CHAPTER 4

2223 Words
“AY, KABAYO!” Matinis kong bulalas nang muntik na akong matapilok sa pagmamadaling lumakad. Inis kong sinipa ang pahamak na batong dahilan ng muntik ko nang pakikipagbeso-beso sa sementadong nilalakaran. Pawisan na ako at nangangalay na rin ang aking kanang kamay na kanina pa may bitbit na kahon ng cake. “Khalil!” I shouted with frustration and continued to follow my snob friend. Higit lang na nadagdagan ang inis na nararamdaman ko dahil hindi man lang nag-abalang lumingon ang magaling na lalaki! He just continued walking towards the school parking area like he didn’t know that I have been following him since he left our classroom. Hindi naman ako nagkulang ng pagtawag sa kaniya para hindi niya malamang mukha na akong tutang sunod nang sunod sa kaniya. “Bwisit talaga,” I shrieked in annoyance. Gayunpaman ay tinumbasan ko ng takbo ang malalaking hakbang ni Khalil upang makahabol sa kaniya. “Hoy, teka naman,” wika ko habang tumatakbo palapit sa kaniya. He stopped walking when he was in front of his red Yamaha motorcycle. Hindi na ako nag-abalang huminto upang habulin ang paghinga at agad na humarang sa harap ng nakaparadang motor. “Bingi ka ba o sadyang nang-aasar lang?” Sita ko kay Khalil nang makabawi sa hingal. Walang gana niya akong tiningnan at saka sumampa sa kaniyang motor. Kaunti na lang talaga at mauubos na ang pagtitimpi kong nabawasan na kaninang umaga dahil kay Felicity. He continued to act like I’m invisible and turned on his motorcycle’s engine instead. “Khalil, ano ba? Kanina ka pa ganiyan.” Ipinatong ko ang dalawang kamay sa headlight ng kaniyang motor upang pigilan siya sa pag-alis. “Alis,” utos ni Khalil. Mahina man iyon ngunit nahimigan ko pa rin ang pinipigil niyang inis. “No,” matigas kong sagot. “Ano ba ang problema mo at kanina ka pa nagsusungit sa akin?” Umismid lang ang bwisit na lalaki. Inayos niya ang pagkakasukbit ng kaniyang itim na cross body bag at kinuha ang nag-iingay na cellphone sa bulsa ng kaniyang itim na slacks. Talagang ipinakikita niya sa aking masama sa loob niyang kausapin ako. “Khalil naman. What’s your problem?” “Hello, Sandra?” He immediately answered the call. May kung anong sakit na bumundol sa aking puso dahil sa inasal ng kaibigan. I discreetly cleared my throat and looked down on my shoes. Bigla tuloy nabawasan ang lakas ng loob ko dahil sa biglang pagsulpot ng pinakaayaw kong damdamin. “Yes, honey, narito na ako sa parking area.” Dinig kong wika niya sa kausap sa kabilang linya. Ayaw ko mang marinig ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang lambing sa kaniyang boses. I bit my lower lip and continued looking at my sneakers. My discouragement only increased when I saw how dirty my shoes were! Agad tuloy akong tumingin kay Khalil upang tiyaking hindi niya napansin ang sapatos ko. But I immediately regretted what I had done because I could clearly see his wide smile while still talking to his girlfriend. “Alright. I’ll just wait for you here,” huling sinabi niya bago tinapos ang tawag. Ang malapad niyang ngiti kanina ay agad na nabura at napalitan ng simangot nang bumaling siya ng tingin sa akin. Tumikhim ako at saka pilit na ngumiti. “Magkikita pala kayo ni Sandra. Sorry hindi ko alam.” He crossed him arms in front of his chest. “Now you know. Can you leave?” I shut my eyes and took a deep breath. “Not until you tell me why you’re acting that way.” “This way?” maang niyang tanong. “I don’t know what you’re talking about.” “Khalil, napipikon na ako,” pagbabanta ko sa kaniya. “Kapag hindi mo pa sinabi kung ano ang problema mo ay hindi na kita kakausapin kahit kailan.” Yumuko siya at ilang segundong nakatitig sa tangke ng kaniyang motor bago bumaling sa akin. He just looked at me with mysterious glint in his eyes. He neither talked nor tried to break his stare. “Khalil,” untag ko sa kaniya dahil nakakaramdam na ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Ano? Galit ka ba sa akin?” I heard him sigh and looked away. “Hindi ako galit.” “Kung hindi ka galit, bakit kanina mo pa ako sinusungitan? Akala mo ba hindi ko napansin iyon. Simula kaninang first subject natin hanggang ngayong lunch ay hindi mo man lang ako kinakausap,” dire-diretso kong reklamo. Muli siyang umismid sa akin at padabog na kinuha ang kahong hawak ko. “Kanino galing ito?” “Ha?” Nalilito kong tanong dahil sa biglang pagbabago niya ng usapan. “Kanino ito?” Iwinagwag niya pa ang kahong hawak. “Sino ang nagbigay nito sa ‘yo?” “Si Feli--” “Felix? Iyong nasa kabilang section?” putol niya sa sasabihin ko. I frowned. “Sino ba iyon?” “Hindi ba nanliligaw sa iyo iyon?” nagsisimula na namang lumukot ang noo ni Khalil. Pumalatak ako dahil wala akong idea sa mga pinagsasabi nitong kausap ko. “Hindi ko kilala iyon at lalong hindi nanliligaw sa akin iyon.” “Really, huh?” taas-kilay niya pang tanong. “Oo nga,” kompira ko. “Teka, huwag mong baguhin ang usapan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit kanina mo pa ako hindi pinapansin?” Khalil coughed and covered his mouth with his hand. Subalit hindi nakaligtas sa akin ang multo ng ngiti sa kaniyang labi. “Wala lang. Trip ko lang.” Inis akong umirap sa kaniya. “Nakuha mo pa akong pag-trip-an samantalang may kasalanan ka pa sa akin.” Kunot-noo siyang tumingin sa akin na parang walang ideya sa sinasabi ko. “Noong birthday mo,” paalala ko. “Hindi ba at inasar mo ako dahil sa damit ko. Tapos hindi ka man lang nag-sorry sa akin.” He smirked. “Manhid ka talaga.” My forehead knotted. “Manhid? Ako talaga? Sino kaya sa atin ang may atraso at hindi man lang nag-attempt na mag-sorry?” “Sino ba ang umalis agad nang hindi man lang nagpapaalam?” balik tanong niya sa akin. “Excuse me. Kaya nga walk out, ‘di ba? May nakita ka na bang nagpaalam muna bago mag-walk out?” Dahil sa inis ay hindi ko na napigilang mamilosopo. I can even feel my breath hitching because of annoyance. Paano ko nga ba ipaiintindi sa kaniyang umalis ako dahil hindi niya na-appreciate ang effort kong mag-ayos para sa kaniya? Alam ko namang mababaw na dahilan iyon para kay Khalil. Pero kasi… nag-effort talaga ako. I just wanted to be complimented by him but he got angry instead. Khalil grinned and shook his head. “Okay. I’m sorry if I offended you because of that. But honestly, wala akong nakikitang mali sa ginawa ko.” I looked at him because of that. Alam kong nakita niya ang inis sa aking mukha. “There were guys present back then and they kept looking at you. Sa naka-expose mong tiyan to be exact! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? You think I will just sit there and let those motherfuckers gawk on you.” The annoyance I felt suddenly turned into something warm that touched my heart. Sinikap kong supilin ang ngiti nang maintindihan ang ibig sabihin ni Khalil. “I was just trying to protect you, Nami. Hindi lahat ng barkada ko ay kagaya kong matino. And you can’t just roam around with that exposed belly, got it?” “Ewan ko sa ‘yo,” sinamahan ko pa iyon ng irap. Hindi pa rin talaga niya pinalampas na purihin ang sarili niya. “Huwag mo akong idaan sa pagsusungit mo, Nami. You have to promise me not to wear those kinds of outfit anymore.” “Isusuot ko kung ano ang gusto kong isuot, Khalil.” Kunwari ay pagtataray ko kahit ang totoo ay tuma-tumbling na ang puso ko dahil sa thoughtfulness ng ungas na ito. “Nami,” he said my name like it was a warning. “Oo na. Sige na,” napipilitan kunong sagot ko. “Anyway, para sa ‘yo talaga ang regalong iyan.” Turo ko sa inagaw niyang kahon sa akin upang sa ganoon ay ma-divert na ang usapan namin. Baka kasi hindi ko na maitago ang kilig na nararamdaman ko kung magpapatuloy pa rin kami sa pinag-uusapan namin. Halatang nagulat si Khalil sa sinabi ko at sinilip pa ang laman ng kahon. “It’s a cake for me? ‘Di ba, binigyan mo na ako noong birthday ko?” Natawa ako. “Joker ka talaga. Para sa ‘yo iyan, pero hindi galing sa akin. Abuso ka na kung bibigyan pa kita uli—Ay, kabayo!” Nanlaki ang mga mata ko nang walang salitang binitawan ni Khalil ang kahon dahilan upang sumabog ang laman niyon sa sementadong sahig ng parking area. “I don’t like sweets,” walang emosyong wika niya. “Ano ka ba? Sira ulo ka talaga!” I exclaimed. “Alam mo ba kung kanino galing iyang cake?” Katakot-takot na panlalait pa ang inabot ko dahil sa buwisit na regalong iyang tapos itatapon lang ng walang hiyang ito! Khalil shrugged. Mabilis ko siyang tinampal sa braso. “Galing kay Felicity iyan,” inis kong imporma. “Hinarang niya pa ako sa gate kanina para lang ipabigay sa ‘yo iyan. Kalahating araw kong inalala iyang buwisit na kahong iyan para lang maayos kong maibigay sa ‘yo. Kinapalan ko pa ang mukha ko para lang ipalagay sa refrigerator ng canteen iyan, huwag lang mapanis. Tapos itatapon mo lang?” Pinaypayan ko pa ang aking mukha dahil pakiramdam ko ay tumataas ang dugo ko sa sobrang inis. Nakalimutan ko na yatang kinilig ako sa kaniya kani-kanina lang. “Bakit mo ba kasi tinanggap? Saka matagal na kaming wala ni Felicity,” inis ding sabi ni Khalil. Asar akong bumaling sa kaniya. “Kapag hindi ko tinanggap iyan, kung ano-ano na naman ang ibibintang nila sa akin.” Khalil frowned. “Like what?” Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang muling sumagi sa isip ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Felicity at ng mga kaibigan niya. May kaunting kurot akong naramdaman kahit pa hindi naman iyon ang unang beses na nakarinig ako ng mga ganoong pasaring mula sa mga nagkakagusto kay Khalil. “Like what?” Khalil repeated his question with impatience. “Wala,” sagot ko at pilit na ngumiti. “Nakalimutan ko na rin.” Khalil’s facial expression darkened. “Sa susunod huwag ka nang tatanggap ng mga kung ano-ano para sa akin. Hindi ko rin naman tatanggapin.” I crossed my arms and rolled my eyes. “Sa susunod kasi hinay-hinay ka lang sa mga babae mo, para hindi ako napapagod sa katatanggap ng mga regalo nila para sa ‘yo.” “Kung niligawan mo ba naman ako, wala sana tayong problemang ganito.” Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ni Khalil. I felt my face heated. My heart started to beat like crazy because of his sudden words. “Pinagsasabi mo r’yan?” halos nauutal kong wika. Alam ko namang hindi lingid sa kaniya ang nararamdaman ko, pero hindi pa niya ako tinukso nang ganito. Malakas na tawa ang naging sagot ni Khalil. Halos pangapusan pa siya ng hininga dahil sa katatawa. “Buwisit ka talaga,” asar kong pinaghahampas ang kaniyang magkabilang braso. “Buwisit! Buwisit!” “Nami, stop it. Masakit na,” reklamo ni Khalil na hindi ko naman pinakinggan. Sa braso man lang niya ay makabawi ako sa pang-aasar niya. “Magaling ka lang mang-asar. Buwisit ka!” Isang malakas na palo ang inihanda ko para sa kaniyang kawawang braso. “Aw! Stop it!” muling saway ni Khalil. I readied another hard punch for him but he easily caught my hand. Natigilan ako sa maagap na kilos ni Khalil. “I said stop,” babala niya ngunit kulang naman ng galit. Lumunok at sinubukang bawiin ang kamay kong hawak niya. But Khalil didn’t let go of my hand. Hindi rin niya binaklas ang titig sa akin kaya’t muli ko na namang naramdaman ang pag-arangkada ng t***k ng puso ko. His brown eyes are now sparkling with amusement. “Honey?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses na iyon. Agad kong hinatak nang buong pwersa ang kamay kong hawak ni Khalil. I took a step away from him too. Sandra walked pass me. Hindi nakaligtas sa akin ang matalim niyang tingin bago bumaling kay Khalil. “Let’s go, Hon?” Malambing niyang tanong kay Khalil. She even kissed him on his cheek. “Honey?” Tila noon lang natauhan si Khalil kaya’t hindi agad siya nakakilos kahit nasa tabi na niya ito. “Kanina ka pa?” He even looked at her with disbelief. Sandra giggled. “You’re really funny, Hon. Tara kain na tayo, kanina pa ako nagugutom.” Khalil looked at me. Tila ba may gusto siyang sabihin ngunit hindi makahanap ng akmang salita. “Ano ba ito?” muling wika ni Sandra nang mapansin ang cake na nakakalat sa sahig. “Bigay mo ba kay Khalil ito, Naomi?” “No—“ “Bawal ang sweets kay Khalil. He’s on diet for their upcoming basketball game,” putol ni Sandra sa sasabihin ko. I sighed and decided to shut my mouth. “Hon, tara na,” ani Sandra at umangkas na sa likod ng motor ni Khalil. Muling tumingin sa akin si Khalil. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating kaya’t ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. “Sige, pupunta na ako sa canteen. Baka nalipasan na ng gutom si Linette kahihintay sa akin,” mabilis kong paalam sa kanila. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Khalil dahil kanina pa siya parang namatanda at hindi makapagsalita. Mukhang masyadong in-love kay Sandra at hindi na magawang umimik sa sobrang ganda nito. Nang may sapat ng layo mula sa parking area ay muli kong nilingon ang pinanggalingan. Nakita ko ang pag-alis ng motor ni Khalil angkas ang nakayakap sa kaniyang si Sandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD