Mabilis na lumipas ang mga araw, puspusan ang aming pag-aaral para sa paparating na finals. Kung dati ay doble ang pagsusunog namin ng kilay para sa midterm exam, naging triple iyon ngayon para sa final exam namin. The day before the first day of exam came, Thursday late afternoon na sa mga oras na iyon at maaga kaming d-in-ismiss ng professor namin sa huling subject. Dalawa lang naman ang subject namin sa Thursday, at hanggang 4PM lang ang pangalawang subject. "Good luck in your final exam tomorrow and the day after tomorrow!" ani ng prof namin bago siya tuluyang nagpaalam at lumabas ng classroom. Umani ng iba't-ibang reaksyon ang huling sinabi ni Sir sa bawat sulok ng classroom. Ngunit iisa lang naman ang pahiwatig no'n: labis na kaba para sa final exam kinabukasan at sa susunod na ar

