CHAPTER 5

1630 Words
“HOY, baka naman makatusok ka niyan?” Kunot-noo akong bumaling kay Linette na ngayon ay naka-plaster ang nang-aasar na ngiti. “Ano’ng makatusok?” nalilito kong tanong habang binubuksan ang locker ko. “Hayan at nanunulis ang nguso mo,” natatawa niyang wika. Humakbang pa siya paatras na kunwari ay lumalayo sa akin. “Baka ma-hurt ako.” I shook my head. “Baliw ka talaga.” Isinara ko ang locker ko nang makuha ang aking PE uniform. Nauna na akong maglakad patungo sa girl’s comfort room upang magpalit. “Kidding aside,” habol ni Linette sa akin. “Kanina ka pang lunch ganiyan. Nag-away na naman ba kayo ni Khalil?” “Hindi naman,” matamlay kong sagot nang maalala ang tagpo sa parking area kaninang tanghali. “Hindi daw,”nagdududang wika ng kaibigan ko. “Kaninang afternoon class natin, hindi rin kayo nag-uusap. Hindi lang ako ang nakahalata, pati si Noel. Sabi nga niya mainit daw ang ulo ni Khalil. Mukhang anytime handang sumapak ng makakasalubong.” “Baka may lover’s quarrel sila ni Sandra,” kunwari ay walang pakialam kong sagot. “Mukha bang may away ang dalawang iyon? Halos nakapulupot na nga si Sandra kanina sa tabi ni Khalil. Ayaw makinig sa klase, puro harot ang ginagawa.” I sighed. “Lin, hayaan mo na nga silang dalawa. Natural lang na sweet sila kasi may relasyon sila.” Linette stopped walking and faced me. Umarte pa siya na tila may inaamoy-amoy. “Ang lansa! Amoy nagseselos.” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Linette at tumingin sa paligid. “Tumahimik ka nga r’yan. Baka may makarinig sa ‘yo at makarating pa kay Sandra.” Linette took my hands off her mouth and scoffed. “Bakit ba takot na takot ka sa mestizang bangus na iyon?” “Hindi ako takot, okay? Ayoko lang ng gulo.” “Sino ba kasi ang nanggugulo? Sila lang naman ang insecure na insecure sa iyo.” I sighed and shook my head. “Ano naman ang ikaka-insecure nila sa akin? I’m just his friend.” “For now,” habol ni Linette. “Hindi natin alam baka sa mga susunod na panahon, ikaw na ang muse sa puso ni Khalil.” Sinamahan pa niya ng kindat at sundot sa tagiliran ko. I slapped her hand and mentioned her to keep quiet. “Tumigil ka na. Kaya ako napagsasabihang ilusyonada dahil sa mga kalokohang ganiyan.” “O, bakit? Imposible bang mangyari iyon?” Ayaw pa rin paawat ng madaldal kong kaibigan. “Of course.” Sabay pa kaming napalingon ni Linette sa nagsalitang iyon. “Ako pa ba ang ipagpapalit ni Khalil sa kagaya mo, Naomi?” Natatawang wika ni Sandra habang poised na nakatayo sa pinto ng girl’s comfort room. Lihim akong napamura dahil nakita kong sumilip mula sa loob ng comfort room ang iba pa naming kaklase na nagpapalit rin ng PE uniform nila. Siguradong pagpipiyestahan na naman ako ng mga chismosang may lihim ding pagtingin kay Khalil. “What are you trying to say?” mataray na tanong ni Linette. “Maganda si Nami kaya hindi malabong magustuhan siya ni Khalil. At isa pa, malapit sila sa isa’t-isa.” Sandra sneered. “Iyon na nga, my dear. I’m not saying that Naomi is ugly. She’s cute, alright. But not good enough for Khalil. I mean, he’s hot, handsome, popular and really cool. So dapat lang na ka-level niya ang magiging girlfriend niya. In short, ako iyon,” binuntutan niya pa iyon ng tawa. I sighed. I had enough of insults today. “Tama ka naman, Sandra. Pasensya na.” “Nami,” Linette looked at me with disbelief. Pinalakihan ko ng mga mata si Linette upang patigilin na siya sa kadaldalan niyang ako naman ang napapahamak. “Oh, well. I’ll let it pass today, okay? Mabuti na lang at good mood ako dahil nag-lunch date kami ni Khalil,” pinagdiinan pa ni Sandra ang salitang ‘date’ habang diretsong nakatingin sa akin. I faked a smile and nodded. “Sorry uli. Hindi na mauulit.” “Ewan ko sa ‘yo, Nami,” inis na bulalas ni Linette bago padabog na pumasok sa comfort room. “Kawawa naman ang only fan ng love team niyo ni Khalil,” natatawang komento ni Sandra. “Pagsabihan mo, Naomi. Baka masyadong umasa.” Isang pilit na ngiti ang tanging naging sagot ko bago tuluyang pumasok sa comfort room. Hindi ko na hinintay ang iba pang sasabihin ni Sandra. Masyado nang mabigat ang dibdib ko para makinig pa sa pang-iinsulto niya. “Ikaw naman kasi, Nami,” sabi ng isa kong kaklase na naghuhugas ng kamay sa lababo ng comfort room. “Alam mo namang napaka-possessive ni Sandra kay Khalil. Ayaw na ayaw makarinig ng ibang nagpapantasya sa jowa niya.” Imbes na sumagot ay pumasok na lamang ako sa isa sa mga cubicle na naroon upang makapagpalit na ng PE uniform. Siguradong mahuhuli na ako sa klase namin nito. “Linette?” tawag ko sa kaibigan ko habang nagbibihis. “Bakit?” malakas niyang tanong. “Galit ka ba?” “Ay, hindi! Tuwang-tuwa nga ako,” sarkastiko niyang sagot. “Just forget it, okay?” Tunog ng bumukas na pinto ng cubicle ang naging sagot sa akin ni Linette. Mayamya pa ay narinig ko na ang yabag niyang papalabas na ng comfort room. Nagmamadali akong nagsuot ng PE shirt at sinamsam ang hinubad na school uniform. Napailing ako nang walang inabutang Linette paglabas ng cubicle. Siguradong nauna na iyon sa school gym kung saan kami magka-klase. Kapag kasi galit iyon ay nang-iiwan na lang bigla. Sanay naman na ako sa ugali niyang iyon dahil mayamaya lang ay lilipas na rin ang topak niya. Lumabas na rin ako ng comfort room at nagtungo sa locker ko upang itabi ang aking school uniform. Wala na rin ang ibang mga estudyanteng naroon dahil alas-tres na ng hapon ayon sa relong pambisig ko. Tiyak na nagpuntahan na rin sila sa school gym. Mayroon kasi kaming practical examination ngayon para sa iba’t ibang uri ng sayaw. Bukod pa iyon sa dance presentation namin na siyang magiging final examinaton naman namin. “Nasaan ang cellphone ko?” bulalas ko nang hindi iyon makapa sa bulsa ng palda ko. “Nahulog kaya sa cubicle?” Naiinis man ay napilitan akong bumalik sa comfort room upang hanapin ang nawawala kong cellphone. Laking gulat ko nang maabutan doon si Felicity kasama ang mga kaibigan niya. “Looking for this?” Itinaas ni Felicity ang kaniyang kamay na may hawak ng hinahanap kong cellphone. Ngumiti ako nang pilit kahit na may kakaibang kabang bumundol sa aking dibdib. “Thank you. Cellphone ko nga iyan.” Felicity laughed. Itinago niya pa sa kaniyang likod ang kamay niyang may hawak na cellphone. “Not so fast, bitch.” “Felicity, pakibigay na iyan sa akin. Late na kasi ako sa PE class namin.” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hinulog ni Felicity sa sink ang cellphone ko. Hindi pa siya nakuntento at binuksan ang gripo kaya’t nalubog sa tubig iyon. “Hey!” I snapped. I tried to walk towards the sink but her friends held my arms. Felicity grinned. “Ang lakas ng loob mong itapon ang cake na regalo ko kay Khalil. Tingnan natin ang tapang mo ngayon.” “Hindi ako ang nagtapon niyon,” mabilis kong sagot at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga kaibigan niya. “Sino naman ang magtatapon niyon? Si Khalil? Buti nga kung nakarating sa kaniya iyon,” galit na wika ni Felicity. She walked towards me and slightly pulled the strands of my long hair. “Sa basurahan nga lang nakita ng mga kaibigan ko. It took me so much time in finding that cake. Tapos itatapon mo lang?” “Binigay ko iyon kay Khalil. Hindi niya tinanggap--” Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang malakas na paglapat ng palad ni Felicity sa pisngi ko. I felt the stinging pain in my cheek. “Sinungaling!” Felicity spatted. “Kilala ko si Khalil. Hindi iyon tumatanggi sa mga regalo sa kaniya.” “Totoo ang sinasabi ko. Pakawalan niyo na ako,” piglas kong muli. Imbes na sumagot ay tinanguan lang ni Felicity ang kaniyang mga kaibigang may hawak sa akin. Mabilis nila akong hinatak papasok sa isang cubicle roon. “Ano ba? Bitawan niyo sabi ako,” patuloy kong piglas kahit na alam kong wala rin naman iyong silbi. I groaned when the girls holding me pushed me inside of the cubicle. Napasinghap pa ako nang tumama ang tuhod ko sa toilet bowl. Maluha-luha man dahil sa nakakangilong sakit ay pinilit kong tumayo. “Felicity!” sigaw ko nang sumara ang pinto ng cubicle. “Tumigil na kayo! Wala akong ginagawang masama sa inyo!” “Shut up, b***h!” Felicity shouted back. “Dapat sa mga ambisyosang kagaya mo ay turuan ng leksyon. Para alam mo kung saan ka lulugar.” Ubod lakas kong tinutulak ang pinto ng cubicle upang bumukas ngunit wala akong laban sa dalawang nakaharang sa labas niyon. “Stop this, please.” Naumid na ang dila ko kasabay ng pagtigil ng oras nang bumuhos sa akin ang malamig na tubig mula sa itaas ng cubicle. I heard the mocking laughter outside but it seems like time is running very slow at the moment. Naramdaman ko ang pagtulo ng tubig mula sa basa kong buhok patungo sa aking pisngi. Humapit na sa aking katawan ang basang-basa kong PE shirt at pants. My white rubber shoes were also soaking wet. “Serves you right, b***h!” Nagsimula nang mag-init ang gilid ng aking mata. I bit my trembling lips to stop my sob from escaping. “Sa susunod kasi huwag ka ng nakikisawsaw kay Khalil. You’re just his friend. Never ka niyang magugustuhann.” Napapikit ako nang mariin at tinakpan ang aking tainga. I’ve heard those words dozens of times before. Dapat ay sanay na ako. Dapat ay manhid na ako. But it still hurts. Masakit na nga sa puso, masakit pa sa pride. At ngayon inabot ko pa ang nakakaawang sitwasyong ito. What’s so wrong about liking Khalil? Gusto ko lang naman siya. Wala naman akong hanggad na dapat ay gustuhin niya rin ako. Okay na sa akin ang pagiging magkaibigan namin. But why do I still end up looking so pathetic? Why does liking him always end up hurting me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD