Ikalawa

1618 Words
"Okay, you may all go now.."salita ng prof ko. Humikab ako at nagpasalamat dahil natapos na ang klase ko sa araw na ito. Isa isa kong niligpit ang gamit ko at drawing materials para sa susunod na klase. Kung sana ay hinayaan nalang ako ni papa na kumuha ng culinary, edi sana hindi ako nabobored ng ganito. On the contrary maluwag naman sa akin si papa sa lahat ng bagay. Hindi ko man nakuha yung kursong gustong gusto ko. Nagagawa ko naman yung ibang bagay na gusto ko. "Tara sa Business Ad." nagtutulukan ang mga kaklase ko papunta sa building ng business Ad. Kumunot ang noo ko. May ano sa Bus Ad? "Sama ka, Athena?" anyaya ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa wrist watch at bumuntong hininga. Tutal, mamaya pa naman ako pupunta sa FEAST para mag enrol ng culinary. Yes! naka-ipon na ulit ako para magpa-enrol sa culinary school. Hmmm.. Hindi naman siguro masama kung dalawang degree ang kukuhanin ko diba? Besides, hindi naman alam ni papa. And for sure kung malaman man niya ay graduate na ako noon malamang. "Sige na nga," ngumiti ako sa kanila. They all giggled na para bang tuwang tuwa na sumama ako. "Naks, ngaun ka lang yata sumama sa amin." salita ni Marj. Umalon ang mahaba at tuwid na buhok niya ng hinawi niya ito. Apura pa ang pag aayos niya ng mukha kaya titig na titig ako. "Uh, wala naman akong gagawin," sagot ko na titig na titig pa din sa kanya. Nagtutulakan na naman ang mga kasama ko kaya kumunot ang noo ko. Ang weird. "May mali ba sa mukha ko?" halos mapasinghap ako ng magsalita si Marj. Grabe! Naover-titig yata ako sa kanya. Umiling ako. How will I tell her na kamukha na niya si Betty Boop na hindi siya mao-offend? Errr.. Nang makarating kami sa building ng Business Ad ay madaming studyante ang nakakalat. Bahagya pa akong naitulak ng naglabasan ang klase sa room 301. "Babe!" tuluyan na akong naitulak ni Marj ng salubungin niya yung "babe" niya. Umirap ako at nanatiling nakayuko para pigilan ang pag kairita. Mali yata na sumama ako sa kanila. "Ayan na si Glen.. OMG!" halos matanggal ang uniform ko ng hilahin ito ni Shiela. Lalong kumulo ang dugo ko sa inis. Ano ba naman! Kung alam ko lang na lalandi lang sila dito ay hindi na ako sumama. "Saan tayo?" dinig kong tanong ni Marj. Nag-angat ako ng tingin. Bahagya pang kumunot ang noo ko kay Marj na nakakapit sa braso ng isang lalaki. I think kilala ko siya. Hindi ko alam kung saan pero-- parang namumukhaan ko siya. "Dom! got to go.." Nagmamadaling salita ni Glen sa babe ni Marj. Of course.. I know Glen Silverio. He's managing the school at anak ng may ari. Sino naman ang hindi makakakilala sa kanya? Dom.. Dom.. Dom.. Saan ko ba narinig ang Dom? Tinggggg! Siya yung guy sa airport! I remember him dahil kay Glen! OMG! Engaged na siya diba? Bakit may babe pa siya? "Ay.. Umalis si Glen.. Akala ko pa naman.." ngumuso si Shiela kaya lihim akong umirap. Ngaun ay talagang nagsisi na ako kung bakit ako sumama sa kanila. Nagtama ang mata namin ni Dom. Sabay pang napakunot yung noo namin dalawa. Umirap pa ako ng kinindatan niya ako. My God! Napapaypay ako sa sarili ko sa sobrang irita. May fiancee na, may babe na, kumikindat pa? Malanding lalaki! "Kilala mo na ba ang babe ko?" maarteng salita ni Marj. Peke akong ngumiti sa kanya. Dapat ba makilala ko pa ang babe niya na makati pa sa higad? "Makikilala ko siya kung ipapakilala mo," tinapunan ko ng matulis na tingin si Dom. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Babe naman,e. Type mo ba si Athena?" ngumuso si Marj. Ako naman ay nalaglag ang panga. What the? Humalakhak ng mahina si Dom at hinapit ang beywang ni Marj. Uggh! Kadiri sila to the moon and back! "Of course not, ikaw lang." salita niya pero sa akin naman nakatingin. Lalong naglaro ang ngisi sa labi niya sa pag-irap na ginawa ko. Masisiraan na yata ako ng ulo sa kanila. "I think, I need to go." salita ko. Hindi na ako naghintay ng sagot nila. Dumiretso na ako paglakad ng makalayas na. Naalibadbaran ako sa mga kalandian nila sa katawan. After ng isang klase ko ay lunch na. Sabik na sabik akong mag alas tres para dumiretso na sa Feast. Limited lang naman kasi ang slot ng enrollee sa kanila kaya kailangan akong umabot. Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Medyo tirik kasi ang araw hindi tulad dito. Kinuha ko ang phone ko para makipag chat kay Serene.. "Miss me?" biglang salita ni Serene ng sagutin ko ang videocall niya. Ngumiwi ako ng bahagya. "Miss mo mukha mo! Araw araw kita kausap.. Paano kita mamimiss?" Umarte si Serene na parang nasaktan sa sinabi ko. "Aray naman ha!" natawa siya ng bahagya. "Siguro may lovelife kana no?" nag-ngising aso si Serene kaya umirap ako. "Wala noh!" mabilis na sagot ko. "I see, kaya pala high blood ka lately.." natawa siya ng bahagya. Tumawa din ako. Magsasalita pa sana ako ng biglang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Dom a.k.a babe ni Marj, may kasama naman na iba ngaun? Seriously?mambabae lang siya lantaran pa! At same campus pa. Grabe! "Ohh-- bat parang nakakita ka ng multo?" sagot ni Serene sa kabilang linya. "Hindi multo ang nakita ko. Nakakita ako ng gago." Sagot ko at mabilis na ibinaba ang tawag. I don't know what is wrong with me pero naiirita ako. Naiirita ako sa mga lalaking manloloko. Naging biktima na ako ng pangloloko kaya ayokong nakakakita ng niloloko at manloloko. Humigpit ang hawak ko sa frappe na dala ko at mabilis na naglakad. Halos magkanda patid patid na ako mahabol ko lang ang gago na Dom na iyon! Nang maabutan ko sila ay sadya kong ibinuhos ang frappe na dala ko sa kanila. "What the hell?!" sigaw ng dalawa. Gustong gusto ko tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinagat ko pa nga ang labi ko para hindi tuluyan kumawala ang tawa ko. Marahas na bumaling sa akin ang dalawa. Uh--oohh.. "Sorry, I tripped." Palusot ko. Umarte pa ako na masakit ang paa ko. Bahagyang umuwang ang labi ni Dom habang galit ang mukha nung babaeng sugpo na kasama niya. Hays.. Bakit sa gandang lalaki niya ay puro hipon ang nakakasama niya? Grabe lang ha? Oo na-- hindi naman ako magkakaila na may K si Dom na mambabae. Gwapo siya--- gwapo--- at gago lang. Sa babae kasi halos bumuhos yung frap ko. Si Dom naman ay kunot lang ang noo na nakatingin sa akin. Hindi naman siya masyado nabasa.. Talsik lang ang meron siya. "Sorry? Tanga kaba?" galit na sigaw nung babae. Napapikit ako ng mariin sa tinis ng boses niya. "I said I tripped! Sino ngaun ang stupid sa atin?" tumaas ang kilay ko. "Oh baka naman hindi mo alam ang meaning non?" pahabol ko. May multong ngisi sa labi ni Dom na nagpakunot ng noo ko. Yung babae naman ay lalong namula sa sobrang galit. "Are you insulting me?" iritadong sagot niya. Nagkibit balikat ako. "Maybe.." sagot ko at dumiretso ng lakad. "You b***h!" sigaw nung babae. Lumakad ako ng mabilis. Baka mamaya ay habulin ako noon at hilahin ang buhok ko. Waahh! Kakatreat ko palang nito kagabi eh. Pagdating ko sa gate ng university ay mabilis akong huminga. Humaygad! Akala ko ay mapapsabak ako sa sabunutan. Huhu.. Mabilis akong pumara ng taxi pero lahat sila ay nilalagpasan ako. Waahh! Kailangan kong pumunta sa Feast. Tapos mag aalastres na. Tska baka rumesbak si ateng sugpo sa akin yari ako. "Akala ko napatid ka?" Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang isang malamig na boses. Sabi na nga ba e. Reresbak siya.. Waahhh paano na ako makakapunta sa FEAST nito? Kalma, Athena. Just act. Eh? Napatingin ako kay Dom na may naglalaro na naman ngisi sa labi. "Bakit kaba ngisi ng ngisi? Kakainis ka!" sagot ko sa kanya. Naiinis ako kasi parang ala siyang problema. Madalas lang siyang nakangisi. Tapos ang gwapo gwapo niya kapag nakangisi siya. Kakainis! Nawala ang ngisi niya sabay igting ng panga.. Humaygad! Wrong choice oh words Athena! Gusto kong batukan ang sarili ko. Mukha kasing nairita siya eh. "Bakit mo kami binuhusan ng frappe?" malamig na tanong niya. Hala! Para siyang sinapian.. Kung kanina ay nakangisi siya, ngaun naman ay nakakakot na. Huhu.. Daddy... Baka hindi na ako makauwi sa bahay mamaya.. "I-I told you.. I-I" hindi ko matuloy ang sasabihin ko sa sobrang kaba. Nakatakot kasi ang mga mata niya na direktang nakatingin sa akin. "I-I.. What?" pag-gaya niya sa sinabi ko. He tilted his head while his both hands were inside his pocket. "I remember you, the girl inside the comfort room at the airport, right?" seryosong sabi niya. Lumunok ako ng paulit ulit dahil wala akong makapang salita. Ngumisi ulit siya at umiling." hindi ka lang pala tsismosa. Pakielamera ka din pala." sagot niya pero nakangisi pa din. Umakyat yata ang dugo ko sa ulo. "Pinakialaman kita kasi masama ang ginagawa mo! You're with my friend tapos makikita kita na may kasama na iba?" galit na usal ko. Manghang nakatingin sa akin si Dom. "And besides, may fiancee kana diba?" sagot ko. Napa-atras ako ng bahagya ng nagdilim ang mga mata ni Dom. "Ang dami mong alam no?" iritadong salita niya. Flinip ko yung buhok ko at ngumiti. "Syempre, kaya nga Athena ang pangalan ko kasi matalino ako-- hindi mo ba alam na ang greek word meaning ng Athena is goddess of wisdom---" Waahh natigil ako sa pagsasalita ng talikuran ako ni Dom at nagmartya palayo! Tignan niyo! Bastos talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD