Umuwi ako sa amin no'n na halos wala sa sarili. All I kept thinking was what Althea told us about Gab and Allison. Ayaw ko mang isipin ngunit ino-okupa nito ang aking isipan. Totoo ba talaga ang nakita ni Althea? Pero wala rin naman siyang dahilan para magsinungaling. Gusto lang din niyang ikumpirma. Pero paano kung namamalik-mata lang pala si Althea no'n? Should I ask Gab about it? Para naman hindi ako nagco-conclude ng kung ano-ano? Inis akong bumuga ng hininga nang binuksan ko ang pinto ng bahay namin, muling sinubukan na 'wag isipin ang mga bagay na 'yon kahit na alam ko namang sasagi pa rin sa isipan ko. Wala pang tao sa bahay namin dahil maaga pa naman. Nasa trabaho pa sila Mama't Papa. Gusto ko mang mag-advance study ay wala rin ako sa mood para gawin 'yon. Kung gagawin ko naman

