Kabanata 2

1400 Words
Kabanata 2: [ Strike ] PIGIL tawa ang lahat dahil sa nangyari habang ako naman ay nagpipigil na sumabog sa galit. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyari. Huwag niyang hintayin na ako mismo ang gumawa ng paraan ng pag-bagsak niya, dahil sisiguraduhin kong ako ang magwawagi. Inis kong dinampot ang warning paper sa mesa niya saka pinunit iyon sa mismong mukha niya. Walang nagbago sa hitsura parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. "Ms Freecs, nakalimot ka ba? o sadyang hindi kalang marunong sumunod?" Siya. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Patawa din ang isang to. Kumuyos ang kanang palad ko sa natanggap na kahihiyan sa buong klase. Again, strike for this day Sir. I make sure you're life is gonna be suffer like hell. "Kailangan bang itanong ang bagay na yan Sir?" Pinagdiinan ko ang salitang Sir. Hindi siya sumagot hindi din niya inalis ang tingin niya sa akin. Pumunta ako sa upuan ko saka dinampot ang bag saka naglakad palabas ng room. Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Rhian. Ubos na talaga ang pasensya ko. Hindi pwede ang mga nangyayari. Sa isang iglap nagbago ang lahat kahit isang araw palang ang nakalipas. Parang hindi kapanipaniwala ang mga kaganapan. Sumundal ako para pakalmahin ang sarili bago pumunta sa lumang building na nasa pinakalikod ng school. Bumungad sa akin ang magulong silid. May ilan na bote ng alak ang nagkalat at yusi. Nabaling ang tingin ko sa isang saradong pinto. Humarang agad sila dahilan para lalong mang-init ang ulo ko. Tinuro ko sila saka sinenyasan na gumilid pero hindi sila natinag kahit na halatang natatakot na sila. Umiling nalang ako sa inakto nila. Mga bago ngayon ang nagbabantay pero halatang may ilan silang alam kahit hindi pa sapat iyon para basta-basta nalang akong harangan. Umakto akong aalis na dahilan para hindi nila asahan ang ginawa kong atake dahilan ng pag kawalan nila ng malay. Sinipa ko ang pinto para bumukas iyon. Ayaw kong dungisan ang kamay ko lalo na sa lugar ng mga 'Wanton' Agaran akong na patalikod sa naabutan ko. Heto yung sinasabi nila na malas. Ano pa nga ba ang aasahan ko? "P*tang'na!" Gulat niyang sabi. Lumabas na ako dahil mukhang wrong timing ako. Naghintay nalang ako sa labas kung saan nadatnan ko ang sampung bantay niya na walang malay. Kaya pala sila humarang? ang kaso mga timang sila. Hindi nila agad sinabi na may ibang kaganapan edi sana hindi sila nasampolan, halatang mga baguhan e! "Mga tanga!" Inis niyang sabi ng makita niya ang kalagayan ng mga bantay niya. Tulad niya din, tanga. Hindi ba naman niya pagsabihan ang mga utusan niya. Tanga lang din. Inilahad niya ang upuan na nasa harapan ng mesa niya. Umiling ako, "Hindi na kailangan." "Bakit ang isang tulad mo padpad dito? hindi ba dapat nasa klase ka ngayon?" Ngising sabi niya. Hindi ako sumagot. May kinuha siya sa ibabaw ng mesa niya, inilahad niya iyon sa akin. Binuklat ko lang iyon dahil hindi naman ako intresado. "Ang studyante at ang guro kahit kaylan hindi magkakasundo hindi ba?" Tuwa siya bago kinuha ang panibagong papel sa mesa niya. May katangahan talaga ang isang 'to kaya ayaw na ayaw kong pumupunta dito. Wala lang akong ibang pagpipilian. "Paniguradong nasagap mo na yung balita?" Tanong ko. Tumawa siyang muli. "Ang lahat ng kaganapan alam ko. Bakit ka nga ba nandito?" Inihagis ko ang isang itim na bag bago umalis. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag pa, sapat na ang bag na yon para malaman niya ang dahilan. Pilit ko naman magbago kahit sa simpleng paraan tulad ng huwag masangkot sa kahit anong gulo pero sadyang ang suwerte ko. Direksyong cafeteria ako bago pumunta sa Martial arts station. Pinag pagplanuhan ko ang pagpapaalis ng docent pero sa ngayon kailangan ko mo nang bumuo ng plano, planong siguradong panalo. Kinawayan ako ni Decko habang lumalapit sa akin. Pagkalapit niya isang lalaki ang humarang sa kanya para magtanong. Matapos niyang makipagusap humingi siya ng despensa dahil medyo natagalan siya. "Pasensya na talaga medyo busy kasi nitong mga nakaraang araw." Paghingi niya ng despensa habang nakakamot sa kanyang batok. "Bakit ka nga pala nandito? Saka, bakit hindi mo ata kasama si Neo at si Rhian?" "Syempre gusto kong mapag-isa. Teka nga pala, hindi ba na sayo yung flashdrive?" Pang iiba ko ng usapan. Medyo maproseso ngalang alamin ang lahat ng nandon, kailangan ko ng tulong para masimulan ko na ang plano. "Ata? Hindi ko lang alam, mukhang nasa lumang building kasi yon. Sa huling check ko mga sampung buwan nang tambak yon doon." Ani niya. "Saan mo ba gagamitin yon?" Tanong niya. "Gaano ba ka-importante ang paggagamitan mo non?" Dagdag niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Ang kapal din kasi ng mukha. Alam naman niyang inis ako sa mga taong maingay e. "Importante pa sa buhay mo." Ngising sabi ko. Napangiwi nalang siya saka sabing, 'gross' "Grabe naman. Mahalaga naman ang buhay ko ah?! Hindi niyo lang ma-appreciate." Iling niyang sabi bago umalis para magpalit ng damit. Naka suot kasi siya ng pang martial art uniform. Pagkabalik niya panay din ang daldal niya, kung ano-ano ang pinagsasabi. Panay ang reklamo niya kaya panay din ang batok ko sa kanya. Ang daming satsat. Daig pa ang babae. Huminto kami sa tapat ng pinto ng storage room. Siya ang pumihit ng doorknob para bumukas ang pinto. Pagkabukas ng pinto bumungad sa amin ang napakaraming kahon. Ang iba ay matino pa ang ayos ng kahon, yung iba naman hindi na. Sa pinakadulo kami pumunta kung na saan ang isa pang pinto. Kinailangan niya pang i-unlock yung padlock bago kami tuluyang makapunta sa security base. Dito itinatambak ang lahat ng mahahalagang bagay tulad ng papeles at iba pa na kailangan itago. Hindi lang nag-iisa ang sagradong security base namin. Ang ilan kasi ay nasa ibang parte ng school, samantalang ang iba ay nasa labas ng paaralan para mapangalagaan ang lahat ng mahahalagang detalyeng naroon. Pinakialaman ko ang lahat ng cctv para alisin ang ibang kuha. Hindi nila pwedeng malaman na galing ako sa lugar ng wanton. Paniguradong dagdag issue kapag nalaman nila. Saktong pagkalapit ni Decko nagawa ko na ang sadya ko. Inabot niya sa akin ang flashdrive, tinanggap ko i'yon bago nilisan ang security base. Hindi na ako nagpaalam pa dahil hindi ko naman ugali yon. Natigil ako sa paglalakad ng marinig ang apat na lalaking naguusap. Nakatalikod sila dahilan para hindi nila ako nakita. Paalis na sana ako ng magpantig ang tainga ko sa narinig. Kumuyos ang magkabilang palad ko. Sino naman kayang matutuwa kung marinig mo ang panlalait sayo? Ang malala pa ang taong sumisira ng araw ko. Nakaka-strike na siya sa akin. Kunti nalang talaga baka paliparin ko ang kamao ko sa mismong mukha niya. Hindi nalang ako dumaan doon baka isipin pa niyang napaka-tsismosa ko at baka maalala niya pang bigyan ako ng warning paper. Deretsong cafeteria ulit ako para makitawag. Pagkasagot ni Rhian ng tawag panay panenermon ang ginawa niya, hindi manlang niya ako pinagsalita. Ang bastos. "Tahimik." Putol ko sa panenermon niya. "Hindi pa ako tapos hoy!" Halos pasigaw niyang sabi dahilan para ilayo ko ang selpon sa tainga ko. "Para sabihin ko sayo. Hindi bingi ang kausap mo kaya huwag mo akong sigawan." Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit. "Saan kaba?" Tanong ko. "Powder room." Mahinang sagot niya. Napangiwi nalang ako kung bakit siya nando'n. Natawa pa nga ako dahil halos paiyak na siya sa kalagayan niya. "That's call karma." Pang-aasar ko matapos siyang hintayin sa pagiging banyo queen niya. Kulang nalang magpapadyak siya habang nakasimangot. Hindi ko siya tinigilan sa pang-aasar hanggang sa.... "Sh't Lijana! Buhay ka pa ba?" Anak ng--- mukha bang nakakamatay kapag bumangga sa pinto? Agaran akong inalalayan ni Rhian para makatayo. Nang dodoble din ang paningin ko. Ang malas naman. "That's call karma." Ngiting sabi niya. Binitawan niya agad ang kamay ko ng tinignan ko siya ng masama. Pero ang malas ko naman. Pagkabitaw niya halos masubsob ako. "Ay karma mo!" Naibulalas niya bago ulit ako tulungan. Iwinaksi ko ang kamay niya, dahil na didelubyo ako. "Lumayo ka sa akin dahil minamalas ako ngayon!" Inis ko sabi bago nagrekober sa pagkabunggo sa bakal na pinto. Tumango tango siya habang nakatingin sa sahig. Tinalikuran ko siya saka naglakad paalis dahil alam kong nagpipigil ng tawa ang bruha. Nakuha pa akong tawanan ng palihim. Ang galing naman ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD