Nagmamadali akong tumakbo papasok sa sa entrance ng Feast dahil sobrang late na ako.
"One last form--" waahh lalo kung binilisan ang takbo dahil sumigaw yung babae na nagbibigay ng form sa labas.
"Ako--" hawak hawak ko ang dibdib ko sa sobrang hingal. Ngiting tagumpay na sana ako nang-- "Ikaw?!" sabay na salita namin ni Dom.
Bakit nandito siya? Kita ko din ang hingal sa kanya. Marahil ay tumakbo din siya katulad ko. Kahit pawisan ang noo niya ay hindi maipapagkaila ang kagwapuhan niya. Yung mahabang pilik mata niya, matangos na ilong at perpektong angulo ng panga. Bahagya pang naging messy ang buhok niya na nagbigay ng malakas na dating sa kanya.
"Are you done checking me?" salita niya na ikinasinghap ko. Done checking him? Ambisyosong palaka naman pala itong lalake na ito. Waaahh! Oh-- baka naman obvious na dinidiscribe ko siya sa utak ko?
Inayos ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid. Still, I'm holding the half part of the form. Nakahawak din si Dom sa half part kaya hindi ko makuha yung form.
"Tanghaling tapat nananaginip ka." umirap ako.
"Uh, kanino ang last form?"pagsingit nung babae na nagbibigay ng form.
"Mine!" sabay ulit namin salita ni Dom.
Litong litong tumingin sa amin yung babae.
Nanlisik ang mga mata kong tumingin kay Dom. Hindi pwede! I got it first. Umepal lang naman siya sa paghawak ng form.
"Anong mine ang sinasabi mo?" marahan kong hinila ang form. Nag iingat kasi ako baka mapunit ito.
He clenched his jaw. "I got it first," sagot ni Dom.
"Ako ang unang humawak. Sinisiksik mo lang yan kamay mo. Tignan mo nga, mas malaki ang space na hawak ko." sagot ko.
"Malaki ang hawak mo kasi malaki ang kamay mo," sagot naman niya kaya nalaglag ang panga ko.
Napabitaw ako sa form para tignan yung kamay ko. Gago na 'to hindi naman malaki ang kamay ko ah?
Nanlaki ang mata ko ng humalakhak si Dom habang winawagayway yung form. Waahhhh!! Nabitawan ko yung form na hawak ko!
"Sorry, got it," tawa pa din siya ng tawa. Hindi ko alam kung maiinis ba ako or maiiyak sa sobrang inis. Kumindat pa kasi siya sa akin. Gusto kong sumigaw at bugahan siya ng apoy sa mukha. Ang kapal! Nakakainis pa kasi nautakan niya ako!
Kalma Athena. Kung hindi mo makukuha ang form ay sa susunod ka nalang mag enrol diba? Kung ngaun ka mageenrol, there's a possibility na makasama mo pa yan Dominic na yan! Hindi yata makakaya ng hot oil ang buhok ko kapag nasagad na sa stress sa lalaki na yan!
Nawala ang ngisi ni Dom ng tumahimik ako. Iniisip ko kasi kung paano ako makakaganti sa kanya ngaun. Naiinis ako kasi naisahan niya ako! Naiinis ako kasi nagiging tanga ako kapag siya ang kaharap ko.
May dumaan babae na sexy ang suot. Hindi siya cheap. May brand ang bag at damit. Hindi basta basta. Nanliit ang mga mata ko ng mabilis na bumaling si Dom sa babae.
"I think we've met." salita niya ng huminto ang babae sa gilid. Inilahad niya ang kamay niya at hindi napansin na nabitawan ang form. Ngumisi ako at tahimik na dinampot ang form.
Kumunot ang noo ng babae. Labas ang cleavage niya at kumikinang ang mala porcelanang balat sa sinag ng araw. Dom licked his lips sexily. Ngumiti ang babae at tinananggap ang kamay niya. Actually, hindi ko din alam kung bakit pinapanuod ko sila. Ang alam ko lang ay may kakaiba sa babae.
"Dominic Dela Fuente the third." salita ni Dom. Nakita ko kung paano kuminang ang mata ng babae habang nakatitig kay Dom. Umihip ang hangin at kasabay ng pagkalaglag ng panga ko ang pagkalaglag ang wig ng babae. Bigla namutla si Dom at tila ba nawalan ng kulay dahil sa nangyari.
"Ako nga pala si Ivan, but you can call me Ivana." malambing sabi ng bakla!
Humagalpak ako ng tawa ng bahagyang napaatras si Dominic. Pinulot pa ng bakla yung wig niya sabay abante palapit kay Dom.
"Ayan kasi.." halos maiyak na ako kakatawa sa itsura ni Dom na tila ba diring diri. "Basta nakapalda patola ka!" tawang tawa ako. Matalim ang tingin akong binalingan ni Dom. Patuloy na umabante yung bakla at patuloy na umatras si Dom.
"Uh, can you stay away from me? Hindi pala kita kilala." natataranta si Dom. Sa bawat atras niya ay umaatras din ako.
Lumagkit ang tingin ng bakla sa kanya. Although he's a gay. Hindi mapapagkaila na high class gay siya. With his expensive clothes and bags? Isama na ang kutis na pang artista? Kung hindi nga lang nalalglag yung wig ay hindi mo malalaman na bakla siya.
"Can you do something?" malumanay at puno ng pag mamakaawa si Dom ng bumaling sa akin.
Tumaas ang kilay ko at nagkibit balikat sabay labas ng dila at wagayway ng form sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo!" tumawa ako at tumalon talon pa habang lumalalayo sa kanya.
"Damn it!" salita ni Dom at tuluyan na din tumakbo paalis.
After ng class ko sa LSU ay didiretso na ako sa FEAST. Wala si daddy dahil may byahe siya ngaun. Minsan ang hirap din kapag mag isa kang anak at walang nanay. Piloto si daddy kaya hindi ko din madalas makasama dahil sa trabaho.
Tumunog ang cellphone ko sa tawag nila Marj sa akin. Nakasakay na din kasi ako sa taxi. Sabi ni daddy sa akin ay ibibili niya ako ng wheels kapag mataas ang grades ko nitong sem na ito. Ugh! I magine ang pressure? Talagang hindi makakaya ng hot oil ang stress ko!
"Hello?" sagot ko sabay suot ng chef's uniform ko. Ang hirap pala ng nagmamadali ka!
"Athena! Magbabar kami mamaya, wanna join?"
"Hindi ako sure.." sagot ko sabay pusod naman ng buhok ko. See? I'm good at multi tasking.
"Eto naman! Sumama kana!" pilit niya. Napatingin ako sa building ng Feast. "Kapag hindi ka sumama--"
"Okay, okay!" sagot ko para tigilan niya ako binaba ko ang tawag dahil hahanapin ko pa kung saan lupalop ang room ko.
Hingal na hingal akong pumasok sa room na assigned sa akin. Natigil si Master Chef sa kung ano man ang sinasabi niya sa walang pakundangan pagpasok ko. I stiffened when I realized na late pala ako! All eyes were directed on me.
"You are?" seryosong tanong ni Master Chef. Ngumiti ako at pinakalma ang sarili.
"Sorry po, I'm Athena." sagot kong bahagyang hinahabol pa din ang hininga.
Tumango si Master Chef. Tumingin siya sa lalaking nakatingin sa akin ng masama na ikina-uwang ng labi ko. PAANO SIYA NAKAKUHA NG FORM???
"Mr. Dela Fuente here will tell you everything I told them. First day mo late agad!" umiiling na salita ni Master Chef kaya naman napayuko ako. Nakakahiya talaga!...
Tinuturo ngaun ni Master Chef ang mga basics sa cooking. Sabi niya, next week na daw ang sa baking.
"May kasalanan ka sa akin." Dom whispered on me. Napatingin ako sa kanya.
"Ano naman kasalanan ko?" tumingin ulit ako sa harap at nagpanggap na nakikinig kahit wala naman talaga pumapasok sa utak ko. Bukod sa bulong ng bulong si Dom ay nadidistract ako sa sobrang bango niya!
"I was asking for your help. You left me with, ugh! It's so disgusting." umiling si Dom at pumikit na tila ba inaalala at gustong kalimutan ang nagyari.
Gusto kong humagalpak ng tawa. Ang nagpipigil lang sa akin tumawa ng malakas ang si Master Chef na apura ang salita at pag dedemo sa harap.
"Bakit kita tutulungan? Friends ba tayo? Besides, bawasan mo kasi ang kamanyakan mo! Karma mo siguro yun dahil may fiance' kana, lumalandi kapa."
Tumikhim si Dom at mahinang nagmura. Bumaling ako sa kanya. Nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya na mabilis din nawala.
"Shut up! Kung wala kang maayos na sasabihin wag ka nang magsalita." masungit na sabi niya.
Kita niyo yon?! Siya ang nagsasalita, nung sinagot ko naman ako pa din ang masama? What the heck?
Hindi na kami nag usap ni Dom ng isa isa kaming pinagdemo sa harap. Mabuti nalang ang basic palang ito kaya may knowledge naman ako kahit hindi naman talaga ako nakinig.
Nang si Dom ang tinawag ay namangha ako sa skills niya. Pulido niyang hiniwa ang sibuyas at maayos na hiniwa ang bawang. I never thought a guy like him ay magiging interisado sa ganitong larangan. He's playboy.. At manyak! Gwapo pa at mukhang mabubuhay kahit hindi na mag aral. Pero may talent siya na masasabi kong magaling talaga siya.
"That's for today. You all did your best. See you on thursday." salita ni Master chef. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas otso na pala.
Pagod ang naramdaman ko sa dami ng nangyari sa akin maghapon. Naiwan kami ni Dom at pinapanuod niya akong mag ayos ng sarili ko.
"Bakit hindi kapa umaalis?" tanong ko sabay lugay ng buhok ko. Naiirita kasi ako kapag nakapusod ito.
"Hinihintay kita." sagot niya na ikinatigil ko. Tapos hindi ko alam kung bakit kumibot ng bahagya ang t***k ng puso ko.
"Wag mo na---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nagring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ni Dom tsaka ako pinanuod sa bawat kilos ko. I've never felt this awkward around people. Pero sa ngaun? Ilang na ilang ako sa tingin niya.
"Athena we're here na! Bulshoi Booze!" salita ni Marj. Ni hindi ko pa nasasagot na hindi ako makapunta ay binabana na niya ang tawag.
Bumuntong hininga ako. Kung hindi ko sila pupuntahan ay siguradong aatakihin nila ako bukas.
"Mauna kana, may pupuntahan pa ako." sagot ko sa kanya. Bakit ba naiilang ako? At bakit naman kasi nakatingin lang siya sa akin? At bakit din hinintay pa niya ako?
"Uh, you want a ride?" seryosong seryoso siya. Pinigilan ko ang ilang na nararamdaman ko kasi hindi naman dapat. Lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo niya. Napaatras ng kaonti si Dom at kumunot ang noo.
"What the f**k!" sagot niya ng makabawi. Tinagilid ko ang ulo ko at sinuro siya. He blushed. Kumibot na naman ang puso ko. May sakit kaya ako? O dahil pagod ako ngaun araw?
"Hoy! Kung may plano ka na- rapin ako, tigilan mo ha!" salita ko. Isang malakas na tawa ni Dom ang umalingawngaw sa buong silid.
"Rapin? In your dreams." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wala naman nakakaakit seyo, you think may plano akong ganoon?" tumatawa pa din siya. Aba't! Grabe! Wala ba talagang nakakaakit sa akin? Ang sama niya!
"Besides, hindi ko kailangan mang r**e. Ako kaya ang nirerape." nakangisi siya kaya nanalaki ang mga mata ko.
"Talagang kalibugan lang ang laman ng utak mo noh?" the vulgarity of my words made his eyes widened. Tila hindi inaasahan na kaya kong magsalita ng ganoon.
Umiling siya ay patuloy na ngumisi." Ibang klase ka pala. You look like a saint but you speak like a devil. Rare ang pagkatao mo ah." natatawang salita niya sabay akbay sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Ni hindi manlang nagpasintabi na hinila ako habang nakaakbay sa akin.
"Well, it's because palasak na ang pagkatao mo!" sagot ko sabay hawi na kamay niya sa balikat ko. "Tigilan mo nga ako jan sa tsansing mo ha!" iritable kong inaalis ang braso niya pero hindi ko maalis dahil sinasadya niyang patigasin ang braso niya. Nakakainis! Hindi siya payat pero hindi din mataba. Well toned ang muscles niya kaya naiimagine ko kung ilan ang abs niya.
What the heck Athena?
Nang hindi ko talaga maalis ang kamay niya ay kinagat ko ang daliri niya na halos magpasigaw sa kanya. Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya.
"Ang sakit ha!" salita niya na iniinda pa din ang kagat ko. Umirap ako at inayos ang damit na nagusot.
"Ang kulit mo kasi! Bakit mo ba ako kinukilit? Friends ba tayo? Hindi naman diba? Wag kang feeling close ha!" umirap ako at nagsimulang magmartsa. Hindi siya agad nakapagsalita.
"Kapag friends na tayo pwede na kita kulitin?" tanong niya ng nakabawi at nagsimulang maglakad.
"Maybe, pero hindi naman tayo friends. So back off!" sagot ko. Huminto ako sa tapat ng building para maghintay ng taxi. Dom still tailing me.
"Lets be friends, then?" salita niya kaya napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo kong hinarap siya. Chineck ko pa nga siya, mukhang geniune naman siya sa friendship na sinabi niya.
"Okay. Friends lang ha?" sagot ko. Inilahad pa nga niya ang kamay niya kaya tinanggap ko naman.
He chuckled sexily. May dimples si Dom pero hindi ganoon kalalim. And he's so handsome when he's f*****g flirting! Ang landi talagang lalaki!
"Well.. We can add benefits if you want.. I'm willing to obliged." nagkibit balikat siya kaya pinitik ko ulit ang noo niya.
"In your dreams!" naiiling at natatawang salita ko. Nagkatingin kaming dalawa at sabay na humagalpak ng tawa.