"Ba't ba pasulpot-sulpot ka? Daig mo pa ang kabute," inis kong wika at tinalikuran siya.
Kinuha ko ang red meat mula sa lalaki na may nakadikit nang presyo sa plastic. Inilagay ko iyon sa gilid na bahagi ng cart at itinulak iyon.
I skimmed the grocery list my mother gave me earlier. K'unti na lang ang hindi ko pa nakukuha.
"Let me help you." Sinubukang agawin ni Jude ang tinu-tulak kong cart pero 'agad kong hinawi nang marahan ang kamay niyang nakahawak na sa gilid nito.
Mataman ko siyang tiningnan. "Kaya ko 'to, so, please leave me alone."
Medyo mabilis na ang paraan ko sa paglalakad nang hindi kami magkasabay, but with his long legs, it was easy for him to catch up with me. Naikot ko na naman ang aking mga mata.
This guy's getting on my nerves, really.
Tumigil ako sa pagtutulak ng shopping cart at hinarap siya. Nasa dairy section na kami kung saan nasa dulong parte ng grocery store. Iilang tao lamang ang dumadaan sa parteng iyon sa mga oras na iyon.
"Ano ba'ng kailangan mo?" My brows furrowed, annoyed.
He shrugged his shoulders. "Nothing, I was just about to buy some drinks when I saw the woman who I can't get off from my system." He said those words like a normal thing for him. Halatang sinasabi niya iyon sa lahat ng mga babaeng napag-i-interesan niya. Unbelievable.
Nanliit ang mga mata ko as I peered on his mischievous, dark eyes. I let out a silent scoff. "I just want to let you know it's not my problem anymore. 'Wag mo na akong guluhin pa at bumalik ka na roon sa babaeng kasama mo no'ng isang araw."
Aalis na sana ako nang na-realize ko ang huling sinabi. I froze on my spot and almost bit my tongue out of shame. Mariin akong napapikit at bahagyang napayuko. Muntik ko nang masampal ang sariling noo nang matauhan.
What the hell was that, Alessia?
"Nagseselos ka ba?"
Mabilis kong binuksan ang aking mga mata nang na-realize na napakalapit ng boses niya sa akin kumpara kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong nakayuko rin siya ng bahagya upang silipin ang mukha ko.
Natataranta akong napahakbang paatras, tatlong hakbang palayo sa kan'ya at sa cart. I almost held my chest as I felt its unstable beating.
"A-Ano? Are you crazy? Ba't mo naman nasabi 'yan?" natatawa kong tanong ngunit hindi pa rin maitago ang pagkautal.
Nahihibang na talaga ang lalaking 'to. Kung ano-ano na ang iniisip dahil lang sa nasabi ko. Gano'n ba siya kababaw?
Hindi siya kaagad sumagot sa tanong ko, bagkus ay ilang segundo siyang tumitig ng diretso sa aking mga mata na siyang nagparamdam sa akin ng pagkabalisa. Kung bakit ay hindi ko rin alam.
Maybe it was because of his dark eyes that were way too attentive? Pakiramdam ko ay hina-halughog niya nang mabuti ang kasulok-sulukan ng kaluluwa ko. It was too disturbing.
I averted my gaze away from his hawk-like eyes when I realized he was staring at me for too long already. I was about to walk away from him again when he spoke.
"Kasi nakikita ko sa mga mata mo."
Nagtataka ko siyang nilingon, kunot ang noo. "May diperensya ka yata sa mata."
A slight chuckle came out from his lips, amused was evident in his tone.
Doon ko lang din napansin ang Adam's apple niyang tumataas at bumababa sa kan'yang marahang paghalakhak.
"Maybe? You can say that. I also think so. Ikaw lang palaging nakikita nito, eh."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa kan'yang sinabi. Kung akala niya'y nakakakilig ang linyahan na 'yon, napakatanga niya. Mas'yadong cringe pakinggan, sa totoo lang.
Seryoso ba talaga 'yon?
"Gano'ng linyahan ba ang ginagamit mo sa mga babae mo? Ang cringe pakinggan, pakipalitan," prangka kong pagsabi na halata sa tonong hindi natutuwa.
Napalingon ako sa dalawang babaeng napadaan sa kinatatayuan namin. Halatang high schooler ang mga ito. Parehong na kay Jude ang tingin at halata sa pasikreto nilang paghagikhik na interesado sila sa kaharap kong lalaki.
Naikot ko ang mga mata ko. Ano ba'ng nakikita nila sa lalaking 'to bukod sa mukha niya?
"I have my own ways, Alessia," depensa ni Jude na kinabalik ko ng aking tingin sa kan'ya. Ang sulok ng kan'yang labi'y bahagya nang nakaangat.
Bago pa rin sa aking pandinig ang pagtawag niya ng pangalan ko. Kaya nama'y naninibago pa rin ako sa t'wing bina-banggit niya iyon na para bang pagmamay-ari niya ang bawat letra nito.
"Ikaw pa ang sinabihan ko ng linyang iyon, I didn't know it's cringe," kibit-balikat niyang dagdag.
"Should I feel special?" I asked in an ironic way.
"You already are."
The hell with this guy? 'Di ba siya nauubusan ng banat? And bakit ko ba sina-sayang ang oras ko sa kan'ya? He was wasting my time, obviously. Hinihintay pa ako ni Mama sa bahay.
"That's it, I'm leaving." I was about to push the shopping cart but he stopped me halfway through it by grabbing my left arm.
Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago nilipat sa kan'ya ang tingin.
"You're crossing the line, Mister," mariin kong wika na kina-bitaw niya sa braso ko.
Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya. "Are you free tonight?"
"No," mabilis kong sagot, hindi makapaniwala.
"Can I have your number, then?"
Wow. This man is unbelievable. Hindi talaga sumusuko.
"You really know how to get a girl, 'no?"
I pushed the cart again, this time he was not stopping me anymore. Pero sumasabay siya sa paglalakad ko na kinainis ko lang lalo.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkibit niya ng kan'yang balikat. "I don't think so. 'Tsaka mo na sabihin 'yan 'pag nakuha na kita."
Natatawa ko siyang nilingon, hindi tumitigil sa paglalakad. "Hindi mo ako makukuha," pagkumpirma ko, puno ng kasiguraduhan sa aking sinabi.
"How sure are you?"
"I already have someone."
"And you can have me, too."
Laglag-panga ko siyang tinitigan. "You're crazy." Halos mamura ko na siya sa mga pinagsasabi niya.
Nakalampas na kami sa dairy section at nasa canned section naman kami. Nakabuntot pa rin siya sa akin na para bang ako ang amo niya.
"Sa 'yo lang naman."
Napa-buga na lamang ako ng aking hininga dahil sa walang-tigil niyang pagbanat na sa totoo lang ay ang pangit pakinggan.
Gano'n ba talaga niya kinukuha ang mga babae niya? God, it's too cringe. I can't believe many girls fell for him.
"Please, stop. Hindi ako interesado sa 'yo, FYI. Wala kang makukuha sa 'kin," walang-gana ko nang wika, napapagod na sa pakikipag-usap sa kan'ya. Patuloy ako sa paglalakad at gano'n din siya sa likod ko.
"That makes me go crazy about you. The fact that you're not interested in me makes me want to have you more."
Gusto ko na lang sabunutan ang sarili kong buhok dahil sa labis na frustration. I could feel that annoyance throughout my system that I badly want to get rid of.
Hindi ba talaga titigil ang isang 'to? Para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa pagsasalita ng isang bagay na ang sakit -sakit sa tainga.
With that tiny patience that I only had that time, I took a deep breath and forced myself to smile, pulling that positive energy I can hold on to, to keep my sanity intact.
I stopped walking and faced him. Malawak ang kan'yang ngiti na nakatayo sa harap ko. Sa tangkad niya'y kinailangan ko talagang tumingala.
"You're wasting your time, Mister," I stated with a forced smile on my lips, almost gritting my teeth.
"Oh? You think so?" He leaned his head forward that definitely caught me off guard in a blink of an eye.
I took a step backward impulsively, but it wasn't enough to have enough space between our faces. It was too sudden that I gasped for breath as he gazed back at me with a devilish grin on his lips.
"Part of me is telling me that this one's gonna be worth wasting for, Alessia."