Kabanata 2

2585 Words
It was past eleven in the evening. Tanging ang study lamp na nasa gilid ko at sa kaharap na laptop kung saan ako nag-e-encode ng huling parte ng research paper ko nagmumula ang liwanag. Katabi ng laptop ay ang phone holder kung saan nakapatong ang phone ko at kitang-kita ang mukha ng aking boyfriend na busy din sa kan'yang ginagawa. We usually do this when we want to. 'Pag busy ay nag-v-video call lang kami habang ginagawa ang mga dapat gawin. That way, we can spend quality time with each other even in simplest way. Relationship is really no joke. It needs a lot of understanding and patience. When I already finished encoding, I saved it and stretched my body by raising my hands on the air and pressed my nape afterwards. Isinandal ko ang sarili sa backrest ng upuan at tinapunan ng tingin ang mukha ng boyfriend ko sa screen ng phone. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Even if he's serious like this and had no idea that I was watching him, he's still so attractive. Mas lalong guma-g'wapo kapag seryoso. Muli kong pinisil ang batok ko't inikot-ikot ang kanang kamay dahil nangangalay na rin ito. Ilang oras din akong nakaharap sa laptop ko, but at least it's done and ip-print ko na lang sa school bukas. Marami pa akong dapat gawin. Palapit na rin ang midterm exam namin na palagi namang pinapaalala ni Joanna sa amin kaya expected nang triple ang pagsu-sunog namin ng kilay. When I took a peek at my coffee cup, it was already empty. Ni hindi ko na iyon namalayan. Pangalawang baso ko na iyon, but since I'm not yet done and there were still many things to do, I need to have another one. Napagdesisyunan kong mag-timpla muna ulit ng kape. Ngunit nang tatayo na sana ako'y tumunog ang notification bell ng phone ko. Isang notification mula sa isang social media app. Nang tingnan ay isa lang iyong friend request mula sa 'di ko kilalang tao. Hindi ko na lang sana papansin iyon at tatayo na sana nang mahagip ng mga mata ko ang display picture ng nag-send ng friend request. Out of curiosity, I tapped it and the app brought me directly to the user's profile. Lumiit ang mukha ni Gab sa screen at napunta iyon sa pinakataas at pinakagilid na bahagi ng phone ko. I silently read the user's name. Jude Evans. Kumunot ang noo ko at t-in-ap ang display picture niya upang makumpirma. Siya nga. Siya 'yong lalaki kanina na kaibigan daw ni Kuya Jacob at susunduin sana si Joanna. "Why are you sending me a friend request?" bulong ko habang kunot pa rin ang noo at nakatitig sa display picture niya. It was just him sitting on a white sand under the broad daylight, I guess, based on how bright the background was. Nakatupi ang mga paa niya at nakapatong ang mga kamay sa kan'yang tuhod, nakatingin sa camera gamit ang seryosong ekspres'yon. Tanging board short lamang ang kan'yang suot kaya kitang-kita ang naka-dipina nitong muscle sa katawan. Sa likod niya 'di kalayuan ay may iilang mga tao. Mga turista yata katulad niya. Agaw-pansin ang kulay asul na dagat 'di kalayuan na may mga taong naliligo. Napakaganda ng kuha no'n na umabot ng isang libo ang nag-react ng profile picture niya at limang daan ang nag-comment. "Babe..." Nabalik ako sa wisyo nang narinig ko ang boses ni Gab. I quickly turned my gaze to him na nasa gilid ng phone screen. Nakatingin na siya sa 'kin at halata sa mukha ang kuryosidad. "Y-Yes?" nauutal kong wika at napa-sulyap pa sa picture no'ng lalaki bago binalik kay Gab ang tingin. "I asked if you were saying something earlier?" His right brow raised. I shook my head and smiled. "Nothing, babe. I was just reading something sa phone ko," sinabi ko at muling ngumiti. He stared at me for a moment and then nodded. "All right, tatapusin ko lang 'to. I'm almost done." Isang pagtango rin ang sinagot ko at sinabing, "just take your time." Muli kong tiningnan ang profile picture no'ng lalaki na nagngangalang Jude Evans at napa-iling. I don't know why he suddenly sent me a friend request and where he found my account. Maybe sa mutual friends ni Kuya Jacob? I don't care, though. I don't know him so why bother giving him an ounce of attention? Hindi ko na lamang pinansin iyon at hinayaan na lamang. Nagpaalam ako kay Gab na magti-timpla lang ulit ako ng kape bago lumabas ng aking madilim na silid. KINABUKASAN, hindi ko inasahang susunduin ako ni Gab sa amin. Alas sais ng umaga siya dumating at sa pagkakaalam ko'y may klase siya mamayang 7:30AM. Mamayang 9AM pa ang first class ko pero plano ko rin namang pumunta sa school ng maaga at tumambay sa library at mag-advance study. Gano'n din yata sina Joanna at Althea. Gab didn't say anything last night na susunduin niya ako kaya heto ako ngayon at natataranta. Kung hindi ako ginising ni Papa ay baka 'di rin niya ako gigisingin. "Bakit di mo man lang ako ginising?" natataranta kong tanong at kinuha ang aking tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ko. Tumakbo ako papasok sa banyo na katabi ng kusina namin at isinarado ang pinto. "Ang himbing kasi ng tulog mo, I didn't want to disturb you. Sa pagkakaalala ko'y almost 3AM ka na natulog," aniya sa likod ng pinto ng banyo. Nakatayo yata siya roon 'gaya ng palagi niyang ginagawa kapag pupunta siya rito at nasa banyo pa ako't naliligo. I rolled my eyes in annoyance. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to. "So, it means mas matagal kang natulog sa 'kin?" tanong ko't sinimulan na ang pagligo. "4AM na," kaswal niyang sambit na parang wala lang iyon sa kan'ya. Sabagay pareho kaming sanay nang magpuyat at palaging kulang ang tulog, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis. Muli na namang umikot ang mga mata ko't binilisan na lang ang pagligo nang matapos na 'agad at maka-alis kami nang mas maaga. "IT'S STILL EARLY, dumaan muna tayo rito," ang sabi ni Gab at nag-pull over sa harap ng isa sa mga coffee shop sa downtown. Just like what he said, maaga pa. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay almost 10 minutes lamang ang pagligo ko at tanging ang sandwich na pr-in-epare ni mama ang kinain ko. We can still stay here for 20 minutes. Malapit na rin naman ang school namin and hindi pa naman gano'n ka-traffic. Inalis ko ang seatbelt sa pagkaka-lock. Kasabay ng pagka-unlock no'n ay ang pagbukas ng katabi kong pinto. Nakatayo na roon si Gab, malawak ang ngiti. I bit my lower lip as I stared at him, standing there like a goddamn god. Gusto kong tanggalin ang tingin ko sa kan'ya ngunit hindi ko magawa. He's so gorgeous that I felt something building inside me. An uneasiness feeling slowly starting to crept in every inch of my skin. He really has this effect on me, I hope he knows that. Mabilis ko na lamang iyong binura at inayos ang sarili. Alam ko naman kung saan din papatungo ang pakiramdam na iyon. Also, as I stared at his face, I realized something. I don't know what I did to my previous life that God gave me this too-good-to-be-true kind of man. If I'll list down all the things he did for me, it would be endless. He did so many things for me that I feel so lucky every day. Thank, God, he's mine. "Gentleman as always," sinabi ko nang tuluyang nakababa at nakatitig sa kanyang g'wapong mukha. I slightly pinched his right cheek out of too much joy. Isang marahang halakhak ang pinakawalan niya bago sinabing, "of course, a king will always serve his queen." He opened the glass door for me. The chime from above instantly created a harmonious sound. The waitress that was on duty greeted us with a wide smile on her face. Sumalubong din sa amin ang mabangong aroma ng iba't ibang klase na kape. A so-familiar fragrance that I won't get tired of sniffing. Bilang pa lang ang customer na narito, maaga pa naman. But I guess, maraming mga tao ang pumupunta rito. Ngayon lang din kasi ako nakapasok sa shop na 'to kahit na ilang beses ko na 'tong nadaanan. Ibang shop 'yong palagi naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko. Mas malapit iyon sa school namin. "Just sit there and wait for me," ani Gab at tinuro ang bakanteng lamesa na malapit lang sa kinatatayuan namin. "As usual?" tanong ni Gab, asking about the coffee that I prefer. I nodded and gave him a sweet smile. "As usual," I replied. Kasabay ng paglapit niya sa counter ay ang pag-upo ko sa itinurong table ni Gab kanina. Inilagay ko sa ibabaw ng table ang bitbit na phone at itinuon ang buong atens'yon sa buong shop. The ambience of the shop was filled with tranquility. May iilang mga light bulb na naka-sindi kahit na umagang-umaga. Sa dulo at sulok na bahagi ng café ay may bookshelves kung saan may iilang mga libro na nakalagay. I guess libreng basahin iyon. At may maliit na coffee table din doon na pinagigitnaan ng magka-harap na single sofa. While roaming my gaze all over the place, nahagip ng tingin ko ang isang medyo pamilyar na taong mag-isang naka-upo at may coffee cup sa kan'yang table. Gumuhit ang linya sa aking noo nang napagtantong sa akin siya nakatingin habang nakapatong ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa. When he noticed that he got my attention, he leaned his back to the backrest of the chair and brought his right hand to his lips then played with it as he continued gawking at me. His stares were so intense that it gave me real discomfort. Bigla akong 'di mapakali sa kina-uupuan ko. Tititig na nga lang ay gano'n pa ka-grabe na kulang na lang ay lapitan ako't kainin ng buhay. Mas lalo lang kumunot ang noo ko, nagtataka sa paraan ng kan'yang pagtingin sa akin na tila talaga nanunuri. Pati yata kaluluwa ko'y kina-kalkal na niya sa kan'yang isipan. What's with him? May dumi ba sa mukha ko? May nakalimutan ba akong tanggalin sa mukha ko? Pero wala namang sinabi si Gab sa 'kin, ah? Hindi ko mapigilang bombahin ng mga katanungan ang aking sarili dahil sa kuryosidad. Mas lalo akong na-weird-uhan sa kan'ya nang naalala ko bigla na nag-send siya ng friend request sa akin kagabi. I find it odd, really. Wala naman siyang mapapala sa akin. Plus 'di rin kami magkakilala. Wala rin akong balak makipagkilala sa kan'ya. Iniwas ko na lang ang aking tingin mula sa kan'ya at nilingon si Gab na kausap pa rin ang babae sa counter. I wonder ba't siya natagalan. Kung titingnan ay parang close sila dahil pangiti-ngiti sila sa isa't isa habang nag-uusap. Baka suki na si Gab sa shop na 'to base sa kung paano sila mag-usap no'ng babae. I'm not worried with the way he talks to someone else, though. Especially sa mga babae. I trust him and he knows that. I just shrugged it off. May oras pa naman kami. And si Gab ang may 7AM class, so dapat siya ang mas mag-alala sa oras. Though I don't want him to be late din. Attendance is also one of the most important things in our performance in school. Muling nahagip ng tingin ko si Jude nang inilayo ko kay Gab ang aking tingin. Nainis lang ako bigla dahil naabutan ko siyang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ba nahihiya ang lalaking 'to sa kung paano siya manitig sa 'di niya kilala? Tanong ko sa sarili at napa-iling sa aking isipan. I turned my head just to be sure kung ako ba talaga ang tini-tingnan niya kanina pa. Mas lalo lang akong nairita nang makitang walang ibang tao sa likod ko. Nang ibinalik ko sa kan'ya ang aking tingin ay isang mapaglarong ngisi na ang nakaguhit sa kan'yang labi. Wari natutuwa sa ginawa ko. Kumulo lang ang dugo ko sa kan'ya, bagay na ayaw kong mangyari dahil umagang-umaga at ayaw kong ma-stress lalo. Stress na nga ako sa school works namin dadagdagan pa ng isang estrangherong weirdo. Hindi ko na lang sana siya papansin. Hahayaan ko na lang sana siyang tumitig sa akin hanggang sa magsawa siya. Although ang creepy ng gano'n. Pero bigla siyang tumayo habang nakatitig pa rin sa akin na kinataranta ko bigla. Hindi ko iyon inasahan. I don't know why I suddenly felt nervous the moment he took his first step towards me, his deep set of eyes were still lock into mine. I wanted to look away and calm myself down. I've never been this nervous. But his penetrating gaze didn't want me to do so. His dark eyes were like a magnet that kept pulling my attention. His mischievous smile was still recklessly playing on his lips that really annoyed the hell out of me. I don't personally know this man but he was getting on my nerves. Really. That fast. Walang paligoy-ligoy. Nang akala ko'y sa akin ang punta niya ay ang paglapit ni Gab sa akin na hindi ko na napansin. Bitbit na niya ang coffee cup holder sa isang kamay habang nakangiti sa akin. Habang ako'y halos mataranta dahil baka nakita niya ang pagtitig ko kay Jude. But it wasn't my intention to stare at him, right? He made me stare at him! "Let's go?" ani Gab na nakatayo na sa aking harapan. I secretly took a glance of that man named Jude Evans. Nakahinga ako nang maluwang nang nakitang nakalabas na siya ng shop. Nahaplos ko ang aking dibdib at naramdaman ang malakas na pagpintig ng dibdib dahil sa kaba. Was I holding my breath that time? I don't know. That jerk. I had no idea who he was but he was creeping me out. Seriously. "You okay, babe?" tanong ni Gab na kinalingon ko sa kan'ya. I forced myself to smile even deep inside my heart wss still racing out of nervousness. "Yes! Let's go?" Tumayo ako at nauna nang lumabas. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin palabas kaya hindi ko na siya nilingon pa. Pinagbuksan ako ni Gab sa pinto ng kan'yang kotse at isinirado niya iyon pagkatapos. Doon lamang ako kumalma nang tuluyan kong nalanghap ang mabangong pabango ni Gab na malayang lumilipad sa loob ng kan'yang kotse. A smile was creeping on my lips as I watched him walked around to the other side of the car. Panandalian kong nakalimutan ang nangyari kanina sa loob ng café. When Gab finally got into the car, my notification bell from my phone that I was holding dinged. Gab started the engine as I took a peek on my phone's screen. The notification says, "Jude Evans wants to send you a message." What the hell? "Let's go?" tanong ni Gab sa akin na kinalingon ko sa kan'ya. "Y-Yes." I felt like I was doing something bad behind my boyfriend's back. Although wala naman talaga akong ginagawa. I don't know what this guy wants from me. If he's playing with me or what. It's not funny anymore! Nang naka-alis kami sa lugar na iyon ay doon ko na binuksan ang notification na iyon at dumiretso kaagad sa spam message. I felt like the air I have completely left my lungs as I secretly read his message request. Jude Evans: I've always loved the thrill, and you unintentionally gave it to me. Holy. Crap. Ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD