"I'm here outside, babe. Dumaan lang ako to give you something," bungad ni Gab sa akin pagsagot ko sa kan'yang tawag. "Para saan? May occasion ba ngayon na hindi ko alam?" natatawa kong turan at umalis sa aking kama. "Dapat bang may occasion 'pag may gusto kang ibigay sa girlfriend mo?" hindi nagpapatalo nitong wika na kinangiti ko. See? Hindi p'wedeng iwan at lokohin ang mga ganitong lalaki. Gab is a full package. Kapag iiwan ko pa 'to para lang sa 'tulad ni Jude, hindi ko na alam kung ano'ng klaseng utak mayroon ako kapag gano'n. "PUMASOK ka kaya muna?" aya ko kay Gab nang nakapasok ako sa loob ng kotse niya na naka-park sa harap ng bahay namin. Kaagad na nanuot sa aking ilong ang pabango niyang sarap simot-simutin. Tingnan nga lang siya ay mukhang mabango na, eh. Gab shook his he

