"Hinila mo pa talaga si Alessia sa kabaliwan mo, 'no? Mabuti na lang talaga at hindi nagalit si Tita sa kan'ya... lalo na sa 'yo," ani Joanna, may suot siyang reading glasses sa mga oras na iyon at kasalukuyang nag-a-advance study habang nag-uusap kaming tatlo through video call. Kaninang umaga lang kami naka-uwi ni Althea 'galing sa beach house na halos tatlong oras ang biyahe mula sa amin. Ang paalam ni Althea kina Mama na hanggang 8PM lang ay nauwi sa overnight. I also told Gab about it, kina-usap din naman siya ni Althea. Kaya wala ng ibang choice kun'di ang um-oo na lamang sa hiling ng baliw kong kaibigan. No'ng tinanong ko siya ba't kailangan pa naming mag-overnight, ang tanging sabi lang niya ay: "pagbigyan mo na ako, girl, tuyong-tuyo na ang pechay." Naku talaga. Parati na lan

