Alea Alcantara POV
Nadaan ko na naman Ang Larawan sa altar Ang creepy talaga . hAyst bago pa ako tayuan Ng balahibo dito ay bumaba na ako Ng hagdan.
Nakita ko pa ang tatlo na abala sa paglilinis.
" Alea San ka pupunta? " tanung ni Ambeth
" Sa Labasan may kikitain ! " aniya ko.
Tumango naman ito bago nagsalita.
" Nga pala sayo ba yung panyo na Nakita ko sa banyo nung nakaraan? " Muling tanung nito bago ako makalabas Ng pintuan.
" Hmm hindi pinahiram lang ng isang kaibigan ! " Wika ko dito
" Sinu si Samuel ba? " pag uusisa pa nito.
Tumango ako dito at nagpa alam na . Nagkatinginan pa ang mga ito bago tumango sakin .
Kumunot pa ang nuo sa tinuran Ng mga ito
Weird !!
Binuksan ko ang pintuan at kumalansing Ang isang bagay na nasa taas Ng pinto .
Lalabas na sana ako Ng magsalita muli Si Ambeth.
" Mag- iingat ka sa mga kinakaibigan mo ! Hindi mo sila ganun kakilala .! " aniya nito. Bago itinuon ulit Ang paningin sa paglilinis gusto ko pa sana itanung kung anong ibig nitong sabihin Ng biglang mag ring ang Phone ko. kinuha ko iyon sa loob ng sling bag ko at tuluyang lumabas ng pinto tinungo ko Ang daan patungo sa pinagparadahan ko Ng aking motor .
" hello" turan ko sa kabilang linya.
" papunta ka na ba? Andito na sila! " ani Samuel sa kabilang linya.
" Oo on the way na. bye ! " Sabi ko at pinatay ang cp.
Sinabi ko na lang na on the way na ako kahit andito pa ako sa labas Ng bahay . Pilipino time Ika nga.
Isinuot ko ang helmet ko at sumakay sa motor pinaandar ko iyon patungo sa labas ng sitio Bahura..
Kahit na ilang Araw na ako dito ay hindi ko pa din maalis ang pagka mangha ko sa tanawin, May nakasalubong pa akong itim na kotse at isang itim na van na patungo sa pinanggalingan ko kanina .
Sinu kaya iyon mukhang mayaman.
Narating ko ang b****a Ng Sitio Bahura kung saan doon kami magkikita kita Nina Samuel.
Nang makalapit na ako sa labasan ay Nakita ko Ang tumpok ng lalaki at babae halos napapaligidan nila Ang b****a ng Sitio halos mga motor Ang naandoon at walang kotse akong nakita dahil Hindi ko matanaw Ang Yellow car ni Samuel.
Inihinto ko Ang Motor ko sa gitna Ng daan kung kaya't naagaw nun ang pansin Ng lahat.
Nag umpisa na akong makadinig Ng bulungan.
' sya na ba yung the legend killer princess? '
' Omg kailangan kong makapag selfie kasama sya.! '
Mga Ilan lang Yan sa nadinig ko kahit may suot pa akong helmet.
Natanaw ng mata ko si Samuel na papalapit sakin , Nakasuot ito ng Protective gear na ginagamit kapag nakikipag racing .
" Hi ! " bati nito sakin
" Hi " bati ko at itinaas Ang Salamin Ng aking helmet " Anong meron? " takang tanung ko dito
" hmm hehe sorry nasabi ko kasi sa kanila na naandito sa Sitio Bahura Ang legendary killer princess. ayaw nila maniwala kaya Sabi ko yayayain kita para makita ka nila. Alam mo bang sikat Ang name mo dito samin, kaya madami nagpunta dito dahil ayaw nilang palagpasin Ang pagkakataon na makalaban ka sa isang karera.! " Mahabang paliwanag nito.
So ito pala ang ibig niyang sabihin na ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Grabe Hindi ko alam na sikat pala ako. hahaha ( evil laugh )
Tumango ako dito at tinawag niya ang mga kaibigan niya upang ipakilala ako.
Tinanggal ko Ang suot kong helmet at halos magpigil Ng hininga ang mga ito na tila sabik na sabik na makita ang mukha ko.
Nang matanggal ko Ang helmet ay kanya kanyang pagpapakilala Ang mga ito , pati mga babae nagpa picture pa sakin. Shocks!
" Sya si Alea Alcantara" wika ni Samuel
" Hello sa inyong lahat " aniya ko
"Ang Ganda mo pala sa personal " Turan nung lalaki na matangkad " Jeffrey, Jeff nalang miss Ganda. " pagpapakilala niya
" Oo nga Akala namin niloloko lang kami nitong si Samuel. Alam mo bang sikat ka dito dahil sa dami mong nilampaso na magagaling na racer. ako nga pala si Edna " Wika nito maganda Siya pero mukhang boyish
Ngumiti ako dito
hindi ko na makilala yung iba sa dami nila.
" So ano let's start? " turan ni Samuel
nagtanguan Ang mga ito at kanya kanyang suot Ng helmet at nagtungo sa kanya kanyang motor si Samuel naman ay naiwan .
napatingin ako dito bakit Hindi pa siya nasakay sa motor niya. Ngumiti ito sakin at kumamot sa ulo.
" hmmm naplat kasi yung gulong Ng motor ko pwede ba akong umangkas nalang sayo.? " aniya
tumango ako dito kaso hindi ako sanay na may angkas . Solo kasi ako kung lumakad lagi.
Sumakay ito sa likod Ng aking motor at nag-aalangan pa kung kakapit ba o hindi.
" Mahuhulog ka pag di ka kumapit. " turan ko dito .
Tumawa lang ito Ng bahagya at ikinapit Ang kamay sa balikat ko.
Shocks nakikiliti ako.
" Wait wag ka dyan kumapit baka mahulog ka. " pagdadahilan ko kinuha ko ang kamay nito at inilagay sa baywang ko nahihiya pa siya pero hinayaan ko nalang at pinaandar na Ang aking motor.
" Let's go Sigaw ng lahat.! " Kanya kanyang patakbo Ng kani kanilang motor. May nauuna at may nahuhuli.
Pinauna ko muna silang lahat bago ko pinatakbo ang motor ko . Naramdaman ko Ang paghigpit Ng kapit ni Samuel sa balakang ko.
Napangisi ako kala ko ba sanay itong magrace bakit parang takot ito pag binilisan ko. nakikita ko Sila sa unahan ko pero dahil parang hindi komportable si Samuel kaya inihinto ko Ang motor sa tabi.
"Bakit ka huminto? " takang tanung nito.
" Hmm sure ka bang okay ka lang ? " takang tanung ko dito.
" Oo okay lang ako. patakbuhin mo na at baka matalo tayo." wika nito.
tsk Hindi pa talaga ako nito kilala.
" Wala ka bang tiwala sakin ? " takang tanung ko dito.
Hindi agad ito sumagod humugot muna ito ng hangin bago nagsalita.
" Meron ! I trust you at alam kong kaya mong talunin Sila ! " aniya.
Ngumiti ako sa sinabi nito at kaagad na pinatakbo ang motor nakahawak ito sa bewang ko Hindi na hawak dahil nakapulupot na iyon sa bewang ko.
sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko na tila lumilipad Ang mga gulong sa ere.
Natanaw ko na ulit Ang mga kasamahan namin at mas Lalo ko pang hinirit . Nasa gitna na kami at nahuhuli na ang iba.
Nakita ko kung sinu Ang nauuna yun ay si Jeff sigurado akong Siya iyon.
Mas binilisan ko Ang pagpapatakbo at nalampasan ko na sila, si Jeff nalang Ang nasa unahan ko.
Na Ngayon ay kapantay ko na. Napansin ko na nakatingin si Jeff sa lumilipad na laylayan Ng dress ko dahil sa bilis . May short naman ako kaya okay lang kahit lipadin iyon.
Naramdaman ko na hinawakan ni Samuel Ng isang kamay ang laylayan Ng palda ko para hindi Makita Ang hita ko.
kinuha ko Ang pagkakataon na yun para mas bilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa narating namin Ang finish line at syempre ako ang nanalo I mean kami ni Samuel Ang nanalo.
inihinto ko Ang motor sa tabi Ng puno at bumaba si Samuel.
" I knew it ! Yes whooo ! " Sigaw nito at nagtatatalon na kala moy Bata . kala ko racer Siya bakit ganito ito umasta .
Tinanggal ko Ang helmet ko at ganun din Siya
" Sorry sobrang saya ko lang . This is my first time na makasakay sa motor . at makasali sa racing. ! " aniya at kumunot ang nuo ko sa sinabi nito
" What do you mean. kala ko racer ka din ? " takang tanung ko dito .
" haha sorry ayaw ni Dad na hayaan akong mag motor dahil delikado daw Kaya kotse Ang binili niya sakin . kaya yun Ang ginagamit ko sa racing. This is my first time , na sumakay sa motor. Masaya pala. ! " Sabi niya habang nakangiti.
tumango ako sa sinabi nito nag -si-datingan na din ang mga kasamahan namin.
nagsihinto Sila sa tapat Ng puno habang si Jeff ay kanina pang nakatingin samin.
Lumapit ito at nakipag kamay sakin.
" Now I know na hindi talaga haka- haka Ang tungkol sa legendary killer Princess. At pinatunayan mo yun ngayon! Congrats! " aniya at humakbang papunta sa kanyang motor
" Ang galing mo Alea tinalo mo Ang pinaka magaling na racer dito sa Barangay namin. Alam mo bang panlaban namin yun sa darating na Fiesta dito .! " wika ng lalaki na medyo chubby sa palagay ko ay sya si Fip dahil nagpakilala ito kanina. Hindi ko lang masyado matandaan.
Nagpasalamat ako sa mga ito at Nagyaya Sila na magtungo sa malapit na resto dito para kumain. Pumayag naman ako dahil na din Kay Samuel. Nakakahiya naman kung Basta nalang akong aalis.