CHAPTER 6

2278 Words
NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa loob ng girl’s comfort room ilang minuto pagkatapos umalis ng grupo ni Felicity. Bumilang pa ako ng ilang segundo bago nagpasyang tumayo mula sa pagkakaupo sa malamig na tiled floor ng pinagkulungan nilang cubicle sa akin. I wiped the mixture of tears and water off my face. Sinubukan kong buksan ang pinto ng cubicle at nakahinga nang maluwag nang matantiyang kaya kong buksan iyon gamit ang malakas na pwersa. I forcefully kicked the door and it flew opened. “Ang cellphone ko,” nanghihina kong wika nang makita ang cellphone kong nasa sink at nakalubog na sa tubig. Kinuha ko iyon, ngunit lalo lang akong nakaramdam ng awa sa sarili dahil wala ng pag-asang magagamit ko pa iyon. Mabilis akong lumabas ng comfort room at tumakbo patungo sa locker room. Naalala kong naroon pa ang school uniform ko at maaari naman akong mag-excuse sa PE teacher namin kung bakit hindi ako nakasuot ng PE uniform. My steps slowed down when I saw my locker open. Mahina akong napamura nang makitang puro pahid ng icing ng cake ang loob niyon. Ang bag at uniform ko ay puro mantsa rin ng cake. “Kainis!” I almost cursed. Ubod lakas kong nahampas ang pinto ng locker ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking kamay ngunit balewala iyon sa sumusundot na galit sa aking kalooban. A soft sob escaped from me until it became louder. Wala akong pakialam kung um-echo man iyon sa kulob na locker area. I just want to cry all the anger and frustration I felt! Hindi ito ang unang beses na nakaranas ako ng pangbu-bully mula sa mga admirers ni Khalil. Those girls knew that I like him and they always accused me of using my friendship with Khalil to get closer to him. Bagay na lagi kong itinatanggi dahil hindi naman talaga totoo. Bago ko pa magustuhan si Khalil ay malapit na talaga kami sa isa’t isa. I sighed and tried to compose myself. This is the worst among all the misfortunes that I have experienced with Khalil’s admirers. Dati ay puro pagtataray lang ang natatanggap ko at binabalewala ko lang iyon. Hindi ko akalaing dadating ang pagkakataon na labis akong maaapektuhan dahil sa pagiging malapit kay Khalil. “Miss, are you okay?” Bahagya man akong nagulat sa biglang nagsalitang iyon ay hindi ako nagpahalata. Mas lamang ang inis na umusbong sa aking dibdib. Sa itsura ko bang ito ay mukha ba akong okay? Gusto ko sanang sigawan ang nagtanong na iyon ngunit pinili kong hindi na lamang umimik. Pasimple kong pinahiran ang aking luhaang mukha. “Miss?” muli itong nagsalita. “Ano’ng nangyari? Basang-basa ang suot mo.” I shook my head and turned away. Wala akong planong magpaawa. Gusto kong mapag-isa at pag-isipan ang dapat gawin sa grupo nina Felicity. Hindi ko maaaring palampasin ang ginawa nila sa akin. This is beyond hurtful words. Kung tinaray-tarayan lang nila ako ay palalampasin ko pa. But this another level of bullying. My mind froze from thinking when I felt a warm hand held my cold arm. Hindi ko na napigilang lingunin kung sino iyon upang sitahin sa kapusukang ginawa. “Miss, what happened? Sino ang gumawa sa ‘yo nito? We have to report this to the guidance office.” Napalunok ako nang mapagsino ang pakialamerong iyon. My eyes met the warmth and concern in those pair of brown eyes. Hindi ko rin naiwasang pasadahan ng mabilis na tingin ang gwapong mukha ng taong saksi sa kamiserablehang sinapit ko. It’s Terrence Valerio, the team captain of our school’s volleyball team. Senior High School na rin siya at nasa iisang strand lang kami, ngunit nasa ibang section siya. Mabilis kong binawi ang aking braso mula sa pagkakahawak niya ngunit maagap niyang nahawakan ang aking kamay. Muli na naman akong na-estatwa dahil sa ginawa niya. This is probably the first time that someone who is not close to me has touched me. “Bitawan mo ako,” pakli ko ngunit masyadong matatag ang kamay niyang bihag ang nanlalamig kong palad. “Bakit? Para umiyak ka lang?” His brow raised but his face is void of any emotions. Sandali akong natigilan dahil sa nahimigang inis sa tono ng kaniyang salita. “Ano ba’ng pakialam mo?” Terrence clicked his tongue. “Kaya maraming nambu-bully kasi pinalalagpas n'yo lang! You should get even with whoever did that to you.” Binitawan niya ang kamay ko at saka namaywang. Irritation is now evident in his handsome face as he scanned me from head to toe. “Why do you care?” inis kong wika. I instantly hugged my body as if trying to hide my dejected state from his inquiring eyes. “Pabayaan mo na nga lang ako.” “You’re impossible, woman!” He sighed with frustration and looked at me as if trying to figure out what I’m thinking. Nang tila walang makuha mula sa pagtitig sa akin ay humakbang siya palapit at muling hinawakan ang kamay ko. “Bitawan mo na ako— “ bago ko pa maituloy ang reklamo ko ay mabilis niya akong binuhat na parang sako ng bigas sa kaniyang balikat. “Bastos! Let go of me!” “Huwag kang malikot,” saway niya sa akin at hinigpitan pa ang hawak sa akin. I kicked and punched him to let me go but he didn’t budge a bit. Ilang hakbang lang naman at ibinaba niya na ako. Pumunta lang pala siya sa kabilang wing ng locker area, bakit kailangan pa akong buhatin? “Bastos! Pakialamero!” Imbes na pansinin ako ay binuksan niya ang isang locker roon. Nakitang kong naglabas siya ng tuwalya, puting shirt at jogging pants mula roon. “Change your clothes,” utos niya sa akin. He narrowed the distance between us and gave me the clothes he got. Nawala lahat ng inis na nararamdaman ko sa kaniya. Ngunit naroon pa rin ang hiya at awa ko sa aking sarili kaya’t hindi ako gumalaw upang kunin ang binibigay niya. “You want me to change your clothes for you?” tila naputol na ang pagtitimpi niya sa akin. Humakbang siya palapit sa akin at akmang aabutin ang laylayan ng t-shirt ko. “What the!” mabilis kong tinabig ang kaniyang kamay at humakbang palayo sa kaniya. “Kung ayaw mong ako pa ang magbihis sa ‘yo, kumilos ka na r’yan,” inihagis niya sa akin ang hawak ng mga damit at naglakad palabas ng kinaroroonan naming locker area. “Sandali!” agap ko bago siya makalayo at luminga sa paligid. “Dito ako magbibihis?” Terrence raised his brow and grinned. “Don’t worry, wala akong balak na silipan ka.” “Bastos ka talaga!” “Twenty seconds dapat ay nakapagpalit ka na,” utos niya sa akin. “Twenty seconds? That’s impossible—“ “One,” wika niya at tumalikod na. “Hoy!” I panicked. Dito talaga ako magbibihis? “Two,” he continued counting. “Wala bang CR dito?” “Three,” imbes ay sagot niya. I sighed in frustration. Mabilis kong hinubad ang aking basang sapatos, jogging pants at shirt. “Four, five, six.” “Shut up!” Muntik pa akong masubsob sa pagmamadaling maisuot ang mahabang jogging pants na binigay niya sa akin. “Ten, eleven, twelve.” Asar akong lumingon sa kaniya habang sinusuot naman ang over-sized shirt. “Ayusin mo ang bilang!” I saw him shrugged his shoulders. “Done?” “Sandali lang—Hoy!” I immediately crossed my arms in front of my chest when Terrence turned around to face me. “Mabilis ka naman palang magbihis,” natatawa pang wika ng walanghiya. “Bakit humarap ka agad? Wala pang twenty seconds! Paano kung hindi pa ako nakabihis?” “But you’re already dressed, so it’s fine,” balewalang sagot niya. “Ano’ng ‘it’s fine’ ka r’yan?” Terrence shook his head and walked towards me. “Bagay pala sa ‘yo.” Mabilis kong sinipat ang suot na damit. Mukha akong batang suot ang damit ng tatay ko. Para akong naka-long sleeves sa suot na shirt at ang parang saya naman sa haba ang suot kong jogging pants. “Punasan mo ang buhok mo,” tumabing sa mukha ko ang tuwalyang hinagis ni Terrence sa ulo ko. Inis kong inalis ang tuwalya sa mukha ko. Magrereklamo pa sana ako ngunit laking gulat ko nang makita siyang nakaluhod sa harap ko. I felt the hem of the jogging pants I’m wearing moved. Iyon pala ay marahang itinutupi ni Terrence upang sumakto sa akin. I felt uneasy with his sudden move. “Ako na,” akma kong ilalayo ang isang binti ngunit mabilis niya lang iyong hinatak pabalik. “Iyang buhok mo ang ayusin mo,” nagbabanta niyang wika. Mabilis ko siyang sinunod at inabala ang sarili sa pagpapatuyo ng buhok. “Your arms,” mayamaya ay wika ni Terrence. “Ano?” maang kong tanong. Pumalatak siya at kinuha ang aking braso. Gaya ng ginawa niya sa jogging pants ay tinupi niya rin ang manggas ng suot kong shirt. He also did the same on the other sleeve. “Better,” wika niya nang matapos ang ginagawa. I cleared my throat and looked away. “Thanks.” “Bakit nakayapak ka?” My eyes drifted on my bared foot. “Basa rin ang sapatos ko.” Mabilis na pumunta si Terrence sa kaniyang locker at may kinuha. Nang bumalik siya ay inilapag niya ang pares ng itim na Nike slipper. “I’m sure this is too big for you. Pero pwede nang pagtiyagaan kaysa nakatapak ka.” I bit my lower lips. May pag-aalinlangan man ay isinuot ko na rin ang binigay niyang tsinelas. Hindi pa man ako nakakabawi ay ang tuwalya naman sa buhok ko ang kaniyang pinagdiskitahan. “Sorry, wala akong suklay,” sabi niya habang marahang ipinupunas ang tuwalya sa buhok ko. “Okay lang,” naiilang kong sagot at lumayo sa kaniya. Mabilis kong ibinalik sa kaniya ang tuwalya at sinuklay ang basang buhok ko gamit ang aking daliri. Terrence raised his brow with my sudden action. Gayunman ay nagkibit-balikat na lamang siya at inihagis pabalik sa loob ng locker niya ang tuwalya. “Salamat sa pagpapahiram sa akin nitong mga damit mo,” mayamaya ay wika ko nang makabawi sa pagkabigla. “Ibabalik ko rin agad bukas sa iyo.” “You can keep it.” “Hindi pwede,” mabilis kong sagot. Inipon ko na rin ang mga basang damit ko upang makaalis na. “Basta ibabalik ko sa ‘yo ito bukas.” “Whatever suits you,” tila napipilitang sagot ni Terrence. “Sige, aalis na ako. Salamat uli,” wika ko habang humahakbang na paalis sa parteng iyon ng locker area. “Saan ka pupunta?” Kunot-noo akong bumaling kay Terrence. “Aalis na.” “Just like that? You don’t even tell me your name,” tila naiinis niyang wika sa akin. “Kailangan pa ba? I already thanked you.” He massaged his head like I was causing a big headache to him. He walked towards me and extended his hand. “I’m Terrence Valerio. Pasensiya ka na kung hindi agad ako nakapagpakilala sa’yo kanina.” Pinagmasdan ko ang nakalahad niyang kamay bago tanggapin iyon. “Naomi Alvarez.” “Nice to meet you,” he grinned. “Kahit hindi nice ang dahilan ng pagkakakilala natin.” I awkwardly smile. Masyado naman yata siyang feeling close samantalang ngayon lang kami nagkausap. “Oo nga. Sige aalis na talaga ako. Lilinisin ko pa ang locker ko.” Terrence took his towel again and walked pass me. “Ako na.” “Ano?” naguguluhan kong tanong. Ngunit nang makita ko siyang lumiko patungo sa wing na kinaroroonan ng locker ko ay agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Terrence, sandali lang,” mabilis akong humakbang upang mahabol siya. Masyado ng abala ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi naman kami close kaya hindi ako komportable sa pagtulong niya. Nang abutan ko siya ay pinupunasan na niya ang loob ng aking locker. Marumi na tuloy ang kanina ay puti niyang tuwalya. “Terrence, ako na sabi,” pigil ko sa kaniya kahit patapos naman na ang paglilinis na ginagawa niya. Pinunasan niya rin ang nadumihan kong bag at uniform. “Tapos na,” nakangiti niyang wika. “Itong uniform mo ipa-laundry na lang natin d’yan sa malapit na laudry shop para hindi magmantsa.” I immediately snatched my uniform in his hands and put it in my bag. “No need. Ako na ang bahala rito.” Terrence shrugged his shoulders. “So ano’ng balak mo sa mga nag-trip sa ‘yo?” “Ire-report ko sa guidance bukas.” “Bukas pa?” kunot-noong tanong ni Terrence. “Ngayon mo na sabihin. Hayan ang mga ebidensya ng ginawa nila sa ‘yo.” Atubili akong tumingin sa kaniya. Sa totoo lang ay gusto ko ring isumbong ang grupo nila Felicity ngayon. Kaya lang ay siguradong pagtitinginan na naman ako ng mga estudyanteng makakasalubong ko dahil sa ayos ko. “Sasamahan kita,” ani Terrence. “No,” tutol ko. “Huwag na. Masyado na kitang naaabala.” “Then, make the most of it. Come on.” Muli niyang ginagap ang kamay ko at hinatak ako palabas ng locker area. “Bitawan mo na ako. Kaya ko namang maglakad mag-isa.” Nagpalinga-linga pa ako sa paligid sa takot na baka may makakita sa amin. Terrence is one of the popular guys in our school. Siguradong mayroon ding mga matang nakasubaybay sa kaniya. Terrence stopped walking and looked at our clasped hands. “Bakit? May magagalit ba?” I gasped when Terrence interlocked his fingers with mine. I tried to pull my hands away but his grip is too strong. “Terrence, baka may makakita sa atin,” I panicked. “So what? May magagalit ba?” muling tanong ni Terrence. His eyes are now dazzling with amusement. “Oo,” mabilis kong sagot kasabay ng paghatak ng kamay ko mula sa hawak niya. He held my hand tighter because of what I did. “Sino? Boyfriend mo?” Matigas ang naging iling ko. “Wala akong boyfriend. Baka girlfriend mo ang magalit dahil sa ginagawa mo sa ibang babae.” He smirked and tugged me closer to his side. “I don’t have a girlfriend.” Sandali niya akong tinitigan bago ngumiti. “Buti na lang.” Bago pa ako makapagprotesta ay hinatak na ako ni Terrence patungo sa direksiyon ng Guidance Office. Pasimple akong nagtago sa likod niya upang hindi makilala ng iilang mga estudyanteng nakakasalubong namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD