other, dumbfounded. Ano ito? May Sandra na, may Felicity pa? Really, Khalil? “So?” Felicity shrugged the box. “Please help me out and give this box to him, okay?” “Teka lang, Felicity. Kung ano man ang mayroon sa inyong tatlo ni Khalil at Sandra, ayoko sanang madamay pa. Baka kasi kapag tinanggap ko iyang regalo mo at ibinigay ko kay Khalil, tapos malaman ni Sandra, tiyak malaking gulo iyon. Kaya mas safe kung ikaw na lang ang magbigay.” Felicity’s sweet smile faded. Hindi maikakaila sa kaniyang magandang mukha ang pagkainis. “What so hard with my request? Ibibigay mo lang naman kay Khalil. You don’t have to say na it’s from me. I will call him naman.” “Ano rin ba sa sinabi ni Nami ang mahirap intindihin?” sabad ni Linette. “Labas na kami sa mga babae ni Khalil. Mamaya mag-abot pa kayo ni Sandra, madamay pa kami.” “Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang ibigay ang regalo ni Felicity kasi nagseselos ka,” wika ng isang kasama ni Felicity at itinuro pa ako. “Ano’ng sabi mo?” bulalas ni Linette. Humakbang pa siya papalapit sa nagsalita. “O, bakit? Totoo naman, ‘di ba? Selos lang iyang kaibigan mo kasi matagal na niyang gusto si Khalil,” patuloy ng kaibigan ni Felicity. “Sabi naman sa ‘yo, Felicity, huwag na tayong lumapit kay Naomi,” dagdag ng isa pang kaibigan ni Felicity. “Bakit ka nga ba niya tutulungan samantalang karibal ka niya kay Khalil?” Felicity looked at me with disbelief. “Really? Gusto mo rin si Khalil?” Imbes na sumagot ay yumuko lamang ako. I felt so humiliated. Wala naman akong balak na ipagkalat sa buong eskwelahan na gusto ko si Khalil. Hindi ko naman akalain na ganoon ka-obvious ang nararamdaman ko kaya’t madaling malaman ng iba. Tila lalo pa akong napahiya nang marinig ang malutong na tawa ni Felicity. I even saw her scanned me from head to foot. “My gosh, Naomi! Look at yourself in the mirror. Sa tingin mo ba ay may pag-asa ka kay Khalil? And you’re his friend. Friends aren’t supposed to like each other. Ang tawag doon ay bantay-salakay.” “Hoy, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo,” matapang na wika ni Linette. “Insecure lang kayo kasi malapit si Nami at Khalil sa isa’t isa. Samantalang kayo ay hangganag tanaw lang.” “Insecure? Kanino? Sa kaniya?” muli akong pinagmasdan ni Felicity nang may pang-iinsulto. “No way! Bakit naman ako maiinggit sa kagaya niyang hanggang kaibigan na lang ni Khalil?” “Aba—“ Susugod na sana si Linette ngunit agad ko siyang inawat. “Sabi ko nga, Khalil and I are more than friends. We held hands. We hugged each other. We even kissed,” may pagmamalaking wika ni Felicity. “Ikaw, Naomi? Any progress?” Luminga ako sa paligid. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nasa school canopy at mga papasok sa main gate. Napapikit ako sa labis na hiyang nararamdaman. “Ano, Naomi?” patuloy ni Felicity. “Wala kang masabi? Kasi nga totoong hanggang kaibigan ka lang ni Khalil. Kahit ano’ng gawin mo, you’ll be forever in the sidewalk. Waiting for him to give you the attention you want. Pero hindi mangyayari iyon. Poor you.” I sighed. Nasasaktan ako sa mga naririnig mula sa kaniya. Pero wala akong balak na ipakita iyon sa kaniya. I will not give her the satisfaction of humiliating me in front of the crowd. “Just stop,” mahina kong saway kay Felicity. Nagulat pa siya nang agawin ko sa kaniya ang box na hawak. “Sa lahat naman ng humihingi ng pabor, ikaw lang ang kilala kong nanglait muna.” Felicity opened her red lips but it took her a few seconds before she was able to say a word. “What... What are you going to do with my gift?” Itinaas ko ang hawak na kahon. “Ibibigay ko kay Khalil. Don’t worry, makakarating kay Sandra na galing sa iyo ito. Kapag nagsabong kayo, sa ‘yo ako tataya.” Bago pa makabawi si Felicity at ang mga minions niya ay nagmamadali na akong naglakad palayo. What a great scene to start my morning!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD