"Canteen ba tayo kakain?" ang tanong ni Joanna nang nakalabas kami sa room namin. Lunch break sa mga oras na iyon at pagkatapos no'n ay may dalawang oras pa kami para sa susunod na klase. But most of the time, ginugugol namin ang mga sarili namin sa dalawang oras na iyon sa pag-aaral para sa mga kasunod na subject. Gano'n madalas ang scenario namin dahil na rin kay Joanna na pursigidong nagpapaalala sa amin na mag-aral nang mag-aral. "Kaumay na, for sure punuan din ngayon," komento ni Althea na busy sa cellphone niya habang nakasunod sa amin. Base sa mapaglarong ngiti niya na 'di matanggal sa kan'yang labi, may bago na naman siyang na-biktima. I mentally shook my head. 'Di talaga nauubusan ng lalaki. "Sabagay, sa labas na lang tayo." I halted for a moment when I felt my phone in my

