Kabanata 5:
[Sweet lover]
Darn it! Puro kahihiyan ang napapala ko ngayon.
Aalis na sana ako mula sa pagkakandung sa hita niya ng biglang may dumating na isang may edad na babae. Ang tingin niya'y napunta sa amin, seryoso lang itong nakatingin sa amin. Hindi naman ako tanga para hindi ko alam kung bakit ganon nalang sila makatingin.
Binati ng lahat ang bagong dating na matanda. Sumulpot naman ang limang bagong dating mula sa likod ng matanda. Nabaling ang tingin nilang lahat sa mga narito pero ganon nalang ang gulat nila ng sa amin napunta ang tingin nila. Gulat na may mapanuksong tingin ang ibinigay nila.
WTF they are thinking?
Damn, mali sila ng iniisip. Maling mali din na saluhin niya ako.
Hindi ako makatayo dahil sa hihiyan, parang nawalan ako ng lakas. Hindi naman maalis nang mukong ang kamay niya sa baywang ko.
Fuck. Talagang nagmumukha kaming sweet couple dahil sa posesyon namin.
Pinilit kong tumayo dahil hindi na ko komportable. Pagkatayo tumayo din siya habang nakaalalay parin ang kamay niya nasa baywang ko. Umupo na ako sa dapat ko talagang upuan, akala ko uupo na din ang mukong pero dumeretso siya sa mga bagong dating.
"Nice! May sweet lover pala huh?!" Panunukso ng butihin kong kaibigan. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
As if naman may katutuhanan ang panunukso niya.
"La' naman. Bakit hindi kayo nagpasabi na mapapauwi kayo?" Dinig kong tanong ni Sir.
"Apo bahay ko din 'to and one more thing..." Sandaling napunta sa amin ni Rhian ang tingin ng matanda.
Sandali naman akong natigilan para balikan ang narinig.
Apo? Bahay ko din?.... Letche....
Bahay nga nila 'to. Tapos ang akala ko tauhan lang sila dito, mygosh! Lola pala niya yung kausap niya. Letcheswerlasdiputado!
Umangat ang tingin ni Rhian sa akin saka napangiwi. Narinig niya din ata yung usapan ng maglola. Nagpaka tamang hinila kami pero mali pala kami. Malay ko bang may mga tao palang hindi pinapalandakan kung gaano sila kayaman.
May iba talagang tao na nagbibihis mahirap pero lingid sa kaalaman ng ibang tao, itong taong mahirap na ito ay isa pala silang mayaman. Kadalasan kaya nagbibihis mahirap ang isang mayaman upang alamin kung sinong tao ang pakikitunguhan siya ng mabuti kahit siya'y nagbibihis mahirap lamang.
Naalala ko tuloy ang nag-iisang anak ng mayaman, ang batang iyon ay nag-ayos na mahirap. Ang dahilan niya kaya nagbibihis siya ng ganon ay dahil gusto niya ng kaibigan na ituturing siyang kaibigan hindi dahil sa isa siyang anak ng mayamang tao. Kaya sa ayos niya napagkakamalan siyang anak ng katulong at hindi anak ng may-ari ng bahay na 'yon. Lahat ng mga batang mayaman na pumupunta kasama ang magulang nila sa bahay nila, lahat sila ay pinandidirihan at inaayawan makita ang anak ng mayaman. Dahil sa bagay na 'yon nakita niyang wala siyang magiging kaibigan dahil sa hitsura niya, dahil paniguradong ituturing siyang kaibigan kapag ito'y maayos o nakasuot na magara.
Mula non ang naging kaibigan niya ay tanging ang anak ng mga katulong sa bahay nila. Tapat at hindi mapagkunwari ang mga tunay niyang kaibigan, magpahanggang ngayon matibay na tulad na bato ang pagkakaibigan na mayroon sa kanila.
'Strong stone is like a solid true friendship you never been seen more than essential treasure have in this world.'
Ang tunay na kaibigan maihahalintulad sa bato, kahit hindi kagandahan iyon tulad ng dyamante, ginto o pilak, masasabing ang bato ay napakahalaga. Ito'y tulad ng paggawa ng bahay, bato ang nagpapanatili ni'yon kaya kahit sa magdaang taon ito parin ay naroon at natatanaw. Ito'y kahalintulad ng tunay na kaibigan. Kaibigan maasahan mo kahit sa matinding bagyo. Maihahalintulad mo sa matibay na bato na hindi nagbabago ni naglalaho.
Sa kalagitnaan ng pagiisip ko biglang may humaplos sa buhok ko dahilan para magulatan ako mula sa kinauupuan.
"Nagulat ba kita iha?" Ngiting tanong sa akin ng lola ni Sir.
Haistt! Yung puso ko na gulat don ah?!
Tumango ako bilang sagot. Dinig ko ang biglang pag singit ni Vea. Tumayo siya kinauupuan niya saka naglakad para lapitan ang lola ni Sir.
"Pasensya na iha mukha kasing naglalabay ang diwa mo kaya hindi mo naramdaman ang paglapit ko." Paliwanag ng lola ni Sir.
"Kaya nga po." Ilang kong sagot.
Oh my. Kaylan pa ako ganito makipagusap sa iba?
"Good evening po La. Mukhang napa aga po tayo ng uwi?!" Ngiting sabi ni Vea saka niyakap ang matanda.
"Good evening din sa'yo Vea." Bating balik ng lola ni Sir. "Hindi manlang kasi tumawag ang apo. Nakalimutan ata niyang magsabi sa akin." Sumilay ang mapanuksong ngiti sa akin ng matanda.
No. Don't think something what ever you see. Hindi naman kasi ganon 'yon eh. May malisya na tuloy na nangyari dahil sa----damn nevermind.
Habang nasa kalagitnaan ng dinner panay ang interview nila sa amin pero si Rhian lang ang sumasagot, minsan lang ako makisama dahil nailang akong bigla. Isama pa ang hindi malaman na dahilan kung bakit iba ang pagtrato sa amin ni Vea. Iba naman kasi ang pakikipagusap niya sa iba maliban nalang sa amin ni Rhian... lalo nasa akin.
Napahikab ako na wala sa oras matapos ng dinner at mahabang kwentuhan. Nanatili parin kami sa dinning area kung saan hindi halos matapos ang kwentuhan. Sa paghikab ko ulit hindi ko mapigilan mamasa ang mata ko. Gusto ko narin kalabitin si Rhian para sabihin na lalabas muna ako para magpawala ng antok pero nakakahiya naman dahil nakikipagusap siya.
Isinandal ko nalang ang likod sa upuan para kahit paano hindi ako lamunin agad ng antok. Sandaling oras na lumipas ay napagdesisyunan na nilang matulog dahil medyo palalim narin ang gabi. Si Vea ang nagturo sa amin kung saan kami matutulog ni Rhian. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang pag-irap.
Bago pa man umalis si Vea pinigilan siya ni Rhian. Nilingon ako ni Rhian.
"Una kana sa loob. Susunod ako." Usal niya, hindi na ako nagtanong dahil inaantok na talaga ako.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa ni hindi ko inantala ang sakit ng katawan sa labis naramdaman na antok, hindi ko narin nakuhang iayos ang pagkakahiga ko sa sofa.
****
'Umuwi kana dahil paniguradong hinahanap kana nila.' Usal ng dalaga.
Umiling ang bata saka sabing, 'Uuwi ako kung uuwi ka.'
Bumuntong hininga nalang ang dalaga bago ipagtabuyan ang bata kahit labag sa kanyang loob.
Binunot niya ang katana na nasa gilid ng kanyang baywang. Itinutok iyon sa bata. Pigil niyang tinignan ang bata saka pinagtabuyan. Dahil paniguradong pag tinignan niya ang bata ito'y makukunsensya at baka hindi na siya makaalis.
'Hindi mo na kailangan mag alala bata. Umuwi kana sa inyo bago ko pa makalimutan na bata ka lang.' Walang emosyon sabi ng dalaga habang iniiwas ang paningin at pinipigilan ang sarili na maawa.
Sa narinig ng bata tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinigilan. Dahil umaasa siyang magbabago pa ang isip ng dalaga pero mali siya. Dahil ito'y desidido na sa kanyang pasya.
Umiling ang bata. 'G-anon nalang b-ba ang lahat sa'yo?' Tanong niya.
'Oo.' Walang alinlangan sagot ng dalaga sa bata.
Pinunasan ng bata ang luhang pumapatak saka lakas loob na sinabi, 'Nagbago kana. Hindi na ikaw ang dati rati kong kasama. Hindi kana ang taong kilala ko na mabait at may awa.'
Tinabig ng bata ang katana na nakatutok sa kanyang leeg dahilan ng pagkagulat ng dalaga. Nanlaki ang mata niya ng makita niyang dumugo ang kamay ng bata pero wala lang sa bata ang pagdurugo ng kanyang kamay.
'Mula ngayon hindi ko na gugustuhin makita at marinig ang pangalan mo. Kahit pa ang tinig mo. Kakalimutan ko ang lahat sa'yo, kung sino ka. Buong nayon ay hindi ka nanaisin na tumapak pa sa lupang ito. Hindi ka kikilalanin ng mga tao rito kahit pa ang sarili mong angkan.' Walang emosyon na sabi ng bata bago pinigtas ang kwentas na bigay ng dalaga. Itinapon niya iyon sa paanan ng dalaga.
Walang emosyon tinignan ng bata sa mga mata ang dalaga bago sabihin ang katagang dahilan ng pagpatak ng luha ng dalaga.
'Huwag kang paparito muli dahil wala ka naman mahalagang taong babalikan at aasahang tanggapin kang muli.' Pagkasabi ng bata ang katagang iyon tumalikod siya saka naglakad paalis.
Nang hindi na matanaw ng dalaga ang bata tuluyan na siyang napaluhod sa buhangin saka humagulgol. Nanginginig niyang pinulot ang kwentas habang patuloy parin sa paghagulgol.
'P-patawad... Jake, P-patawarin mo a-ako.' Hagulgol ng dalaga.
Bumaba ang isang binata na kababata ng dalaga. Dinaluhan niya ito sa pagdadalamhati.
'Tama lang ang ginawa mo upang sa pagdating ng panahon hindi na siya mahirapan tanggapin ang katutuhan.' Muling paalala ng binata sa dalaga.
Tinulungan tumayo ng binata ang kababatang dalaga sa pagtayo upang sumakay sa barko paalis ng nayon.
Bago pa man tuluyang lumayo ang barko binalingan ng dalaga ang isang bundok saka sabing, 'Hindi ko na maipapangakong maaalagaan kita. Hindi ko na maipapangakong lagi akong nasa tabi mo para protektahan ka. Hindi ko na maipapangakong hindi kana mag-iisa.' Sa pagpikit ng dalaga ay siya ding pagbuhos ng luha sa kanyang mata.
'Pero hindi ko maipapangakong makakalimutan kita dahil lagi kang aalala ng isip at puso ko... Kahit pa malayo kana sa aking tabi.'