Kabanata 1

1902 Words
Kabanata 1: [ Late have a punishment ] NAPAATRAS ako dahil sa biglang paglalagay niya ng kung ano sa noo ko. Inis kong inalis iyon saka itapon sa sahig. "Name?" Tanong niya habang nakatingin sa hawak niyang listahan. Hindi ako sumagot dahilan para balingan niya ako ng tingin. "Again. What is your name?" Muling ulit niya sa tanong. "Para saan?" Bagot kong tanong sa kanya. Inayos niya ang suot na salamin bago magsalita "From now on. Late have a punishment." Anunsyo niya sa lahat. Matapos niyang magsalita hinarap niya ako bago maglagay sa noo ko nang panibagong papel. Bago ko pa man alisin yon bigla siyang nagsalita. "Your late. Second you throw my warning paper in the out of place. And last, Your disrespectful at your teacher." Seryosong sabi niya bago inabot sa akin ang panibagong warning paper 'kuno. "Three warning you acquired this morning." Sabi niya bago ako lagpasan. Ang ganda ng bungad ng umaga ngayon. Kaylan pa kaya na uso ang warning paper? Bagong guro at may bagong pa uso. Nice! May pinaglalaban din. Direspectful pala huh?! Pagkaupo ko ipinakita sa akin ni Rhian ang nakuha din niyang warning paper. Hindi lang ako, pero bakit nasa loob na siya? Samantalang yung iba nasa labas at may hawak na libro? Makikibalita nalang ako mamaya. Bumalik sa loob yung bago namin adviser kasunod yung ibang kapwa namin studyante saka sila bumalik sa upuan nila. Naging tahimik ang buong klase. Ang karamihan ay hindi makatingin sa kanya. Ano kayang nangyari nung wala ako? "After your last class, go to field for all your punishment. No one going escape." Sinuyod niya ng tingin ang lahat hanggang mapunta sa akin. "I have a rules." Panimula niya. "First don't be late especially at my class. Second, be respect especially to all your Professor." Hindi niya inalis ang tingin sa akin habang sinabi ang huling katagang binitawan niya. Karesperespeto ba siya? Hindi niya ba alam kung nasaan siya? Kung saan lugar siya ngayon naroroon? Kasi kung makaasta akala mo kung sino. Masyadong bossy. Hindi ko alam kung pasikat siya o ano. Pero natitiyak kong hindi siya makakatagal at aalis din siya. Walang studyante sa ZIV ang gusto na sinasapawan, lalo na kung guro ito. "Third, don't scattered every where. Be matured and don't act like a child to need tick off you on what you need to do. Your not child anymore." Pangangaral niya. Sino bang may sabing bata kami? Hindi ba pwedeng ayaw lang namin sa isang tulad niya!? Masyadong over thingking lang. Pagkaalis niya nagsimula nang umingay ang buong klase. Karamihan na naririnig ay pagkabadtrip nila sa nangyari. Pumalpak daw ang mga plano nila kaya a'yon naparusahan sila. Pinaglinis sila at pinag squat habang may nakapatong na libro sa magkabilang kamay. Wala naman kaming matinong klase dahil takot lang ng mga Professor dito, pero may isang mapangahas. Aaminin ko na hindi madaling mapatalsik ang isang yon pero hindi ibig sabihin na wala kaming magagawa para mapatalsik siya. "Kailangan mo ba ng salbabida?" Biglang sabi ni Rhian. Tinuro pa niya ang warning paper na nasa mesa ko. "Yan ba ang inisip mo?" Umiling ako para hindi siya mang inis. Baka madagdagan ang problema ko. Madaldal at mausisa kasi ang babaeng to hindi titigil hanggat mapaamin ang isang tao. Nag-isip ang lahat ng plano kung paano mapapaalis ang bagong guro. Balita ko din twenty two lahat ng bagong Professor dito karamihan sa kanila iba sa mga na unang professor. Nakatanggap ako ng letter, hindi na ako nag-aksaya ng oras para basahin yon. Hindi naman kata-kata kung bakit lahat ay nabigyan ng letter. Iisa lang ang dahilan kung bakit may letter na ibigay sa lahat. "Sasabay ka ba sa akin?" Sumulpot sa gilid ko si Neo. Hindi nakaligtas sa akin ang mapang-asar na tingin ni Rhian. Kinawayan ni Neo si Rhian para batiin ganon din si Rhian. "Hindi na." Sagot ko. Aangal na sana siya ng biglang may dumaan sa pagitan namin. Sumimangot si Neo dahil sa nangyari. Napaka isip bata. Hindi naman siya napansin nung dumaan dahil nagmamadali siya kaya hindi na humingi ng paumanhin. "Dapat bang ako ang humingi ng sorry?" Umiling siya bago ibalik ang topic. "Sino kung ganon ang kasama mo?" Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. "Wala." Walang ganang sagot ko. Bakit parang ang bigdeal kung sino ang kasama ko? Kailangan ba may kasama kapag pumunta don? Huwag niyang sabihin na hanggang ngayon wala siyang tiwala sa akin? Ganon naman talaga sila walang katiwala sa akin. Hindi ko naman sila masisi. "Ikaw Neo sinong kasama mo?" Balik na tanong ni Rhian. Nagkibit-balikat siya. "Siguro sila Decko." Tukoy niya sa mga barkada niya. Natahimik ang buong cafeteria ng dumating kami. Sinenyasan ni Rhian ang cashier. Dumeretso nalang kami sa upuan na nakalaan sa amin. Sanay na ang lahat sa amin. Ganito naman lagi ang tagpo kapag nakikita nila kami. Habang hinihintay namin ang pagkain nabalik ang topic tungkol sa mga bagong professor. Ikinuwento niya lahat ng kaganapan mula nung dumating yung professor namin hanggang sa pagdating ko. At least nga na mainis si Rhian na kuha pa niyang humanga. Kesyo ang gwapo daw ng bago namin professor kaysa don sa mga na una. Malandi din ang babaita. "Alam mo hindi bagay nung bagong professor namin maging teacher." Si Rhian. "Paano mo naman na sabi?" Tanong ni Neo. Uminom muna ng tubig si Rhian bago magsalita. "Ewan lang pero, sa tikas ng pangangatawan niya hindi mapaghahalataan na teacher. Plus ang gwapo ni Sir, maputi na nga ang bango pa." Sabi niya habang inaalala ang hitsura nang bago namin professor. Umubo ng peke si Neo kaya inabutan siya ni Rhian ng mineral water. Kumot naman ang noo ko. "Hindi mo maimagine." Sabi ko dahilan para mapaayos siya ng upo. "Hindi ko lang inexpect na gano'n ang magiging teacher niyo." Sabi niya. Hinarap niya si Rhian para magtanong. "Kung ikukumpara mo yung bago yung professor. Kanino mo siya maikukumpara?" Tanong niya dahilan para mapaisip si Rhian. Bumuga ng hangin si Rhian. "Maikukumpara siya sa isang modelo at sa isang artista. Don siya maikukumpara. Kaya nga nung unang kita namin sa kanya akala namin kung sino lang kaya a'yon hindi namin natuloy yung plano." Kaya pala. Pero para naman silang timang. Hindi manlang nila napansin yung uniform nung professor? O sadyang sa hitsura ng professor na yon sila nasilaw kaya ganon? Bumaba base kasi sila sa hitsura kaya ganon ang napala nila. "Paano ka nakakuha ng papel?" Tuloy ko don sa warning paper na meron siya. "Ahh yon ba? Sabi niya wala daw kaming respeto. Malay ba namin professor siya." Ngusong sabi niya. "Bakit yung iba nasa labas?" Muli kong tanong. "Late e saka basta basta nalang pumasok din. Edi late saka disrespectful daw. Parang ikaw." Sabi niya sabay turo sa akin. "Mana sayo ang lahat kaya hindi na kata-kata." Dagdag niya. "Tsk. Kayo nga pumalpak." Sabi ko. "Walang problema don. May susunod pa." Ngiting sabi niya. Siguraduhin lang nila na hindi sila papalpak kundi ako sasapak sa kanilang lahat, para naman ayos ayusin nila ang plano nila. Balik ulit ang lahat sa plano tulad ng dating nakasanayan. Sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay ng katabi. Panay ang sigaw niya habang inaalala ang lahat ng nangyari kanina. Plano kong mag isa ko lang na pupunta pero dahil sa nangyari heto at dalawa kami. Pagkapark namin ng sasakyan sinalubong kami ni Neo at nang mga barkada niya. Hindi maalis sa tabi ko si Rhian. Halatang hirap akong iwanan. Bawat nadadaanan namin ay gumigilid para bigyan kami ng daan. Ganyan nga dapat. Maayos naman silang pakiusapan may ilan nga lang na hindi. Si Rhian ang nanguna sa paglalakad para maagaw niya ang atensyon ng lahat. Binigyan siya ng daan para mauna sa pila. Pagkatapos niyang mag sulat sa pass list dumeretso siya agad sa kabilang counter table ng isang chasier para magbayad. Abot tenga ang ngiti niya nang lumapit siya sa amin. "Dapat ganito din kapag nagsa-shopping ako para iwas bawas oras." Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko. Inalis ko yon dahil nakakairita dahilan para mapasimangot siya. Nauna na akong naglakad papuntang loft room. Paniguradong ang dami niyang sasabihin kapag sumabay ako sa kanya. Daig pa niya ang bata kaso hindi na siya bata kundi isip bata. Pagkapikit ko palang ng mata ko dinig ko agad ang pagtili ni Rhian. Sinaway siya ni Neo pero hindi siya matinag at nag tatalon talon pa siya. Kahit kaylan napaka isip bata. "Bago na naman ang ayos." Puna niya sa kabuan ng loft room. Pinatay sindi din niya ang ilaw dahilan para kunin ko ang isang unan para takpan ang mata. Sa inis ko binato sa kanya ang isang unan para mapatigil siya. "Bakit ba?" Ngusong sabi niya bago umupo sa sahig. "Tina-try lang e. Baka kasi antigo din yung ilaw nila." Dahilan niya bago sagutin ang tawag sa telepono na nasa ibabaw ng mini table. Mamaya naramdaman namin ang pag-galaw ng loft room. Ibig sabihin papunta na kami sa demote sa madaling salita underground base. Hindi kasi basta-basta silid ang kinaroroonan namin dahil ito'y isang malaking elevator. Hindi rin basta-basta ang pagpunta dito sa loft room dahil kailangan mong pumila sa counter table para maglista sa pass list ng codename saka password. Muling tumunog ang telepono na nagbibigay hudyat na pwede na kaming lumabas. Lumitaw sa harap namin ang anim na sentry, kung susumahin para silang mga bodyguard dahil sa mga suot nila. Hindi pa kami lumalabas ng loft room ng bigla silang nag yukuan para magbigay galang. Taas noong naglakad si Rhian na aakalain na artista o isang mahalagang tao. Umiling nalang ako sa mga inaasta niya. Hindi naman masabihan dahil daig nga niya ang bata. Ako nalang ang susuko sa katigasan ng ulo niya. Ewan ko ba at paano ko siya na kayang makasama, ngayon naman na ayaw ko ang lahat sa kanya? Sa ugali palang inaayawan ko na, lalo na ang bawat kilos niya. Sinundan ko ng tingin si Rhian ng patakbo siyang bumalik sa roft room at taas noong naglakad habang ang mga sentry naman ay nakayuko. Paulit ulit ang ginawa niya. Halatang pinagtritripan niya ang anim na sentry. Pagkalapit sa amin ni Rhian agad siyang hinawakan ni Neo sa braso para pagilan na ulitin ulit ang ginagawang kalukuhan. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak sa kanya kaya pinisil ni Neo ang pisnge ni Rhian dahilan para sumimangot ang isip bata. Pagkatalikod ko sa dalawa hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Parang mag kuya ang dalawa, minsan na iisip ko na bagay sila. Sila din ang kadalasan magkasama at nagkakasundo, kadalasan din silang nakabantay sa akin. Lahat ng haharang sa daan ko hinaharang nila para paaalisin. Medyo over protective ang dalawa, kaya minsan gumagawa ako ng irarason makatakas lang sa dalawa. Hindi pa man kami nakakapasok sa demote ng dinig namin ang anunsiyo ng speaker. Ininansyo niya ang pagdating namin dahilan para magsitahimik sila. "Tawag na tayo." Exited na sabi ni Rhian. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya pero pagkabukas ng pinto agad na nag-iba ang hitsura niya. Sumeryoso ang mukha niya saka taas noong naglakad papunta sa nakalaan na upuan para sa amin. Abnormal kahit kaylan. Ang prominent ay kilala ng lahat sa ZIV, sila kasi ang tanyag sa buong ZIV kahit studyante lang. Sila'y tinitingala bilang isang bituin sa kalangitan. Nagsimulang nag-ingay ang lahat ng inanunsyo na ang pinaka importanteng bahagi ng assembly . . . ang pagpapatalsik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD