Kabanata 3:
[Cancelled]
PANAY ang hiyawan ng lahat sa diretsong tira ni Rhian. Hindi niya pinasunod ang kalaban niya sa bilyar, kulang nalang hindi na magpasunod. Ang swapang.
Napailing nalang ako sa mukha ng mga kalaro ni Rhian. Halatang dismayado dahil alam nilang talo sila. Mali ba naman sila ng hinamon, akala nila may binatbat sila kaya ayan tuloy ang napala nila.
Marami ang nanonood hindi lang dahil sa laro kundi sa pustahan na nangyayari. Kadalasan na sa ganitong lugar kami pumupunta pero isang beses lang kami pumunta, hindi namin ugali ang bumalik lalo na kung boring.
Kaugalian naming dalawa na gumala. Kahit malayo yan pupuntahan namin basta alam namin na may nakakapukaw ng interest namin para pumunta sa lugar na yon.
Lalong lumakas ang ingay matapos mahulog ang huling bola. Mukhang hindi na niya kailangan ang pera ng magulang niya dahil ang dami naman na pera ang napapanalunan niya. Ewan ko ba kung bakit ang dami niyang pera pero lahat nang yon ang bilis maubos? Hindi naman basta basta mauubos ang pera niya sa shopping? Saan kayang lupalok nagpunta ang iba niyang pera?
Ang hirap magtanong sa kanya dahil ang daming palusot, minsan iibahin ang usapan para lang hindi mahuli.
Patalon talon siyang naglalakad habang nasa unahan ko. Abot langit din ang ngiti niya. Kahit ata mapatid siya ayos lang, basta may hawak siyang pera. Na baliw na.
Panay ang buntong hininga ko habang may hawak na libro. Patapos na ang binabasa ko pero hindi parin kami makauwi uwi. Paanong hindi agad kami nakauwi eh ang bagal ng takbo ng sasakyan. Panay din ang binili ng kung anu-ano. Iretang ireta na ako!
Kunting oras nalang at mababatukan ko na siya. Hirap na nga akong nakaupo tapos gutom pa. Nabaling ang atensyon sa selpon ko na walang tigil sa pag-ring. Pagkakita ko sa pangalan ng tumawag binuksan ko ang binta ng kotse saka malakas na ibinato sa tulay ang selpon bago iyon nahulog sa ilog.
Biglang nagpreno si Rhian dahilan para mauntog ako sa dashboard ng sasakyan. Sakto pang tumama yung na unang sugat ko, dahil din sa pagkauntog.
Saan pa kaya ako mauuntog? May lala ba sa bakal na pinto at dashboard ng sasakyan?
Napakaswerte ko naman ngayon.
Masyado naman akong pinagpapalala. Abot langit na ang punta ko.
"Sign na ata yan ng kamatayan mo!" Siya.
Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin? Kung sabunutan ba siya o ihulog ko na din kaya siya sa tulay para wala na akong kadikit na swerte ng delubyo?
"Salamat ng marami sa'yo." Inis kong sambit. Ngumiti lang ang bruha. "Ikinatutuwa ko na marinig sa'yo yan. Pero masaya kung, una ka."
"Hindi pwede eh. Ikaw naman nakaisip kaya ikaw nalang, huwag ka nang mangdamay. Ayos na yung ikaw na ang mamatay para at least maglalast testament ako sa araw ng libing mo Bwahahaha!" Tuwang tuwang siya habang nagmamaneho, muntik na nga kaming bumangga sa puno ng mabulo dahil sa kakatawa niya.
Bakit napakaswerte ko? Sa pwedeng makasama itong letcheng bruhang ito pa! Simenteryo ang ending ko nito eh. Mapapaaga ang magiging paalam ko dahil lang sa baliw na'to.
Halos wala na akong lakas para buksan pa ang pinto ng unit ko. Sobra ang nararamdaman kong katamaran. Isang anino ng tao ang naaninag ko kaya napatingin ako sa likuran ko. Pagkakita ko kung sino agad akong pumasok.
Halos habol ko ang hininga ko habang nakasandal sa pinto. Kung kanina halos mamatay ako sa kamalasan ngayon naman dahil sa pagkabigla.
Walang matinong nangyayari sa buhay ko. Puro problema at kamasalanan ang dumating sa akin. Mukhang naniniwala na ako na malas nga akong tao. Hindi ko lang matanggap noon kaya ngayon nagpaparamdam na.
Matapos kong nagbihis deretsong kusina ang punta ko. Nawala ang katamaran ko dahil sa pagkabigla kanina. Bigla nalang bang kasing susulpot. Heto ako ngayon at buhay na buhay ang dugo sa buong katawan. Para tuloy may nagtutulak sa akin na lumabas para mag jogging kahit gabi na.
"Bakit ka nandito? Gabi na kaya." Inaantok na sabi ni Rhian.
Pumasok na ako saka dumeretso sa kusina para kumuha ng ice cream. Bago ko lisanin ang kusina naghugas muna ako ng mga pinggan dahil paniguradong tulog na yon sa tent na ginawa niya.
Nang matapos ako sa ginagawa kinuha ko ang lahat ng magazine na nakakalat sa mesa habang ang iba ay nasa sofa at sahig. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang familiar na mukha.
Tama. Siya nga.
Ganito na pala ang ikinasikat niya sa pagiging artista. Ilang bahay narin ang napatayo niya. Hindi lang yon, pati sikat na restaurant dito sa Pilipinas siya din pala ang may-ari non. Asensado na pala siya.
Nang magsawa ako sa pagbabasa napagpasyahan kong matulog na para naman makabawi ako sa pagod. Kinaumagahan habang mahimbing tulog ko nasira yon dahil sa panggugulo sa akin ni Rhian.
Asar na asar ko dahil inaantok pa ako tapos manbubulabog lang siya. Nang hindi ko kinaya ang ginagawa niyang pangigising, hinampas ko siya ng unan hanggang sa matumba siya. Kinuha ko ang dalawa niyang paa saka ginuyod hanggang palabas kami ng unit niya.
May ilan na napapatingin sa amin pero sanay na sila sa ugaling meron kami. Patakbo akong bumalik ng unit niya saka isinara ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto bubuhusan ko siya ng tubig kaya napatili siya.
"Ay nabasa!" Pang-aasar ko bago tumakbo papuntang ng kusina.
"Taena ka Lijana!" Sigaw niya habang papunta sa akin.
Aktong lalapit siya ng pero natigil siya ng makita niyang kung anong hawak ko.
"Wala naman ganyanan. Ang daya! Paano ako niyan makakabawi?" Pagmamaktol niya ng makita niyang may hawak akong kutsilyo. "Plano mo bang patayin ako ng maaga?"
"Kung nagmamadali kang sumakabilang buhay, aba nasa sa'yo na yon." Kibit balikat kong sabi.
Naupo nalang siya saka humalukipkip. "May chika ako sa'yo." Panimula niya.
"Ano naman?" Bagot kong tanong.
"Si Ateng sungit yung sa bilyar na laging pinupuntahan natin dati, Si Elem." Siya.
Tukoy niya don sa suki ng bilyar. Minsan na namin nakaharap yon, masasabi kong masyadong ma-issue sa buhay ang babaing yon. Magaling sa paglalaro ng bilyar pero saksakan naman ng sablay ang ugali. Grabe ba naman ang arte sa katawan niya, kahit maliit na bagay kinakaartihan niya.
"Ano ngayon?" Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng kape. Kumuha narin ako ng tinapay para ipareha.
"Sikat at bigatin na. Ang laki ng inasenso niya. Mula sa babaing suki ng bilyar naging sikat ng artista na ngayon." Tumayo siya saka umaktong may mamahalin bag, nakasuot ng shade saka umarteng naiinitan.
"Give me a walter." Maarteng utos niya.
Tumingin siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. "I said walter." Pang uulit niya. "Are you deaf?"
"Tumigil tigil ka nga. Hindi mo naman bagay. Saka hindi walter yon, gaga. Water, water huh. Hindi walter. Ang arte pero boba naman." Iling kong sabi bago humigop ng kape.
Ngumuso lang siya bago na upo. Halatang nasira ang pag aarte niya. May binubulong pa siya habang umiinom ng kape. Isip bata kahit kaylan.
Sumagi nalang sa isip ko kung bakit hindi pa nangyayari ang sinasabing commencement day? Sa pagkakaalam ko dapat nung first of school pa dapat nagsimula yon. Di bale hindi pa naman dumarating ang mga prominent. Paniguradong balik ang lahat sa dati kapag kompleto na ang prominent.
At least na may pasok pina-cancelled ng exalted-com dahil sa pagbabalik ng mga prominent. Apat na araw yon, bale sa lunes na ang pasok ng lahat.
Exalted-com sila ay parang mga SSG officer pero iba nga lang ang ganap at pagtrato sa kanila. Mataas parin ang mga prominent kaysa sa mga Exalted-com. Ang Dean at Exalted-com ay mababa hindi sila tulad ng prominent na laging tinitingala at kinatatakutan.
Dahil sa pa-announce ng ibang prominent na pansamantalang walang pasok nanatili kaming pagala-gala ni Rhian sa kung saan-saan.
"Dapat ginawa mo din yon." Ngusong sabi habang nasa daan ang tingin.
Umiling ako. "Hindi ko naman ugali yon."
Sandali siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.
"Edi ugaliin mo." Sabi naman niya.
Ang kitid naman ng utak.
Nakakawalang gana kapag ganon. Sayang oras din. Masyadong lang kasing pasikat ang iba kaya nagpa announce ng walang pasok. Panigurado may iba't ibang entrance ang mga prominent, yon kasi pinakagusto nila yung laging sila ang usapan at dinudumog ng mga studyante na mababa sa kanila.
Ang iba naman ay tahimik lang. Walang masyadong issue pero pagdating sa teritoryo at ibang bagay, ibang usapan na ang bagay na yon. Paniguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Sa madaling salita, isang gulo ang sisiklab.