Nang nakarating kami sa bahay nila Joanna, sumalubong sa amin ang maingay na two-story house nila.
Sa may kalakihan nilang lawn na mayroong mga light bulb na nakalinya sa itaas na siyang nagbibigay-liwanag sa labas, nakatambay ang iilang mga matatanda roon na nagtatawanan at nagkakantahan sa nirentahan yatang karaoke ng pamilya ni Joanna.
Halata sa mga halos pasigaw na nilang boses na tinamaan na sila sa mga alak na nakapatong sa iilang mga lamesa na nilagay roon para sa mga bisita.
It was already 8PM nang nakarating kaming tatlo sa bahay nila Joanna. We ended up commuting, hindi kasi maganda ang ending ng sagutan kanina sa school. Muntik na ngang masampal ni Joanna si Jude sa huling sinabi nito.
"Ma'swerte ka't hindi si Gab ang sinabihan mo niyan, gago ka!" Tanda ko pa ang huling sinabi ni Joanna kay Jude bago niya kami tuluyang hinila ni Althea palabas ng campus.
"Grabe, an'dami pa ring tao. Sana may pagkain pa," bulong ni Althea sa akin habang papasok kami sa loob, nakasunod kay Joanna.
Bumungad sa amin ang iilang bisita sa loob ng bahay. There were some people who averted their gazes to us when we entered the house, and then go back to their own business afterwards.
Kapansin-pansin ang malaking tarpaulin na nakasabit sa pader at may "HAPPY 5TH BIRTHDAY, JAMES!" na nakasulat, katabi nito ay ang isang picture ng batang lalaki.
I guess it was Joanna's cousin. May pahabang lamesa roon kung saan may iilang pagkain pa at iba't ibang desserts. May mga balloons na kulay asul at puti na nakapaligid sa parteng iyon ng sala; nakapalibot sa tarpaulin at sa lamesa.
"Joanna, anak! Ba't ngayon lang kayo? Hali na kayo't kumain na, naku, ano'ng oras na," salubong ng mama ni Joanna sa aming tatlo.
"Na-traffic lang, 'Ma," sagot ni Joanna sa kan'yang Mama at sinulyapan kami. Nag-mano siya kay tita pagkatapos at gano'n din ang ginawa namin na kinalawak ng ngiti ni tita.
Hinila niya kami papuntang kusina kung saan walang katao-tao pero may mga pagkaing nakahain doon.
"Naku, ito na lang ang mga pagkaing natira, mabuti nga't pumunta pa kayo, akala ko 'di kayo tutuloy," turan ni tita habang nilalagay ang tatlong plato at mga kubyertos sa ibabaw ng lamesa.
I looked at Althea when she nudged her shoulder on mine.
"Bakit?" bulong ko.
"Gutom na ako," nakahawak sa tiyan niyang sagot.
"Oo, alam ko. Halata naman sa mukha mo," natatawa kong wika at hindi na siya pinagtuonan ng pansin.
Nang natapos si tita sa pagha-handa sa lamesa'y tinawag na niya kami isa-isa at pina-upo na. Kulang na lang ay siya ang magsandok para sa amin.
"Ang ga-gandang dalaga naman ng mga 'to, nakakapagtaka talaga ba't kayo naging kaibigan ng anak ko," ang sabi ni tita na kina-tingin namin ni Althea sa isa't isa, muntik nang matawa.
"Mama!" sita ni Joanna na halos hindi na maipinta ang mukha na kinahalakhak naming tatlo.
"Biro lang," natatawang sambit ni tita at nagpaalam na sa amin na iiwan muna kami't aasikasuhin pa ang ibang bisita.
When we started eating, two familiar people entered the dining room that stopped us.
Ang kuya ni Joanna na si Kuya Jacob at si Jude na parehong nagtatawanan ang pumasok. Nakuha agad namin ang atens'yon nilang dalawa.
"Oh? 'Andito na pala kayo? Ba't 'di kayo sumakay kay Jude? Pinasundo ko kayo, ah?" tanong ni Kuya Jacob sa amin at nilingon ang kasama na nakataas na ang sulok ng kan'yang labi.
Can't help but to roll my eyes secretly. This guy's really something. May kung anong nakaka-inis talaga sa aura niya na hindi ko masabi kung ano'ng bagay iyon.
"Sa susunod, Kuya, 'wag mo na kaming ipakuha sa driver mo, alam naman namin paano mag-commute," naka-ismid na turan ni Joanna.
"Ha? Ano'ng driver pinagsasabi mo, Jo? Pinakuha ko lang kayo kasi alam kong rush hour na't 'di ko maiwan-iwan ang bahay natin dahil sa mga bisita. No'ng una 'di ka rin sumakay sa kan'ya," kunot-noong utas ni Kuya Jacob.
"Naku, Kuya Jacob, hindi magandang ideya po," umiiling na sambit ni Althea at nagpatuloy rin sa pag-kain.
"Bakit? May nangyari ba?" nalilitong tanong ni Kuya Jacob at sinulyapan ang kaibigan na natatawa lang.
"They don't like me," simpleng sagot ni Jude at tinapunan ako ng tingin.
I looked away and shook my head.
Nagsalita pa ulit si Joanna ngunit hindi ko na sila binigyan ng pansin. Tinuon ko ang buong atens'yon ko sa pagkaing nasa harap ko, gano'n din si Althea na tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
"Nga pala, Alessia, ba't wala si Gabriel?" tanong ni Kuya Jacob sa akin na hindi ko naman inasahan. Magkakilala sila pero hindi sila close. They were simply just an acquaintance.
I remember I asked Gab paano sila nagkakilala ni Kuya Jacob, he just said dahil daw sa basketball. Boys.
"May klase pa po siya, last subject po," simpleng sagot ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
I don't know why but I took a glance at Jude's face, hoping there'd be an expression that says he's not interested with me anymore. But instead, his lips rose up, it's as if it was giving him an emotion he's been dying to feel.
Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok sa 'di maipaliwanag na dahilan. I became uneasy with the way he's throwing his gaze at me. Hindi ko talaga iyon gusto.
It seems like something deep inside me was telling me about this guy's capability. I don't know what it was but I know for sure that it was no good. This man was a walking danger.
Umalis silang dalawa ni Kuya Jacob pagkatapos nilang kumuha ng iilang bote ng beer sa refrigerator, which was ang rason kung ba't pumasok sila sa dining area na katabi lang ng kusina nila.
Ngunit bago pa man sila tuluyang nakalabas ng kusina, hindi nakaligtas sa aking paningin ang paghabol ng sulyap ni Jude sa akin.
Aligaga akong napaiwas ng tingin.
NATAPOS kaming kumain at inaya kami ni Joanna sa k'warto niya na nasa ikawalang palapag. Sa t'wing nangyayari 'yon 'pag nasa bahay kami nila Joanna ay alam ko na ang dahilan.
"Mag-g-group study tayo," she announced when we entered her bright room with her baby pink wall.
Sakto lang ang laki ng k'warto ni Joanna para sa cabinet, single bed, at study table niya. Kasinglaki lang din ng room ko ang sa kan'ya.
Sa gitna ay kung saan nakalagay ang fur carpet niya na kulay pink na tama lang ang laki para sa area na iyon at kung saan kami uupo.
"Grabe ka talaga, Jo, birthday ng pinsan mo at narito tayo mag-g-group study?" hindi makapaniwalang wika ni Althea at ibinaba ang dalang gamit.
"Malapit na ang midterm exam natin kaya 'wag ka nang mag-reklamo," Joanna stated casually and dropped her books and bag on the carpet.
Tahimik akong umupo sa gitna nila at nilabas ang reviewer na ako mismo ang gumawa. Maririnig ang ingay ng karaoke sa baba pero hindi naman gano'n kalakas, lalo't close talaga ang room ni Joanna at close din ang bintana niya.
"Midterm exam lang naman 'yan," rinig kong bulong ni Althea na kinangisi ko.
Mag-aaway na naman ang dalawang 'to.
"Ano'ng 'midterm exam lang'? Mag-aral ka r'yan kung gusto mo pumasa," sermon ni Joanna at ibinagsak ang makapal na libro ng major subject namin sa harap ni Althea.
Umabot pa ng ilang minuto ang sagutan nilang dalawa bago tumayo si Joanna. Sinundan ko siya ng tingin.
"Sa'n ka?" tanong ko habang nakatingala sa kan'ya.
"Kukuha lang ako ng makakain at maiinom."
I shook my head and lifted my body up. "Ako na, umupo ka na r'yan."
Kumunot ang noo niya. "Sure ka?"
Tumango ako't ngumiti. "Sure na sure po. Umupo ka na nang makapag-pahinga ka, halata pa rin sa mukha mo na wala kang tulog," natatawa kong utas.
She held both of her cheeks and frowned. I laughed and shook my head.
"Dalian mo, girl. Nagugutom na naman ako," singit ni Althea na nasa nakabukas na libro na ang tingin.
"Hindi talaga halata sa katawan mo na patay-gutom ka," umiiling na wika ni Joanna at muling bumalik sa pagkaka-upo. Tinapunan niya ako ng tingin. "Hanapin mo lang si Mama, ah? Sabihin mo na rin na 'wag tayong disturbuhin kasi nag-g-group study tayo," paalala niya.
I left the room and walked into their small and bright hallway. Nang malapit na ako sa hagdana'y bumukas ang katabi kong pinto at lumabas doon si Jude na may hawak ng isang bote ng beer. K'warto yata iyon ni Kuya Jacob.
Sa lahat ng p'wede kong makasalubong ay ang taong ayoko pang magka-cross ang landas namin.