Una
Ang sabi nila kapag nagpakatanga ka isagad mo na. Ibigay mo na ang best mo para kapag naghiwalay kayo, mas marami kang maiisumbat sa kanya kaysa sa isusumbat niya seyo. Ang baliw lang diba? Bakit mo pa ibibigay kung isusumbat mo din pala?
"Athena, tama na.." patuloy ako sa pag-iyak habang nilalamukos ang statement of account ng credit card ko. Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko sa kanya iiwan niya lang pala ako?
Suminghot singhot akong hinarap ang pinsan kong si Serene. "Paano akong hindi maiiyak? Tignan mo!tignan mo!" Halos itapal ko na sa mukha niya ang statement of account na hawak ko. Tsk. Patay ako kay Daddy nito eh.
Ang sabi niya kasi sa akin uutangin niya daw muna ang pambili ng gamit niya sa culinary school. Yun pala-- yung pala ginawa niya lang akong mamasang! Pagkatapos niyang isagad ang credit limit ng card ko, sasama pala siya sa asawa niya?! Ano to' for pete sake eighteen palang ako pero ginawa niya akong sugar mama?
"Naiiyak kaba dahil nasasaktan, o dahil niloko ka?" Tanong ulit ni Serene at binalewala ang hawak kong papel. Umirap ako at marahas siyang hinarap.
"Anong nasaktan? Anong niloko? Hindi noh." I gritted my teeth. Wag lang magpapakita sa akin ang lalaki na iyon.
"Eh bakit ka umiiyak?" Takang taka ang itsura ni Serene kaya napairap ako.
Isa isa na naman nagtuluan ang luha ko sa sobrang inis. " Naiiyak ako sa babayaran ko." Tuluyan ko nang nilamukos ang papel na hawak ko. Hindi dapat makita iyon ni Daddy at baka mapatay ako.
I wanted to be a chef someday, yun talaga ang gusto ko. Kaso, instead of supporting me sa gusto ko. Pinilit niya akong ituloy ang pagiging frustrated artist niya kaya pinag fine arts niya ako. Pinipilit kasi ako ni Daddy na mag fine arts kahit nasa kusina ang puso ko. When I was ten, namatay ang mommy ko dahil sa cancer.
Being their only child, and being close to mom.. gusto kong ituloy ang pangarap niya na magkaroon ng mga fine dining restaurants. Kaso, eto si papa at pinagpilitan ang gusto niya. Dahil mapagmahal at masunurin akong anak, iyon ang kinuha ko.
Naisip ko kasi, si Daddy nalang ang natitira sa akin kaya hindi ko siya kayang biguin. I saw how he worked hard just to give my needs. To satisfy me with my wants. At simula nawala si mommy. Hindi ko naramdaman na mag-isa ako. My dad always find ways to have quality time for us. He's my superman.. my everything.
Akala ko ganon siya. Akala ko siya din ang superman ko. Pero tangina niya! Ako ang ginawa niyang wonder woman.
Humagalpak ng tawa si Serene. Tawa na mas ikinairita ko dahil sa lakas ng tawa niya. "Alam mo, bilib talaga ako seyo.. nasaktan kana pero bill mo pa din inalala mo? Baliw ka talaga."
Huminga ako ng malalim at natigilan. Oo nga naman-- nasaktan na ako pero bill ko pa din inalala ko? Hindi ko alam kung bakit pati ako ay natawa. Siguro nga hindi ko naman siya minahal. Siguro, natuwa ako sa kanya kasi siya, makukuha niya ang gusto niya na gustong gusto ko. Ang pagkakaiba namin. Ako--- capable sa lahat ng gastusin sa gusto ko. Siya-- kailangan niya pa akong lokohin para makuha ang gusto niya. Huhu. Tae ka kasi Athena. Kelan kapa naging tanga?
Natigilan si Serene at nanliit ang mga matang nakatingin sa akin. "Oh-- bakit ka tumatawa?"
"Ang tanga ko kasi e.." after kong tumawa ng tumawa ay naiyak na naman ako. Lumapit na sa akin si Serene at niyakap ako.
"Salamat." Salita ko ng mayakap niya ako.
"Wag ka ngang magpasalamat! Niyakap kita kasi nakakahiya kana, tignan mo oh-- lahat sila nakatingin seyo. Baka mamaya may dumapot na seyo dito mapagkamalan baliw ka." Naiiling na sabi niya.
Para bang natauhan ako at napa-ayos ng sarili. s**t! Tanga mo talaga Athena! Iiyak ka lang sa departure area pa ng airport? Para bang nanliit ako at napaayos ng makaramdam ako ng hiya. Napansin ko nga ang ilan na titig na titig sa akin habang nag-iilingan.
"Baliw yata.." bulong ng ibang halos katabi ko lang. Sana di niya na lang binulong diba? Kaloka si Ate.
Kinuha ko ang bag ko at mabilis nag-retouch ng mukha. Grabe naman sila mang judge! Umiyak tawa lang baliw na? Di ba pwedeng may pinagdadaanan lang?
"Ilang hours pa bago ang flight mo?" Tanong ko kay Serene ng maayos ko ang sarili ko na parang walang nangyari. Umirap si Serene at patuloy ang pag-iling. "Hay nako, Athena. Paano kana kung wala ako. Ilang minutes nalang boarding na." Tumango tango ako at di nagsalita pa.
"Hintayin mo ako, mag-ccr lang ako ah?"
"Okay." Tinignan niya ulit ako at ngumiti ng tipid. Natahimik din ako sa pain na dumaan sa mga mata ni Serene. Somehow, naawa ako sa kanya. Bakit ba kailangan kontrolin ng mga magulang ang buhay ng anak nila? I was a victim and Serene here too. Pinadala siya ng papa niya sa Korea para pag-aralan ang culture dun ang makilala ang mapapangasawa niya. Serene was bound to marry a korean guy na anak ng business partners ng papa niya.
God! I can't believe na sa panahon ngaun ay uso pa ang fixed marriage. Hello? 20th century na kaya. Nevertheless she still need to obey her parents. Hays!
Para akong gaga na naghahanap ng cr dahil puno ang cr sa kabila. I was supposed to enter the comfort room ng may narinig akong nag-uusap.
"Please, try to find and love other guy, Gaile." Malamig na salita ng lalaki. Kumunot ang noo ko. Ano to? Break up speech niya sa girlfriend niya? Mga lalaki talaga!
Dahil may uwang ang pinto ng cr ay napasilip ako. Pinikit ko pa nga ang isang mata ko dahil hindi ko sila maaninag masyado. Umiling ang babae. Sunod sunod habang nakangisi.
"You're my fiancè, Thirdy. So drop that 'try' because we both know na hindi pwede."
Ngumiti ng mapait yung lalaki habang nakatingin sa babae. Grabe siya. Ang ganda kaya nung babae! Well-- gwapo din naman si Thirdy. Ano problema nila?
"Gusto mo bang maging tayo?" Kitang kita ko kung paano natigilan yung babae at ngumiti din ng mapait.
"Natanggap ko lang na tayo." Sagot niya at marahas na pinunasan ang mga luha sa mata. "I'm leaving now. I will give you the license to find someone while I'm gone. Pero akin ka, tandaan mo yan."
Bumilis ang t***k ng puso ng biglang naglakad ang babae palabas ng pinto. Ako naman ay mabilis nagtago sa gilid habang kabang kaba at pigil na pigil sa pag-ihi! My goodness! Akala ko buhay ko lang ang madrama. So, sa situation nila.. walang pagmamahal, just like Serene's case. Fixed marriage ang meron sa kanila. Why the girl has to be mean? Papayagan niya na mainlove sa iba yung lalaki tapos babalikan niya at babawiin? f**k siya! Paano naman yung girl na mamahalin nung lalaki? At paano naman kung minahal talaga ng lalaki yung girl? Ano yon? Times up kasi nanjan na siya? Bruha siya!
Mabilis akong pumasok sa loob ng cr dahil kanina pa ako ihing ihi! Pagpasok ko ay natigilan ako. Napabitiw pa nga ako sa paghawak sa ano ko para pigilan ang ihi ko. Yung lalaki ay nakatulala pa din sa loob at halos hindi napansin ang presenya ko. Part of me ay naawa sa kanya. Hindi ko alam pero may parte sa puso ko ang nanghina. Ano ba naman! Ayan kana naman, Athena! Hilig mo kase umepal kaya palagi kang naiisahan! Bawasan mo naman ang baet mo ha?
Huminga ako ng malalim at malakas na tumikhim kaya natauhan yung lalaki. Naglapat ang mga mata namin. Sa hindi ko alam na dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang napauwang ang bibig ng lalaki.
"Sorry." Salita niya. Lalabas sana siya ng cr ng bigla kong hawakan ang siko niya sa hindi ko din alam na dahilan. Napatingin siya sa akin na kunot ang noo at halata ang pagtataka.
"Kung ayaw mo naman talaga.. lumaban ka. It's better to take the risk.. than to live in what ifs." Salita ko na puno ng sincerity.
Lalong kumunot ang noo niya sa sobrang pagtataka. "What are you saying?" Bago pa ako nakasagot ay may lalaking marahas na nagbukas ng pinto ng cr.
"What the f**k, Dominic? Akala ko nagpakalunod kana sa bowl." Natatawang salita nung lalaki.. Waahh! Ang gwapo.
"Give me a minute, Glen."
Napatingin pa nga sa akin yon pero nakakunot ang noo hanggang sa nagkibit balikat lang.
Napalundag pa nga ako ng bigla ulit ako hinarap ni Dominic. Waahh akala ko ba si Thirdy siya? Bakit Dominic na ngaun? Ano ba talaga?
"Ano sabi mo?" Nag-igting ang kanyang panga na tila ba naiirita.
Ngumiti ako ng pilit at nag tinaas ang dalawang daliri ko para magpeace sign sa kanya. "Narinig ko kasi kayo.. I mean--" hindi pa ako natatapos magsalita ng umiling siya at tumalikod.
"Tsismosa."
Magsasalita na sana ako ng nangingig ako dahil sa sobrang pigil ng pag-ihi. Mabilis akong naupo sa bowl at halos mangisay ako sa sobrang gaan sa pakiramdam. Bastos na yon! Binigyan ko na nga ng word if wisdom ko tsimosa pa ako?