Kabanata 24

1777 Words

"Ano'ng oras na pala kayo naka-uwi ni Gab, 'nak? Nang natulog kami ng Papa mo hindi pa kayo naka-uwi," tanong ni Mama sa akin bago isinubo ang kanin sa kan'yang kutsara. Pagkatapos naming magsimba ay napag-desisyunan nila ni Papa na kumain muna kami sa labas bago umuwi since hindi kami nag-agahan kanina. Isang resto na hindi kalayuan sa simbahan ang napili nila. Madalas kami rito kumain lalo na kung Linggo at gusto naming kumain. Hindi rin kasi maipagkailang masarap ang luto nila rito. Kaya nama'y dagsa talaga ang mga tao rito lalo na kung Linggo. "Alas diyes na po kami nakauwi, 'Ma. Tulog na nga kayo no'ng naka-uwi kami," sagot ko kay Mama at uminom ng tubig, biglang naalala ulit ang nangyari talaga sa party na dinaluhan namin ni Gab kagabi. "Wala naman ba kayong problema ni Gab, anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD