From: Allison Where are you, Gabriel? I'm already here. Tuluyan kong nabagsak ang cellphone ni Gab at natutop ang aking bibig. Umalingawngaw sa salas ang tunog ng pagkabagsak no'n sa sahig, but I didn't even care kung magkakaroon man iyon ng crack. My mind was already occupied with crazy things just because of that message from Allison that created so many possible scenarios in my head. Parang pinipiga ang puso ko sa nabasang mensahe. Kinakain ako nito nang dahan-dahan hanggang sa pakiramdam ko'y bumibigat ang paghinga ko't naging maikli. Ramdam ko rin ang bahagyang panginginig ng aking mga kamay na nasa aking bibig, ni hindi ko ito magawang pakalmahin. Iyon lamang ang laman ng mensahe ni Allison ngunit iba't ibang senaryo na ang naglalaro sa aking isipan. Mga senaryong hindi kaaya-aya

