Kabanata 6

1472 Words
"s**t, sa wakas tapos na rin! Hell week is over, bitches!" "Oh, my God. I think I nailed it." "'Wag muna mas'yadong magsaya, 'di pa tapos buong semester." "Arat, inom tayo." "Libre mo?" "Buraot ka talaga." The room was filled with my block mates' noises the moment we finished our two-day midterm exam. Pagod akong nakaupo sa upuan ko habang tulala. Pakiramdam ko mas'yadong na-drain ang utak ko sa lahat ng major subjects namin. Pati minor subjects ayaw magpatalo. Gusto ko na lang umiyak at umuwi sa amin habang sinasagutan ko lahat ng iyon. And I was pretty sure hindi ako nag-iisa. Kung sino mang kaklase ko ang hindi nahirapan ay paniguradong anak o kamag-anak ni Luca Pacioli. I don't know if I nailed it, but nasagutan ko naman lahat. But that didn't make me less worry. Kinakabahan lang ako lalo. Ilang taon na lang makakaalis na ako sa madugong program na ito, at kung sakali mang matanggal ako pagkatapos ng qualifying exam, lilipat na lang ako ng course na medyo malapit sa course na ito at babalikan ulit pagkatapos. I cursed myself mentally. Mas'yado naman akong advance mag-isip. I shouldn't think that kind of thing. Papasa ako and will claim that three-letter word after my name someday. I'll make sure of that. Tumayo ako nang nag-aya na ang mga kaibigan kong lumabas. Halata sa mukha nila ang pagod dahil sa halos hindi na maipinta nilang mukha at bagsak na mga balikat. "Mama, ba't po ako nag-Accountancy?" naiiyak na tanong ni Althea habang palabas kami ng room. "Malakas talaga kutob ko na nasa maling course ako." Natatawa akong napailing sa kaibigan ko. 'Yan din ang tanong ko habang sina-sagutan lahat ng tanong at computations kanina. Business and Transfer Taxes, Law on Obligations and Contracts, Advanced Financial and Reporting, and four minor subjects that never go easy on us since day one. I groaned in frustration. It's okay, these are gonna be worth it in the end. I reminded myself and took a deep breath. "Muntik ko na ngang nakalimutan calculator ko kanina," sinabi ni Joanna at naglabas ng isang lollipop. Kaswal niya iyong binuksan at agad na inilagay sa bibig. "Gusto mo?" tanong niya sa akin nang nakita niya akong nakatingin sa kan'ya. I immediately shook my head, natatawa. I pulled my phone out of my pocket when I felt it vibrated. A smile was seen on my lips as I saw whose message it was. "Inom tayo? Nauuhaw ako," rinig kong tanong ni Althea. "Inom ka ng tubig," sagot ni Joanna. "KJ ka talaga." From: Babe How's your exam? Kaagad akong nagtipa ng reply habang naglalakad sa likod ng kaibigan ko, nakasunod sa kanila. To: Babe It was exhausting. Na-drain yata utak ko, haha. But at least tapos na. Mabilis ang kan'yang reply sa text ko. From: Babe I'll drop by at your house later. Let's celebrate. My eyebrow raised, bahagyang nakangiti ang labi. A rush of joy enveloped my system just by thinking that we were seeing each other later again. To: Babe All right. I'll see you later. Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa pinakamalapit na convenience store sa campus namin. Nagpumilit pa si Althea na sa isang bar kami pumunta nang makapag-inom kami, ngunit isang sermon lang ang natanggap niya mula kay Joanna. "Jo, you don't understand this feeling. Pagkatapos ng madugong laban natin sa g'yera gusto ko na lang magpakalunod sa alak." Halos lumuhod na si Althea sa harap ni Joanna. "At alam mo ba? Sa gabi-gabing pag-text mo sa akin na mag-aral ilang araw na ako walang dilig?" Mabilis na tinakpan ni Joanna ang bibig ni Althea na nakaupo sa gitna namin. Nilingon niya pa ang ibang customer na kasama namin sa convenience store bago binalik kay Althea ang kan'yang tingin, pinandidilatan ng mata. "Baliw ka! Hinaan mo nga boses mo!" I couldn't help but laugh while watching them. Nasa dulong bahagi naman kami ng store kung saan hindi kami gaanong kita. Hindi rin naman gaano karami ang tao sa mga oras na iyon. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nagprisintang ako na ang bibili ng kakainin at iinumin namin. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, alam ko na ang gusto nilang kainin sa t'wing pumupunta kami rito, maliban sa café na siyang naging lugar ng pag-aaral namin. I was busy looking for that potato chips na gustong-gusto ni Althea when I heard voices from my back owned by two people. Base sa boses nila'y isa iyong babae at lalaki. Hindi ko na lamang sana iyon papansinin nang naging malinaw sa akin ang boses ng lalaki. Pamilyar na pamilyar iyon sa aking pandinig. "We can buy these foods somewhere else, ba't dito pa?" That man's voice was owned by Jude. Sigurado ako. Even we only met and talked a few times, I wad hella sure it was his voice. That irritating voice of him, paano ko ba makakalimutan? Tila napako ako sa kinatatayuan ko't natigil sa paghahanap. Part of me didn't want to let him know that I was just standing few meters away from him, but part of me also wanted to glance at them even once just to know. "This store is the nearest one, gutom na ako at ayokong maghintay pa," inis na wika ng babaeng kasama niya. Girlfriend kaya niya? Flavor of the week? Or flavor of the night? Halata rin kasi sa boses ng babae na dalaga pa ito at ka-edad lang yata namin. O baka mas matanda ng ilang taon? Ewan ko. Couldn't help myself to get curious and ask myself about her na hindi naman dapat. Nanatili ako sa kinatatayuan ko na para bang isang estatwa roon. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko but also don't want to get their attention, especially Jude's. Jude clicked his tongue, bakas doon ang labis na inis. "Ba't pa kasi kasama pa ako rito sa loob?" "Kasi ikaw ang magbi-bitbit ng bibilhin ko." "Oh, God. I want to leave you." "Do it, then. We both know you can't live without me." Based on her tone, she's pretty confident of what she said. Mas lalo lang akong naging curious kung sino ang babaeng iyon. Wait, hindi dapat ako maging curious. For Pete's sake! Wala akong pakialam kung sino'ng mga babae ang kasama ng gagong si Jude. "Let's go," rinig kong aya ng babae. Nahagip ng pandinig ko ang pagtama ng takong ng sandal niya sa puting tiles ng convenience store. Nang napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang pagdaan nila sa gilid ko ay humarap ako sa kabilang side kung saan nakaharap na ang likod ko sa dinaraanan nila. Doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag nang nakasigurong wala na sila. I lightly slapped my cheek after that, scolding myself for hiding my presence like a scared thief. Hindi naman dapat ako matakot na makita nila ako especially ni Jude. Wala akong ginawa sa kan'ya. In fact, siya ang may ginawa sa akin. But maybe that was an enough reason to hide from him na rin. Ayokong magkaroon na naman ng engkwentro sa kan'ya. Kumukulo lang ang dugo ko. SUNDAY LATE AFTERNOON. Inutusan ako ni Mama na mag-grocery sa downtown. Hindi siya nakapag-grocery kaninang umaga since nagsimba kaming tatlo nina Papa. Gab's family also wanted to join us pero napagdesisyunan nilang sa hapon na lang sila magsi-simba. And because both of our families believe that the family goes to church together, stays together, Gab didn't come with us, bagkus sa pamilya niya siya sumama. It's alright, though. Pumunta siya sa bahay no'ng isang gabi to celebrate the ending of our midterm. He brought three boxes of pizza and some drinks na hindi ko inasahan. I just thought na pupunta lang siya roon. Kahapon naman ay nagkita ulit kami to have our date, just like we always do every Saturday before or after our classes that day. Pero agad din kaming umuwi pagkatapos ng ilang oras sa isang kilalang go-to park sa city namin dahil pareho kaming may gagawin. And we always understand that both of us are really busy with our studies. I walked through the meat section, pushing a shopping cart filled with grocery products, checking for that red meat my mother always buys. Nang nakita ko iyon ay kinuha ko ang food thong na nakalagay sa gilid. I picked the meat and checked its freshness. When I saw its bright red color, I put it down and pressed it using my finger just to make sure its freshness despite its color itself. Nang nasigurong sariwa nga iyon ay inilagay ko iyon sa plastic at ibinigay sa lalaki na naroon. "You're good in checking freshness, huh?" Napaigtad ako sa boses na mula sa aking likod. Gulat kong nilingon ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. I let out a sigh and rolled my eyes when I saw Jude's grinning lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD