"Babe, nasa'n ka na?" I asked from the other line as I put all the things I need inside my handy bag. Umupo ako sa dulo ng aking kama, kaharap ang full length mirror ng kwarto ko at hawak ang phone sa kaliwang kamay na nakadikit sa tainga.
As I waited for my boyfriend's response, I scanned my body and smiled. I was wearing my peach dress na above the knee ang haba at pinaresan ng isang white block heels. Nakalugay ang itim kong buhok na kinulot ko kani-kanina lang. The makeup on my face was simple and hindi halatang nakasuot ako no'n. Gab also loves it that way.
Saturday ngayon and napagkasunduan namin ni Gab na mag-date. It was one of our rules to have a date once in a week. A time exclusive only for each other.
"I'm almost there, babe. Sorry natagalan, wala kasi sa mood si Papa mag-drive at nagpahatid sina Mama sa usual place nila, you know, it's Saturday," natatawa niyang wika na nagpangiti rin sa akin.
Sina tita't tito talaga. Ilang taon na silang mag-asawa pero 'yong sweetness sa relasyon nila 'ando'n pa rin. Gano'n din sina Mama at Papa. They've been in love since day one and it was growing every single day. And that's what Gab and I wanted. Especially 'pag nasa ganoong stage na rin kami.
Maaga pa para mag-isip ng gano'ng bagay sa relasyon namin, but our parents said na mas maganda nang alam namin pareho na may plano kami ni Gab sa relasyon namin at hindi naglalaro lang.
Our parents really believe that if you're in a relationship, you should know that marriage is the goal.
Hindi nila sinasabing magpakasal 'agad after graduation, but nagsasabi lang na hindi basta laro ang pinasok namin. Gab and I were both lucky to have such amazing parents.
Pareho kaming only child ni Gab, and we both grew up witnessing how amazing love can be. How it can makes you grow into a better person every day, and how important it is to make it work no matter what.
Maybe that's why umabot kami ni Gab ng tatlong taon and 'til now, matatag pa rin. Ang mga normal na bagay sa isang relasyon, 'gaya ng away o hindi pagkakaunawan, ay naaayos naman namin 'agad. We always choose to fix it agad bago pa lumaki. As much as possible ay ayaw naming palakihin pa lalo ang kaunting hindi pagkakaunawaan.
Gab's on his 3rd year in college, taking up Civil Engineering, while I'm still on my 2nd year, an accountancy student. We were both busy yet we always find a way to make time for each other.
Iyon din ang sinabi ng parents namin sa amin. That no matter how busy we were, dapat bigyan din namin ng time ang isa't isa. Kahit k'unting minuto o oras lang ay sapat na.
We don't have to pour too much time to each other, an update or a simple "good morning" and "good night" text is enough, since we know na pareho talaga kaming busy sa pag-aaral namin. We both agreed na dapat gawin naming priority ang pag-aaral bago ang isa't isa.
"Alessia, anak, nandito na si Gab," I heard Mama's voice from behind of the door. Napatingin ako roon at tumayo mula sa pagkaka-upo.
"Opo."
Mabilis kong inayos ang sarili sa huling pagkakataon sa harap ng salamin. Nang nakuntento ay dinampot ko ang puting handy bag at lumabas ng aking silid.
Isang one-story house lang naman ang bahay namin at 'di gano'ng kalakihan, tama lang para sa aming tatlo.
Hindi kami gano'n kayaman, hindi katulad ng pamilya ni Gab na may kaya talaga sa buhay. But that was not a problem sa relasyon namin. Parehong mababait ang parents ni Gab sa amin lalo na sa akin. And they raised Gab well. Hindi spoiled at hindi mataas ang tingin sa sarili. One of the reasons why I was so into him.
I saw Gab sitting on the single sofa, waiting for me. Nakatuon ang atensyon niya sa nakabukas na TV.
He was wearing a white button-down shirt and a dark blue jeans. Ang bagong-gupit niyang buhok ay naka-ayos.
I bit my lower lip, stopping myself from smiling. He was just so gorgeous.
"Babe!" I greeted and plastered a sweet smile on my lips.
Mabilis kong naagaw ang kan'yang atensyon. "Hey, beautiful," bati niya rin sa akin at tumayo. Mabilis na uminit ang aking pisngi na kinahalakhak niya.
He really knew how to make me flutter on his own way. And it was amazing how it still affects me in a good way even though he kept doing it whenever he had the chance to.
"Ewan ko sa 'yo," pigil-ngiti kong wika.
"Oh, s'ya, umalis na kayo at mag-ingat kayo sa daan," sabi ni Mama na nasa likuran pala namin. "Gab, ingatan mo anak ko," nakangiti niyang dagdag na kaagad sinagot ni Gab ng pagtango.
"Opo, Tita, palagi naman po." Inabot niya ang aking baywang at marahang hinila palapit sa kan'ya. Bahagya akong nagulat sa walang-pasabi niyang galawan at nahihiyang tumingin kay Mama.
Hanggang ngayo'y nahihiya pa rin ako kapag gano'n kami ni Gab sa harapan ng mga magulang namin. Pero para kay Gab at sa mga magulang namin ay normal lang naman iyon at dapat lang daw bilang magkasintahan.
"Alis na kami, 'Ma, pakisabi na lang din po kay Papa," ani ko nang naalalang tulog pa si Papa.
Late na siya naka-uwi kagabi galing trabaho. Siguradong pagod na pagod 'yon lalo na't huling linggo ng buwan ngayon. Maraming gagawin sa kompanyang pinagta-trabahuan niya.
Pinagbuksan ako ni Gab sa itim niyang kotse. It was a gift from his parents when he graduated from senior high with flying colors. 'Til now mukha pa ring bago tingnan. Gab really knows how to value things and take care of it well.
Sinundan ko ng tingin ang boyfriend ko nang umikot siya't pumasok sa driver's seat. I slightly pouted when I realized again how gorgeous my boyfriend was.
Napaka-g'wapo niyang tingnan sa suot niya. Well, palagi naman siyang gano'n. Pero sa t'wing nagkikita kami, parang guma-g'wapo siya lalo. 'Di halatang stress sa school. 'Di kagaya ko na halata talaga sa mukha ang stress bilang isang accountancy student.
"Babe," tawag ko sa kan'ya bago niya paandarin ang kotse.
"Hmm?" tahimik niyang wika at pinainit ang makina. Ang mukha niya'y sa harap lamang nakatuon.
Nagda-dalawang isip pa ako no'ng una pero inilapit ko pa rin ang mukha ko sa kan'yang mukha at hinawakan ang kan'yang magkabilang pisngi. Binigyan ko siya ng isang marahang halik sa kan'yang labi na halatang hindi niya inasahan base sa pinapakita niyang ekspresyon sa kan'yang mukha.
I let out a slight chuckle nang nagkaroon ng distansya sa mukha namin. I gave him a smack kiss on his addicting lips again then smiled.
"Para saan 'yon?" natatawa na niyang tanong sa akin.
Nagkibit-balikat ako't nakangisi siyang tinitigan. "Nothing, gusto ko lang gawin."
"Hmm?"
I bit my lip at umayos sa pagkaka-upo. Pinaglaruan ko ang mga daliri kong nakapatong sa aking handy bag na nasa kandungan ko.
"What is it, babe?" Sinubukan niyang hulihin ang aking tingin at hinawakan ang kanang pisngi ko gamit ang kaliwa niyang kamay.
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nanatili akong tahimik at ipinikit nang mariin ang mga mata.
I know I shouldn't be thinking of that 'thing' now. But I just couldn't help it especially if my boyfriend's just smoking hot right now. Just imagining his hands on my body, touching me—GHAD! STOP!
Alright. I know. I know ang laswang isipin, but tayong mga babae ay may gano'ng side naman talaga, 'di ba? Kahit anong tago pa natin sa side na iyon sa maraming tao lalo na sa mga magulang natin ay hindi pa rin nating maitatanggi na may ganoong side talaga tayo. Especially sa taong mahal natin.
But Gab, I knew him, he didn't want to do that 'thing'. For now.
We've talked about it once, and never talked about it again since I knew he was true to his words. Whenever I wanted to open up to him about it, I'd stop myself immediately and would switch the topic.
"Nothing, babe. Let's just go," marahan kong wika at tinanggal ang kamay niya sa aking pisngi.
Kunot ang kan'yang noo habang dahan-dahang umayos sa pagkaka-upo. I forced a smile to convinced him but I know it didn't work. He knows me too well.
Nang tuluyang napaandar ang kotse ay isinandal ko ang sarili sa backrest ng upuan at ipinako ang tingin sa gilid ng bintana. Sinubukan kong burahin sa aking isipan ang bagay na iyon.
Napatingin ako kay Gab nang maramdaman ang kamay niya sa aking mga kamay. Ang isang kamay niya ay nasa steering wheel at sinulyapan ako na may ngiti sa kanyang labi.
I gave him my sweetest smile and turned my gaze again on the blurry road.
It's our day, I shouldn't ruin it just because of that damn thing.