"Dom, lets go home." Salita ni Glen. Medyo hilo na ako sa dami nang nainom na alak. Madami nang tao ang lugar at medyo mausok na din. Tumayo ako mag isa at iniwas ang kamay sa kanya. I can f*****g do it my self! Sawa na ako na palagi nalang may tao sa tabi ko to help me in everything. Mahina ako. Ayokong isipin o pakita na mahina ako but I can't change the fact na totoo iyon. Halos blurred na ang paningin ko at bumabaligtad ang sikmura ko sa dami nang nainom. Hindi ako uuwi hangga't hindi kami ayos ni Athena. I want to see her and talk to her. I want to fix what is broken. Hindi ko hahayaan na ang babaeng binubuo ko ng halos buong buhay ko ay mawawala lang ng basta basta. I took another shot. Maybe this is my last shot. Masyado nang magulo ang lugar at madami ng tao ang nagkalat.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


