Naabutan ko sina Joanna at Althea sa dulong bahagi ng café kung saan madalas nang naging lugar ng pag-aaral namin. Pareho silang nakatuon sa kani-kanilang mga laptop at parehong may mga libro ng major subjects namin sa gilid. Sa likod ng kanilang mga laptop ay mga drinks nilang halos kalahati na lamang ang laman.
Sina Joanna at Althea ay ang mga tanging kaibigan ko sa kursong ito. May iilan namang nakaka-usap ko rin pero sila talaga 'yong pinaka-close. Pareho kami ng kurso kaya naman nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay lalo na sa pag-aaral.
Si Joanna ang tipong sobrang dedicated sa pag-aaral, halata naman iyon sa makapal niyang salamin. Habang kami ni Althea ay sakto lang. But then, si Althea ang pinaka-happy-go-lucky sa aming tatlo. She really liked to attend a party when she had the time to. Minsan niyayaya niya kaming uminom pero palagi siyang sinisita ni Joanna. Minsan naman sumasama ako pero 'di 'gaya niya na halos party-animal na kung tawagin.
Inilapag ko ang bitbit na laptop at isang libro ng major subject namin sa ibabaw ng table na gawa sa salamin. Ang tote bag na nakasabit sa aking balikat ay inilapag ko rin sa sahig.
Batid nila ang presensya ko pero tanging si Althea lamang ang nagtaas ng tingin para batiin ako. It was only a playful smile, though. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero naghahanap lang ng tamang tiyempo.
"Alessia, tapos ka na sa research paper mo?" ang bungad ni Joanna sa akin pagka-upo ko lamang sa tabi ni Althea.
"Ahm, hindi pa," alinlangan kong sagot at madaliang binuksan ang laptop ko.
Sa tono pa lang ni Joanna ay alam ko'ng nasa serious mode siya ngayon. Kapag gano'n siya'y alam namin na bawal siyang biruin.
"Tapusin mo na, alam mo namang next week na ang deadline," aniya na nasa screen ng laptop niya pa rin ang tingin at nagtitipa nang mabilis ang mga daliri niya sa keyboard.
"Oo."
Napasulyap ako kay Althea nang may sinasabi siya sa akin pero walang boses ang lumalabas sa bibig niya. As if she didn't want to let Joanna know. I wonder ano iyon.
"Ano?" I murmured.
Inulit niya ang kan'yang sinabi but 'di ko pa rin ma-gets.
"Althea, 'wag ka ngang magulo r'yan," sita ni Joanna na kinatigil niya. Kagat-labi siyang napangisi at binalik sa kaharap na laptop ang tingin. Sumulyap pa siya sa akin ng huling beses na may ngisi pa rin sa kan'yang mapulang labi.
I shook my head and typed my password on my laptop. Kung ano man iyon ay for sure malalaman ko rin maya-maya.
"ANO ba iyon?" ang tanong ko kay Althea nang napagdesisyunan naming mag-break muna. We still had one hour before our next subject, kaya naman medyo kampante pa kami.
Nasa comfort room si Joanna kaya naman tinanong ko na siya. Para kasing ayaw niyang ipaalam kay Joanna ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Ewan ko sa 'yo, babae ka. Ilang beses ko sinabing may chika ako sa 'yo pero waley talaga." Inikutan niya ako ng mga mata.
"Hindi ko nga maintindihan, para ka naman kasing tanga, p'wede mo namang sabihin ng diretso sa akin," giit ko pa at inikutan din siya ng mga mata ko.
"Pero 'yon nga..." tila kini-kilig niya pang wika na kina-taas lalo ng kuryosidad ko. "Nadiligan ako kagabi, beh."
What the—?!
"Seryoso?" nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kan'ya.
I roamed my gaze all over the place, wala naman ng halos ibang customer at nasa dulong bahagi pa kami, so for sure walang makakarinig sa amin.
"Yes, girl. True-lala talaga," she said with her proud smile. Pinitik pa niya ang kan'yang bagsak na buhok.
"How come? May oras ka pa sa gano'n? I mean, no'ng nag-usap tayo kagabi sabi mo gumagawa ka ng assignment natin?" halos hindi ko magkamayaw na wika.
Seriously, I didn't know how she did it. Don't tell me she became a multi tasker last night? I thought.
"Uso multitasking, girl, baka di mo knows," natatawa niyang sambit.
Tama nga ako! Grabe 'tong babaeng 'to! Kaya pala ayaw niyang malaman ni Joanna kasi paniguradong kurot sa tagiliran niya ang makukuha niya.
This was not the first time naman na nalaman kong nadiligan ang babaeng 'to, at alam din iyon ni Joanna. Pero pinagsabihan na kasi siya ng kaibigan namin at w-in-arning-an. Napaka talaga.
I can also say it's so unfair. She already experienced that 'thing' kahit na walang boyfriend si Althea. I mean pa-iba-iba ang boyfriend niya. Kung sino ang matitipuhan niya sa araw na iyon ay boyfriend na niya 'agad. Then she'll dump that guy 'pag nagsawa na siya.
Althea has a pretty face, I can't deny that. But she doesn't like commitment. Gusto niya lang magsaya at i-explore ang buhay ng isang teenager. She even said before na magse-seryoso lang siya 'pag satisfied na siya. At kapag gano'n daw, kahit sampung anak galing sa isang lalaki ay okay sa kan'ya.
Sometimes I don't know how we became friends. Iba kasi ang takbo ng utak ng babaeng 'to. Basta naging magkaibigan lang kami although iba-iba kami ng personality.
"Paano mo ginawa?" hindi ko pa rin makapaniwalang tanong.
A slight chuckle came out from her mouth. "Gusto mo ba ng isang detailed information?"
"Spill mo na!" naiinis ko nang turan na kinatawa niya.
"Mas'yado ka namang excited, girl. Napaghahalataang hindi ka pa rin nadidiligan," nangungutya niyang wika.
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko na hindi naman niya sineryoso. Baliw talaga 'to.
She knew about my desire. Even Joanna. Of course, magka-iba ang opinyon nilang dalawa. At alam niyo naman na siguro kung sino ang sang-ayon at kung sino ang hindi.
"Masarap," Althea started with a lip-bite. "Masarap na medyo masakit, ilang buwan na ring 'di napasukan ang k'weba ni Mareng Althea, eh." Napahalakhak kami pareho sa huling sinabi niya. "Naninibago, pero welcome na welcome naman. Sa sobrang welcome naka-tatlong rounds kami."
I covered my mouth using both of my hands because of what she said. Halo-halong ekspresyon ang ipinapakita ko na kahit ako mismo ay 'di na alam kung ano'ng nangingibabaw. Shocked. Amused. Even envy.
Three rounds?! Seryoso ba talaga 'yon? Baka pinagt-tripan lang ako ng baliw na 'to!
"Bumawi ang kawawang petchay, ilang buwan nga kasing walang dilig, ano ka ba," pigil-tawa niyang wika at tumingin sa kan'yang likuran. Paparating na si Joanna pero hindi ko pa rin maayos ang sarili ko. Sinita na ako ni Althea pero natatawa pa rin ako.
"Ano'ng pinag-uusapan niyo?" tanong ni Joanna sa amin sa nagtatakang tono nang tuluyang naka-upo sa p'westo niya.
Nagkibit ng balikat si Althea, sinusulyapan ako. "Wala naman," nakangisi niyang sagot.
Sinulyapan naman ako ni Joanna, nagtatanong.
"Tanong mo sa baliw na 'yan!" Hindi ko na napigilan at tuluyan nang napahalakhak na may kunting pagpi-pigil dahil baka paalisin kami rito ng wala sa oras.
"Wala nga!" tanggi pa ni Althea.
Pinanlakihan niya ako ng mata pero hindi ako nagpatinag. Kunot na ang noo ni Joanna habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Halata sa mukha ang inis.
NATAPOS ang araw na iyon na walang nalaman si Joanna. Kahit sa gitna ng discussion ay pasulyap-sulyap siya sa amin na para bang nagsasabing gusto niyang malaman. Muntik na siyang masita ng prof namin dahil sa kakalingon niya sa akin na isang upuan ang pagitan at kay Althea na nasa gilid niya at dalawang upuan ang pagitan.
"Para naman tayong hindi magkaibigan niyan," ang sinabi niya nang natapos ang huling subject sa araw na iyon. Balik normal na ulit si Joanna. Hindi na strikta.
Malapit nang dumilim ang buong lugar. Nag-aagaw na ang dlim at liwanag. Nagsimula na ring magsindihan ang iilang lights sa buong school. May iilang estudyante na rin kaming kasabay papuntang exit gate. There were students also na naka-tambay pa sa tapat ng room nila o 'di kaya ay sa malawak na school field na tanaw lang mula rito.
I fished my phone out of my pocket when it beep. A message from Gab.
From: Babe
I still have 8PM class, babe. Ingat sa pag-uwi. I love you.
A smile slowly crept into my lips. Wala talagang palya ang pagme-message niya sa akin sa t'wing uwian ko. We both knew our schedule. Para wala ring misunderstanding if ever.
Nang nakapag-reply kay Gab ay muli kong binalik sa bulsa ang aking phone. That's when I realized na nakatingin sina Joanna at Althea sa akin, bakas pa rin sa mukha ang matamis na ngiti.
"Sus, araw-araw talagang may langgam. Dapat diyan diligan." Isang kurot ang natanggap ni Althea mula kay Joanna dahil sa kan'yang sinabi.
"Napaka-bastos mo talaga," sita ni Joanna na tinawanan lang ni Althea at kina-iling ko.
Nang nakarating kami sa exit gate ng school campus ay kapansin-pansin ang maliit na kumpulan ng mga schoolmate namin, at lahat puro babae na halata sa impit na sigaw at bulungan ang kilig.
"May artista ba na nagsho-shoot sa tapat ng school natin?" tanong ni Joanna na hindi rin naman nasagot since obviously, magkasama kami the whole day at walang alam sa nangyayari.
"Tara, maki-chika tayo," ani Althea na umiiral na naman ang pagiging chismosa. Sinubukan pa kaming hilahin sa gitna ng kumpulan pero agad ding pinigilan ni Joanna.
"Baliw ka talaga, baka wala lang 'yan. Tara na, baka nakalimutan mong palapit na ang midterm exam natin?" Tumaas ang kilay ni Joanna habang sine-sermunan si Althea.
Lumalabas na naman ang pagiging dedicated niya sa pag-aaral, which was a good thing naman. Mabuti nga rin 'yon nang may magmo-motivate o magpapa-alala sa amin every time na nawawalan kami ng gana. Since our course isn't just a piece of cake, we really need daily motivation to keep going.
"Ang KJ talaga nito, KJ siguro nickname mo, 'no?" nakangiwing wika ni Althea.
Sasabat na sana ako nang matigil na ang sagutan at nang maka-uwi na kami, pero isang boses mula sa likod ang siyang tumigil sa akin.
"Excuse me, Joanna Martinez?" It was a deep and manly voice. And when we turned around, isang lalaki na sa tingin ko'y ka-edad lang namin o mas matanda sa amin ng isa o dalawang taon ang papalapit sa amin.
Nagmula siya sa maliit na kumpulan na kanina la'y balak lapitan ng kaibigan ko. Nakasunod din ng tingin 'yong mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat hakbang ng lalaki. As if he would disappear if they'd get their eyes away from that man.
Joanna looked at us with her perplexed face. Nagtataka siguro kung sino ang lalaking tumawag sa pangalan niya.
"Yes, why?" nagda-dalawang isip pang tanong ng kaibigan ko.
Sa unang tingin ay alam ko nang mas matangkad ng kaunti ang lalaking 'to kumpara kay Gab. He has a tan skin and a lean body. Has a perfect shape of nose and thick eyebrows that fit perfectly with his deep set of eyes. His black hair with a fringe up haircut did a good job of defining more his jawline.
Even if I'd deny it or not, but he truly has a pretty face. Medyo bakat pa sa kan'yang short sleeve ang kan'yang biceps na alam kong ang tipo ni Althea. Napasulyap tuloy ako sa kaibigan kong tutok na tutok sa kaharap na lalaki. Napailing na lamang ako.
Basta talaga pagkain na ang tingin niya sa isang lalaki'y kulang na lang kagatin na lang ito bigla at iuwi sa kanila.
So far ang boyfriend ko pa lang naman ang gusto kong kainin. I thought.
I secretly shook my head. Ano 'yon? Natatawa na lang ako sa naiisip ko minsan.
Nabalik ako sa wisyo nang nagsalita ulit ang lalaki.
"Kaibigan ako ng Kuya mo, maybe you've already forgotten. He asked for a favor and that is to pick you up since he can't," pag-e-explain ng lalaki sa kaibigan namin na halata sa mukha ang pagdududa.
Oh, kaibigan pala ni Kuya Jacob.
Napalingon ako kay Althea nang kalabitin niya ako bigla mula sa likod ni Joanna.
"Ang sarap!" halos nakapikit niyang sambit sa akin sa likod ng kamay niyang nakatakip sa kan'yang bibig.
"Baliw!" bulong ko't pinandilitan siya ng aking mga mata.
"I'm sorry, pero hindi na kailangan. Kaya ko namang bumiyahe nang mag-isa." Halata ang iritasyon sa tono ng pananalita ng kaibigan ko na sa tingin ko'y napansin naman ng lalaki. "Plus 'di rin kita kilala, baka kung sino ka pa't may gawin sa 'kin," dagdag niya na kinalaki ng mga mata namin ni Althea.
"Ang sama mo naman magsalita, friend!" sita ng kaibigan ko't hinawakan ang balikat ni Joanna. Nilingon niya ang lalaking bahagyang nakataas ang sulok ng kan'yang labi. "Pasens'ya ka na, ha? Medyo stress kasi 'tong kaibigan namin, alam mo na, college isn't college if the students aren't stressed." Sinabayan pa ni Althea ng pagtawa sa dulo na halata namang pilit pero sinunod ko pa rin. Napaka-awkward.
A slight chuckle came out from the man's mouth. Halatang hindi naman sineryoso ang sinabi ng kaibigan ko.
"It's fine, siguro 'di niya lang ako napapansin sa t'wing nasa bahay nila ako, madalang lang din naman kasi akong pumunta sa kanila. And expected ko na ring 'yan ang sasabihin niya. Sinabihan na rin ako ni Jacob kung gaano katabas ang dila ng kapatid niya." Isang sulyap ang binigay niya sa akin bago nagsalita ulit. "Well, I guess I'll go?" with a smile, he added.
Hindi na umimik ang kaibigan namin, pero nakakunot na ang noo. Nainis yata sa sinabi ng kuya niya tungkol sa kan'ya, na medyo tama naman. Natawa ako ng bahagya sa huling naisip ko.
"Grabe, Jo, naniniwala na talaga akong bulag ka. Napakagandang nilalang no'n tapos 'di mo napapansin sa t'wing bumi-bisita sa inyo?" rinig kong bulong ni Althea sa kaibigan namin sa paalis nang lalaki.
"Wala talaga akong pake, 'tsaka busy ako kaka-aral," sagot niya na kina-iling ni Althea, may pa-bulong pa ng 'sayang' sa dulo.
Just when we thought na aalis na ang lalaki dahil tumalikod na ito sa amin, bigla itong humarap ulit na may maliit na ngiti sa labi.
"Before I forgot, just know that you're definitely not my type, kaya wala akong gagawin sa 'yo in case na pumayag kang ihatid kita," turan nito na kinagulat namin pareho.
Napakasama! Kapag talaga nasa sa 'yo na halos lahat ay may sabit talaga. At itong lalaking 'to ang best example para do'n. G'wapo nga pero napakasama ng ugali!
I tried to talk to defend my poor friend since pareho sila ni Althea na hindi na nakapagsalita dahil sa narinig, but before I could do that, muli na naman siyang nagsalita. 'Di yata nauubusan ng sasabihin!
"I prefer someone who can give me..." He stopped for awhile, and with a playful smirk on his lips, his deep set of eyes landed on mine.
I never expected it that it made me step backward. A foreign feeling came crushing through my system that really alarmed me. His lips rose even more when he noticed my involuntary response.
"... thrill," he added.
Then my jaw dropped. What?