Kinaumagahan, nakatanggap ako ng dalawang message mula kay Althea. Napabalikwas ako sa pagbangon at wari tumakas ang k'unting antok na nararamdaman nang nabasa ang message niya. Halos idikdik ko sa mukha ko ang cellphone screen nang mabasa ko nang mabuti ang nilalaman ng message niya. From: Althea hooyy girl! wag ka, invited ako sa party ni Jude Evans!!! AS IN JUDE f*****g EVANS!!!! From: Althea charotness, invited kafling ko kaya invited na din ako :D Magtitipa sana ako ng reply para sa kaibigan ngunit may dumating na namang bagong message. It was from Joanna this time. From: Joanna Why the hell's an unknown number messaging me at nagpakilala bilang si Jude Evans and sinabing I'm invited sa party niya??? Kung si Jude nga to close ba kami para umattend ako sa party niya? Nakagat ko

