It was almost ten in the evening nang nakarating kami ni Gab sa bahay namin. It was a silent ride and I knew Gab wanted to ask about my silence the entire time. Ngunit pinili kong manahimik at nakatuon lamang sa labas ang tingin. Naka-park na ang kan'yang kotse sa harap ng bahay namin ngunit nanatili ako sa loob. In-unlock ko lang ang seatbelt ngunit iyon lang. Pagkatapos no'n ay hindi na ako muling gumalaw pa. Ayoko pang bumaba. Ayokong bumaba. May napaka-bigat na bagay ang nakapatong sa dibdib ko na hindi ko magawang alisin. Masiyado akong nagi-guilty at gusto ko na lamang mawala bigla at bumalik kapag tuluyan ko nang makalimutan ang bagay na iyon. But I don't think I'd forget what just happened. Para na siyang isang sirang plaka na pa-ulit-ulit na nagpi-play sa aking isipan. I could

