Pagpasok namin ni Gab at ni Kuya Jacob sa salas ay nanonood pa rin sila Joanna at Althea ng movie. Iniwan ko naman muna sila saglit kanina upang sunduin si Gab sa labas, maya-maya rin ay babalik na ulit kami sa pag-aaral. Ang mga kaibigan naman ni Kuya Jacob ay piniling sa labas na lang maghintay sa dalawa. Saglit lang din naman daw kaya okay lang. "Yow, Gabriel Wilson! Long time no see," kaagad na bati ni Althea kay Gab. Inikot pa talaga niya ang katawan niya paharap sa amin upang batiin ang bagong dating. "Hi, Gab!" ani naman ni Joanna at itinaas lang ang kanang kamay, ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa pinapanood. "Sipag niyong mag-aral, ah. Marami kayong matutunan niyan," biro pa ni Gab nang nakita ang pinapanood namin. Sumulyap pa siya sa akin pero umiling lang ako habang naka

