"Oh, my God?! Totoo ba 'to?!" halos pasigaw na tanong ni Althea habang hawak-hawak ang phone ko gamit ang kan'yang dalawang kamay.
Halos manlaki ang kan'yang mga mata habang paulit-ulit na binabasa ang message na naroon na hanggang ngayo'y nakatambak pa rin sa spam message.
Kinurot ko siya sa kan'yang tagiliran dahil nasa loob kami ng library at baka mapagalitan pa kami ng librarian.
Isang 'aray' na sinamahan ng mahinang halakhak ang kan'yang tinugon sa akin at inilayo ng kaunti ang kan'yang katawan mula sa akin. Muli niyang tinitigan ang phone screen ko na para bang mag-iiba pa ang mga salitang naroon.
"Gago 'yon. Ako 'yong single pero ba't ikaw ang m-in-essage?" natatawa niyang tanong at inilagay sa harap namin ang phone.
I shrugged my shoulders 'cause I also don't know why. 'Wag naman sana siyang magka-interes sa 'kin.
"Single ka nga pero 'di mo naman kayang magseryoso," banat ko sa kan'ya na tinawanan lang niya.
"Alam mo kasi, Alessia, bilang na lang talaga 'yong mga katulad ni Gab. 'Tsaka I'm really sure na 'yong mga lalaki ko noon ay kapareho ko lang, takot sa commitment. Kung sineryoso ko sila kawawa ako sa dulo, 'di ba? Kasi they don't want commitment, they're afraid of commitment," pagtatanggol niya sa kan'yang sarili na naintindihan ko naman 'agad.
Tama naman siya. Iilan na lang talaga ang mga seryoso ngayon. Thank God, Gab's different. He always gave me assurance and didn't make me feel that I am not enough. He never made me feel insecure about myself. And God knows how I feel so blessed and lucky to have a man as amazing as him.
"So 'yang si Jude, 'wag mo nang pansinin 'yan. I know he knows how to play a game really well. Halata naman sa mukha niya na hasang-hasa siya pagdating sa kung paano kunin ang babae." I nodded my head as a response that I agree with what she said. Although I don't have any idea kung ilang babae na ba ang nakuha niya. "Sa akin na lang 'yan at kami ang maglalaro," dagdag niya na kinahalakhak namin nang marahan pareho.
Mabuti na lang din talaga at 'di binubuksan ni Gab ang social media accounts ko. I mean, gano'n din naman ako sa accounts niya.
Not that we don't love each other enough to ask for each other's accounts, but we just trust each other that much and know that we're not capable of doing something that can ruin our relationship.
We both agreed in this one. And we both know how important everyone's privacy is. Nakakasakal din kasi 'yong gano'n. For me lang.
We should give and respect our partner's privacy, nang sa gano'y alam niyang may karapatan pa rin siya para sa kan'yang sarili at mga pribadong bagay.
Ang mga tao kasing gustong mag-cheat, gagawa at gagawa sila ng paraan. Maraming ways ang mga cheater just to satisfy their hunger. We can't guarantee someone's loyalty to us just because we have their accounts.
There are things din kasi na we're not needed to be involved. Not that we don't care but because it's their own thing. All we have to do is to wait for them to open it up to us if they know that we're already needed to be involved.
Of course, kailangan ding iparamdam sa kanila na we're just here for them and willing to lend a hand.
""I've always loved the thrill", baliw. 'Pag 'yan nakita ni Gab baka i-grill ang mala-Adonis niyang mukha." She chuckled and shook her head in disbelief.
I placed my finger on my lips to shut her up and roamed my gaze all over the silent library before I turned my gaze back to her. "Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa 'tin," saway ko sa kan'ya sa pabulong na paraan.
Ngumisi siya at tumango. "Kung mababasa ni Joanna 'yan patay talaga 'yong hunk na 'yon. Gosh, sarap pa naman niya."
A slight chuckle came out from my mouth when she bit her lower lip after her last sentence. Nagmukha tuloy siyang manyak sa kan'yang ginawa. Magandang manyak.
Si Joanna hindi pa dumarating. Maaga pa naman para sa first class namin pero akala ko lang ay pupunta siya rito ng maaga nang maka-advance study din. Guess mamaya pa siya.
"Bakit 'di ikaw ang pumatol? I'm not interested sa kan'ya because I already have Gab," sinabi ko at binuklat ang librong gagamitin namin mamaya.
Ang notebook kung saan nakasulat ang summary ng id-discuss mamaya ay katabi lang ng libro ko.
"S'werte mo na kay Gab, ah," ani Althea ilang segundo ang lumipas na sinang-ayunan ko naman agad.
"Sobrang s'werte," sagot ko't napangiti nang rumehistro sa utak ko ang nakangiting mukha ni Gab.
"Kung ako ang tatanungin, pasadong-pasado naman 'yang si Jude sa akin," pagli-lipat niya ng topic kay Jude.
I kept scanning my book while she was talking. Naiintindihan ko naman.
"Unang tingin pa lang sa kan'ya'y alam ko nang bubuka ng kusa ang bulaklak ko sa kan'ya," pigil-tawa niyang wika na dumistorbo ng konsentrasyon ko.
Baliw talaga ang babaeng 'to! I couldn't help but to chuckle, trying my best not to make it loud.
"Kayo ba ni Gab? Wala pa rin ba?" tanong niya bigla na may mapaglarong ngisi sa kan'yang labi.
Even if she won't say it, I already know what she was talking about.
"You know Gab, he's true to his words," kibit-balikat kong wika.
Ibinagsak ko ang aking tingin sa nakabuklat na libro at nagkunwaring pinagpatuloy ang pagbabasa. But truth was, wala roon ang atens'yon ko.
I know Gab's a gentleman, and I'm grateful for that. Really. But sometimes, this needy feeling keeps growing while days went by. I want him to touch me. I want to do it with him so bad. But I respect his decision of respecting me and my parents. He promised kina Mama at Papa.
"Grabe, s'werte mo talaga sa kan'ya. Dadalhin kang birhen sa harap ng altar," tugon niya sa marahang tono.
I lifted my gaze and looked at her. Nakangiti siya habang nakatitig sa akin at nakasandal ang katawan sa likod ng upuan. Pero hindi ko alam ba't may nakikita akong poot sa mga mata niya. Na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. O baka ako lang 'yon?
Isang ngiti rin ang gumuhit sa labi ko't tahimik na tumango. Muli kong binalik sa libro ang aking tingin ngunit ilang sandali ang lumipas, muli siyang nagsalita na kina-angat ko muli ng tingin ko bigla.
With a forced smile and melancholic tone, she murmured, "I envy you."
Napakurap ako sa kan'yang sinabi, hindi makapagsalita. Tila biglang naputulan ng dila.
This was the first time she opened up something like that to me, even kay Joanna ay hindi niya pa 'yon nagagawa. Or maybe she already did. But to me, this was the first time. Kaya hindi ko mapigilang magulat at mawalan ng sasabihin.
Nang hindi ako makasagot at nakatitig lang sa kan'yang mukha na may pilit na ngiti, muli siyang nagsalita.
"You know, a man who respects every bit of you. 'Yong taong dadalhin ka muna sa altar bago niya kukunin ang p********e mo." Isang mapaklang halakhak ang pinakawalan niya at umiwas ng tingin. "Tangina, ang unfair lang," umiiling niyang bulong.
Katahimikan ang naghari sa pagitan namin sa mga sumusunod na segundo. Nanatili akong nakatitig sa kan'ya na sa ibang direksyon na nakatingin, wari nahihiya na salubungin ang aking tingin.
"Ano'ng-ano'ng ibig mong sabihin?" Sa wakas ay may salitang lumabas sa bibig ko.
Binalik niya sa akin ang paningin niya at muli na namang ngumiti nang pilit. "Wala naman," sagot niya at marahang humalakhak.
Kumunot ang aking noo. I knew she was trying to say something. For sure 'di lang niya kayang sabihin sa akin. And I respect her decision. Maybe I'll just wait for her to completely open up to me and Joanna.
Sana nga lang ay alam niyang 'andito lang kami para sa kan'ya, handang makinig sa mga bagay na pilit niyang kinikimkim.
Kaya imbes na pilitin siya, isang tango ang itinugon ko sa kanya.
"Kaya naman, Alessia..." muli niyang wika at humilig palapit sa akin, muling bumalik ang mapaglaro niyang ngiti sa kan'yang labi. "Pahalagahan mo ang mayroon ka ngayon, madalang lang magbigay ng s'werte ang buhay."
NATAPOS ang last subject namin sa araw na iyon na may anunsyo galing sa last subject teacher namin, nagpapa-alala tungkol sa paparating na midterm exam next week.
Our classmates were groaning because of stress while thanking that another day was over. Although tambak din kami ng mga kailangang gawin.
"Ba't wala ka kanina?" rinig kong tanong ni Althea kay Joanna yata.
Pagkatapos kong ipasok lahat ng gamit ko sa tote bag ay nilapitan ko silang dalawa. Kapansin-pansin ang puyat na mukha ni Joanna lalo na ang maiitim at malalaking eyebags sa likod ng kan'yang makapal na salamin. Siguro 'di natulog ang babaeng 'to kaka-aral.
I understand na kailangan talaga naming mag-aral nang mabuti lalo na't malapit na ang midterm exam, pero 'di na rin naman yata tamang abusuhin ang katawan. Napa-iling na lamang ako sa kalagayan ng kaibigan namin.
"'Di na ako nakapunta kasi tinulungan ko pa sina Tita kanina. Birthday kasi ng pinsan ko ngayon at sa bahay namin gaganapin ang celebration. Sabi nga ni Mama papuntahin ko kayo," kaswal niyang sagot at nagkibit-balikat. Inayos niya ang mga gamit niya pagkatapos at isinukbit ang shoulder bag sa kan'yang balikat.
"Ano'ng klaseng imbitasyon naman 'yan, Joanna Martinez? Parang napipilitan, ah?" natatawang sambit ni Althea.
"Baliw, sadyang inaantok lang ako. Wala akong tulog ngayon," halos walang-buhay niyang wika na kulang na lang ay humiga siya sa sahig nang makapagpahinga.
Sabay kaming lumabas ng room habang nag-uusap. Sine-sermunan pa ni Althea si Joanna. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila habang sumasang-ayon din sa sermon ng kaibigan namin.
We were almost at the exit gate of our school campus, when suddenly, a soft yet cold whisper on my left ear from my back sent shivers down my spine.
"Bakit 'di mo 'ko sinagot?" a familiar voice asked.
Sobrang unexpected no'n na halos napatalon ako sa gulat.
"OH, MY GOD?!" I exclaimed and swiftly turned to that person. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang gumawa no'n. "What the hell?!" hindi ko makapaniwalang wika, nanlalaki ang mga mata at malakas ang kabog ng dibdib dahil sa labis na gulat.
"Bakit, Alessia?! May ginawa ba siya sa 'yo?!" nag-aalalang tanong ni Joanna sa akin na nasa tabi ko na habang hawak-hawak ang balikat ko.
Si Althea ay masamang tingin ang binabato kay Jude na nakangisi lamang. Tila natutuwa pa. Baliw ba siya?!
Yes, it was Jude Evans who whispered on my ear from my back without me knowing. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to!
"Huy, Jude! Alam kong g'wapo ka at masarap pero napaka-gago mo!" bulalas ng kaibigan ko na kinatingin namin ni Joanna sa kan'ya nang 'di makapaniwalang tingin dahil naisingit niya pa ang mga salitang 'g'wapo' at 'masarap' sa sitwasyon namin.
Nasa gitna kami ng pathway na patungo sa exit gate kaya marami-raming estudyante ang nakatingin na sa amin. Nakakahiya!
"Sorry, I didn't mean to scare her. Hindi lang ako nakapagpigil," dahilan pa ni Jude na kinakulo lalo ng dugo ko.
Mas lalo akong nainis nang nagawa niya pang ngumisi.
Confirmed. This guy is really crazy! And to think na hindi kami close. What the hell?!
"Alam mo, baliw ka, eh. Hindi naman kayo close at lalong hindi kayo magkakilala. 'Tsaka bakit ka ba nandito?! Hindi ka naman dito nag-aaral. Paano ka nakapasok? Trespassing ka, gago!" Ang kaninang puyat na puyat at halos walang-buhay na si Joanna ay nakasigaw na ngayon. Halata sa boses nito ang labis na galit at walang pakialam sa mga estudyanteng nakatingin pa rin sa amin na para bang nagsho-shoot kami rito.
"Just chill, Jacob's little sister. Pinapasundo lang kayo ng kuya mo sa akin. And pinaki-usapan ko ang guard na papasukin ako so I can search for all of you," nakangiti pa nitong paliwanag na para bang wala lang sa kan'ya ang ginawa niya sa akin kanina.
"Utusan ka ba ng kuya ko? And for your information, alam namin kung paano mag-commute, hindi na kami bata!" inis na sagot ni Joanna, pero hindi man lang natinag ang baliw na si Jude at tinawanan lang ang kaibigan namin.
"Nakaka-turn off 'tong lalaking 'to, tawa nang tawa, naka-hithit yata," bulong ni Althea sa aking tabi na kinahalakhak ko nang marahan.
Gaga! Imbes na inis na inis ako ay natawa na lamang ako sa ibinulong ng kaibigan ko sa akin. Baka nga.
"Sa liit mong 'yan para ka pa ring bata," hirit ni Jude na kina-inis lalo ni Joanna.
I held her shoulder and whispered to her to stop. Wala ring patutunguhan ang sagutan na 'to.
The way this guy responded to my friend, halatang ayaw magpatalo at palaging may sagot sa lahat ng salitang iba-bato sa kan'ya. This guy surely is competitive.
Napailing na lamang ako sa kagaguhan ng lalaking 'to. May itsura nga pero ang pangit naman ng ugali.
"Magco-commute na lang kami, SIR 'Di ka namin kailangan," Joanna proclaimed, emphasizing the word 'sir' and pulled us to walk toward the exit gate.
"You know na mahirap makahanap ng masasakyan ngayon," habol pa ni Jude sa amin. "Almost rush hour na, so it means aabutin kayo ng ilang oras kakahintay ng masasakyan."
Marahas na humarap ulit si Joanna kay Jude na kinaharap din namin sa kan'ya. Bakas na sa puyat na mukha ni Joanna ang labis na inis.
"We don't care, p'wede ring maglalakad na lang kami basta ba 'di ka namin makasama sa isang sasakyan. We don't trust you," sagot naman ng kaibigan ko. Halata ang inis niya dahil sa higpit ng kan'yang pagkakahawak sa kamay namin.
"Girl, 'di ko keri maglakad papunta sa inyo. Ikaw na lang, oks lang sa 'king sumakay sa sasakyan niya," bulong ni Althea kay Joanna.
Mataman siyang tiningnan ni Joanna na tanging isang peace sign lang ang naging tugon niya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.
"At least I'll take Alessia with me, then."
Ha? Baliw ba siya?
"Gago ka ba?!" Joanna exclaimed with her unbelievable tone. "Stop hitting with our friend, you freak! She has a boyfriend!"
Napailing ako. This guy is getting on my nerves.
Ano ba'ng pina-plano ng lalaking 'to at ba't ako ang pinagt-trip-an niya? Nasisiyahan ba siya sa laro niyang ito? Sa tingin niya ba nakakatuwa ang prank na 'to?
"I'm sorry pero hindi ako interesado sa 'yo, not even a bit," mariin kong wika na halata na ang labis na galit sa aking tono at labis na ang pagkunot sa aking noo.
Instead of being disappointed (or I don't know), a mischievous smile plastered on his lips. It was as if he got thrilled of our statements.
The hell. This guy is effing dangerous.
Jude slightly shrugged his shoulders, obviously unbothered. "That's fine, I can steal you if I want to."