Inilayo ko ang aking mukha nang naramdamang nawawalan na ako ng hangin, ngunit idinikit ko rin ang aking noo sa noo ni Jude at tumitig sa isa't isa. Parang maduduling na ako sa sobrang lapit ng aming mga mukha. We were gasping for air, then breathing each other in. My hands remained clasped on his nape, as well as his hands on my waist. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking beywang, kasabay no'n ay ang paglitaw ng ngiti sa mukha niya. Hanggang sa unti-unti na rin akong napangiti habang nanatiling nakadikit ang mga noo sa isa't isa. We weren't saying anything, yet that silence was enough to let us know that we understood each other. That he understood what I was trying to imply. I don't have to say anything just for him to understand me. Mabilis at malakas ang bawat pintig ng puso ko.

