Kabanata 4:
[Cricket]
NATIGIL ang sinasakyan namin sa gitna kalsada. Nung una kaala namin dalawa naflat ang gulong ng sasakyan, yon pala wala ng gasolina. Ang masaklap walang halos sasakyan dumadaan dito. Mapuno at mukhang gubat na ang magkabilaan ng daan.
"Bas-s**t naman!" Malutong na mura ni Rhian saka niya pinagsisipa ang gulong ng kotse.
Binuksan ko ang pinto ng kotse banda likod saka naupo at nag-abang ng mga dadaan na sasakyan. Ilan oras ang lumipas pero kahit isang sasakyan wala talagang dumaan. Palubog narin ang araw at ang isa pa namin problema wala manlang street light.
"Dapat pala hindi na tayo umalis para hindi nangyari 'to. Argh! Kainis." Inis niyang binuksan ang pinto sa harap saka naupo tulad ko.
Bumuntong hininga ako saka sandaling tumingin sa langit na halos lamunin na ng dilim.
"Walang magagawa ang galit mo sa mga nangyayari." Sandali akong tumigil. "Naalala mo? Diba may kasabihan na nasa huli ang pagsisi."
Ngumuso nalang siya bago tumango tango. Ilan minuto ang nakalipas isang hindi pangkaraniwang tunog ng sasakyan ang narinig namin. Agad kaming tumayo saka hinintay ang pagtapat ng kuliglig sa tapat namin.
Sa bilang ko, mga pito ang nakasakay sa kuliglig. Pero sandali akong natuliro.
S-siya?
Hindi ako umalis sa kinatatayuan dahil sa pag katuliro. Si Rhian na mismo ang kumausap sa mga sakay.
Ang malas talaga. Kahapon bigla nalang siyang sumulpot tapos ngayon----ay ewan ko nalang!
"Talaga po Sir? Nakakahiya naman po." Dinig ko mula kay Rhian nakikipag-usap.
Lumapit sa akin si Rhian saka ako hinatak para kausapin.
"Kahit paano may swerte hihi. Mukhang may dahilan kaya tayo na flatan." Sabi niya saka siya humagikhik sabay hampas sa akin dahilan kaya napaatras ako.
"Charlz s**t ka Rhian!" Naibulalas ko ng dumaplis ang kuko niya sa balikat ko.
"Sorry." Paghingi niya ng pasensya saka nagpeace sign.
Umirap nalang ako. Porket kinikilig siya required bang manakit ng iba?
Suminghap ako ng madinig ko ang yapag at boses niya na papalapit sa amin ni Rhian. Hinarap namin ang lalaking papalapit sa amin. Kumot ang noo ko nang magawi ang tingin sa mga kasama niya. Namukhaan ko yung tatlo. Hindi ako pwedeng magkamali, sila talaga yon. Pormahan palang alam na.
"Gabi na. It's not good if you still here. Our house is open two of you." Sabi niya saka binalingan ang sasakyan na walang gasolina.
Umirap ako bago umapela. "Sir. Babae kami, paano kami makakasiguro na... ah--you and your friend... d-dare not ah--you know?"
Kumot ang noo na sa hindi malinaw na sinabi ko. Di kalaunan ay bumuntong hininga siya bago ako tignan ng seryoso.
"Ms. Freecs, just all you need to do is trust me. Hindi ko ipapahamak ang sarili kong studyante." Suminghap siya sandali. "I'll promise." He added while he's rigth hand is rise up.
I pulled out of sigh. No choice kami ngayon. Wala naman akong pwedeng pagpilian pa, kasya masama pa ang mangyari sa amin mas ayos na yung sumama kahit nag aalanganin ako.
Sumingit bigla si Rhian. "Hehe how about my car?" Parang batang tanong niya.
"My friend they one who secure your car." Pagkasabi niya 'yon agad niyang sinenyasan yung mga kasama niya para asikasuhin yung sasakyan ni Rhian.
Lumapit naman ang isa sa kanya. "Papunta na daw si Tatay Mando para i-pickup yung kotse."
Tanging tango lang ang isinagot niya saka binalingan kami ng tingin. "No complain about the..." Sandali siyang tumigil saka tumikhim.
"Cricket?" Dugtong niya saka nag iwas ng tingin.
Nagkatinginan naman kami ni Rhian kung payag ba siya o hindi. Thumb up lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya.
"Wala kaming choice sa bagay na 'yan." Tanging sagot ko bago naglakad sa kuliglig.
Sa katunayan, wala naman arte kung kuliglig ang sasakyan. Sa lugar namin hindi kotse ang gamit na meron sa amin. Bakit hindi ko maiwasan maisip ang lugar na yon? Sana kahit sandali makalimot ako kung ano mang meron sa lugar na yon.
Habang nakapikit ako dinig ko ang pagtsitsismis ni Rhian sa mga bagong Professor sa ZIV. Inalam niya ang pangalan nilang lahat, edad, subject na hawak nila maging sa mga gusto nila tulad ng kulay, pagkain at kung anu-ano pa. Malala dahil pati selpon number nila kinuha niya.
Malandi ang kaibigan ko. Ang landi talaga.
"Ah Sir. Saan po pala kayo galing? sa bukid po ba?" Pag-uusisa ni Rhian.
Dinig ko ang pagtikhim nang kung sino bago sumagot.
"Actually yes. Halata naman siguro na galing kami sa bukid dahil sa suot namin right?" Dinig kong sagot nung lalaking pula ang buhok. Siya din yung lalaking isa sa kasama ni Sir nung araw na napadaan ako kung saan sila nakatambay.
"Tama ka d'yan." Pagsang-ayon ni Rhian. "Mahirap talagang humanap ng pera. Kailangan paghirapan mo muna 'yon bago makakuha. Everything you want... need strive to get it."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan matawa dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko lang alam kung paano siya nagkakapera baka isipin ko na isa din siya sa mga taong naghihirap ng husto para kumita. Sisiw lang sa kanya ang bilyar kaya hindi na mahirap para sa kanya ang magkaroon ng pera. Halos double o triple ang pera niya sa isang laro lang. Kaya sinong naman makakarelate sa kanya kung may nakakaalam kung paano siya kumita? Syempre ako lang. Ako lang naman ang nakakaalam kaya siya nagkakapera ng malaki.
"Are you working student?" Dinig kong tanong kay Rhian.
Tumawa nalang si Rhian bago sumagot.
"Hindi. Baka patayin ako kapag ginawa ko 'yon." Sagot niya saka tumawa.
Dinig ko naman ang pagtawa nila dahil sa sinabi ng bruha kong kaibigan.
Totoo naman ang sinabi niya. Pero parang biro biro sa kanya ang lahat. Pakikipag pustahan sa bilyar ang ginawa niya para magkapera kaysa magtrabaho para maiwasan ang gulo sa sarili niyang Pamilya. Pareho lang kami ng sitwasyon. Pamilya ko din ang pinaka una kong kinaiinisan sa lahat. Pamilya ko ang una kong mahirap na kalaban.
Isang oras bago kami makarating sa isang malawak na lumapain. Tumambad sa amin ang gate na may kataasan. Tatlong minuto bago inihinto ang kuliglig sa tapat ng puno.
Pagkababa namin lahat lumapit sa akin ang babaita kong kaibigan na bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha. Sabay pa kaming napatingin sa kanan, kaliwa, likod at harap. Sabay din kaming nagreact dahil sa lawak ng lugar.
"Dito ata sila nagtatrabaho. Yayamin naman yung may-ari ng lugar na'to. Pero ang layo naman ng sakahan niya." Kumento niya.
Luko ang gagong Prof namin. Sabihin naman niyang bahay nila eh kung sila may ari eh bakit kailangan pa nilang magtrabaho sa bukid? Hindi ba kapag mayaman hindi na niya kailangan magsaka. Tsaka dapat hindi cricket ang sasakyan nila. Then diba dapat they have a maid here? Mukhang lahat ng na rito ay simpleng tao. Baka wala yung amo nila kaya sinamantala nila 'yon para gawin ang gusto nila tulad ng pagpapapunta ng iba sa bahay ng amo nila dahil wala ito.
Ang lakas naman ng loob niya na isama kami e hindi naman niya bahay. May pasabi sabi pa na 'OUR HOUSE' Tsk, gago lang.
Sumunod kami sa kanila hanggang makarating kami sa loob. May isang babaeng lumapit sa kanila at may inabot na inumin para sa mga dating. Sumingkit ang mata ng babae ng makita niya kami. Napairap ako ng tingin niya kami mula ulo hanggang paa, halatang mata pobre.
Kahit hindi ko dinig ang sinabi niya alam kong kami ang pinaguusapan nila. Matapos makipagusap yung babae umalis siya dala ang tray na pinaglagyan ng tubig. Sinenyasan kami na maupo ng isa sa mga kilala ko. Familiar sa akin yung buhok nung tatlo na kausap nang Professor namin nang madatan ko silang nakatambay.
"Stay here for a while. Ipapaayos lang namin yung guest room para may matulugan kayo." Saad nung lalaking mahaba ng buhok. "Tungkol naman sa kotse, parating na 'yon maya-maya."
Tanging tango lang ang naging sagot namin ni Rhian. Nang kami nalang dalawa ni Rhian ang naiwan sumulpot naman yung mata pobreng babae. Tumaas ang kilay niya saka nagsalita.
"Who are you?" Seryosong tanong niya.
Ipinilig ko ang ulo saka pagak na tumawa. Ang ganda ng tanong. Masyadong makatao eh.
Tumayo ako at inilahad ko ang kanan kamay ko para magpakilala. "Lijana." Simpleng pagpapakilala ko.
Wala sana siyang planong tanggapin ang kamay ko kung hindi lang dumating ang huwarang Professor namin. Ang ganda ng pagdating niya, akala ko mapapahiya na ako.
"Vea." Ngiting sabi niya siya na din ang unang bumitaw.
Akala mo naman kung napaso ang mata pobre. Tsk. Feign.
Ngumisi lang ako saka kinawayan ang Professor kong gago. Seryoso lang ang mukha niya bago lumapit sa amin. Napuna ko ang suot niya ngayon, mukhang galing sa ligo halata dahil basa ang buhok niya at itim na tshirt ang suot niya saka naka padyamas at tsinelas.
Umiwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin din siya sa akin. Baka anong isip ng luko. Tsk.
"Vea, call Tatay Mando para sabay-sabay na tayong kumain." Utos niya.
Tumango lang ang babaeng pobre, bago pa man umalis ay inikutan niya ako ng mata.
Ang taray naman. Sana hindi na bumalik sa dati ang mata mo.
"Sir. Anong trabaho non dito?" Tukoy ni Rhian don sa nagngangalang Vea the mata pobre.
"Sila ang nandito kapag wala kami. In simple word we're just a family here." Paliwanag niya.
Napatango tango nalang si Rhian saka nagtanong muli ng panibago. Hindi talaga siya nauubusan ng tanong.
Pinangunahan kami sa paglalakad papuntang dinning area kung saan hinihintay nila kami. Kapansinpansin talaga ang mga nasa hapag. Iba't ibang putahi ang nakahain sa mesa, may sinigang na hipon, ginataang tulingan, pasta, vegetable fruit. Pero isang familiar na ulam ang kumuha ng atensyon ko... Adobong sitaw.
"Na riyan na pala kayo. Kain na mga iha." Ngiting sabi ng medyo may katandaan na babae. "Anong sabi ko. Wala dapat masasayang na pagkain. Kaya hala at kumain na."
Ngitian ako ni Rhian bago umupo sa kaliwa kaya wala akong nagawa kundi maupo sa kanan niya. Malas dahil makakatabi ko ang Prof ko na ngayon ay nakatingin sa akin dahil nanatili parin akong nakatayo.
Napabuntong hininga ako dahil lahat ay nakatingin sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang masamang tingin nang mata pobre. Kung nakakapatay lang ang tingin niya paniguradong nakahandusay na ako. Ano kayang problema niya at bakit ganon nalang siya kagalit sa amin---ay mean ako lang pala. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang hindi ko maipaliwanag na pakikitungo sa akin ng nagngangalang Vea.
"Take a seat Ms. Freecs." Napatingin ako sa Prof ko na ngayon ay kumain na.
Nakatingin din si Rhian sa akin na may pagtataka. "Lijana maupo kana daw. Ano hinihintay mo pasko? Matagal pa 'yon."
"May problema ba sa upuan Ms. Freecs?" Tanong niya. Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos saka ako binalingan. "Huwag mong sabihin sa akin na paghihilaan pa kita ng upuan?" Ngising usal niya.
Dinig ko ang reaksyon nila. Halos mamatay naman si Rhian dahil sa pagkamasid.
"Bas-sheyst taena!" Naibulalas ni Rhian matapos makabawi sa pagkamasid.
Paupo na sana ako para hindi na madagdag ang pagkapahiya pero ibang klase naman ang swerlas. Swerte ng malas.
"Tsk. Baka ibig mong sabihin kandungin, hindi paghilaan ng upuan." Panunuksong usal nung lalaking pula ang buhok.
Muntik na sana akong malaglag dahil sa narinig pero hindi ko alam kung mabuti bang malaglag o masalo ako? Swerlas talaga!