Mula sa isang Bahay tuluyan bumangon sa pagkakahiga Ang isang dalaga , Tila wala sa sarili na tumayo at nagbihis Ng lumang damit kulay puti iyon na bistida na halos hanggang tuhod nito.
Naglakad ito at tumigil sa harapan Ng altar na may larawan Ng isang magandang dalagita may mga kandila sa harapan Ng larawan at may mga bulaklak din . Nagsimula itong bagtasin Ang hagdanan at nilampasan Ang larawan tila Wala padin ito sa sarili . Tulog na Ang mga kasama niya sa loob Ng bahay panuluyan kaya Wala ni Isa sa kanila ang nakakita sa paglabas nito.
Patuloy lang ito sa paglalakad ng walang saplot Ang paa tila hindi nararamdaman Ang mga matutulis na bato sa tumutusok sa kanyang paa. hanggang narating nito ang isang kwadra kung saan inilalagak ang mga kabayo. Nagsuot ito Ng boots at hinila Ang isang kabayo. Wala pa din ito sa sarili ,
Sumakay siya sa kabayo Na kulay itim .at naglakad iyon patungo sa isang mansyon, Wala sa sariling Bumaba Siya sa tapat ng isang mansyon at nabungaran ang Kasiyahan dahil kaarawan Ng señora sa Araw na ito madaming kilalang tao ang naroroon at nakikisaya. Ang matandang ito ang may Ari Ng lupain ng mga Agirre Siya si Siñora Emma Agirre . Inilibot ng dalaga Ang paningin sa buong lugar tila nananabik sa lugar na yun . Nakangiti siyang pumasok sa bakuran at dahan dahang lumakad patungo sa harapan kung saan makikita ang matanda na nakangiti habang kausap Ang mga bisita . Nagulat Ang lahat sa pagdating Ng dalaga Sinundan Ng tingin Ng mga tao ito hanggang makarating siya sa unahan at mabilis na tumakbo sa matanda at niyakap ito Ng napakahigpit, tila nananabik itong maramdaman Ang yakap ng matanda.
"T... teka sinu ka? " takang turan ng Señora dito Ng makalas nito Ang pagkakayap sa kanya ng dalaga.
" La! ako to si Amy ang apo mo! " Turan nito sa matanda na tila naguguluhan sa inaasal Ng dalaga
" Ano? " Sigaw nito dito
" loLa! " Aniya sa mababang tono
Naguguluhan Ang matanda sa sinasabi nito
" wag mo akong tawaging lola dahil hindi kita apo !" Sigaw nito dito.
Nanalim Ang mata Ng dalaga habang nakatitig dito.
" Ganun ba lola ha.! Hanggang ngayon ba hindi mo pa din ako tanggap ? Na sa paningin ninyo Isa lang akong sampid sa pamilya ! La ginawa ko na ang lahat para matanggap ninyo ako bilang pamilya nyo . Pero dahil sa panlolokong ginawa Ng ama ko sa inyo pati sa akin nagagalit kayo . Ginawa ko Ang lahat mapalapit lang ako sa inyo pero bakit hanggang ngayon Galit pa din kayo sakin . Namatay na nga ako't lahat ayaw nyo pa din sakin! " panunumbat nito sa matanda napahawak sa dibdib Ang matanda sa sinabi nito at agad dinaluhan Ng kanyang mga anak.
Halos tumigil Ang mundo Ng lahat at hindi makapaniwala sa nangyayare
" Sino ang babaeng yun? " Turan ng mga bisita.
Hindi makasagot Ang matanda sa sinabi nito tila naguguluhan din sa nagyayare
" Tumigil ka na wag mo kaming niloloko, Hindi mo kami madadaan sa mga ganyang pakulo , alam na namin yang mga modos na ganyan ! Guard palabasin nyo ang babaeng ito " Sigaw Ng isang baritonong lalaki na nasa edad 30
Ngumisi Ang dalaga sa sinabi nito
" Talaga ba Tito ? Hindi mo na ba talaga ako naaalala ? Ako ito Si Amy ang Paboritong apo ni Lolo ! diba kaya ka galit na Galit sakin dahil sa akin ipamamana ni Lolo ang lupain na gusto mong makuha noon pa ? at ninanais mo na mamatay ako.! di ba Tito Angelo.? " Napatigil ito sa sinabi Ng dalaga tila tinatansya ang sinasabi nito .
" Ikaw Tita Lucy diba may lihim kang Galit sa akin ? Dahil ako lagi Ang pinapaboran ni Lolo at hindi Ikaw na sarili niyang Anak ! " tumitig ito Ng matalim sa Tita Lucy nito " Baka Ikaw ang nagpapatay sakin? " Nanlaki ang mata ni Lucy sa sinabi nito bago nakailang beses na umiling
Tumawa naman Ang dalaga sa inasal nito .
" oh baka Ikaw Tito Armando ang may gawa kung bakit ako namatay .! Di ba Ikaw ang may gusto na ipakulong ako kahit alam mong Wala naman talaga akong kasalanan ! ?" Turan nito at binalingan Ng tingin ang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo, mariing tinitigan ito Ng lalaki bago ngumisi Ang dalaga dito .
Naluluhang tumitig Ang matanda sa dalaga lumamlam Ang mga mata nito na tila naaalala Ang apo sa dalagang kaharap niya Ngayon Lalo na dahil sa suot nitong puting bistida na paborito ng kanyang apo na isuot noon nung nabubuhay pa ito.
'Nagbalik na Siya ! ' Sabi ng isip Ng matanda
" Lahat kayo May Galit sa akin ! Bakit ano bang ginawa kong masama sa inyo para Gawin nyo to sakin. Minahal ko lang naman kayong lahat bakit ito ang sinukli nyo sakin? Bakit nyo ako pinatay ! Pinahuli nyo ako sa mga pulis at hinayaang nyo akong mamatay sa pagsabog ng sinasakyan namin noon . Sigurado akong planado ninyong lahat iyon " umiiyak na Sigaw niya sa mga ito
Halos natahimik ang lahat Ng tao sa loob ng mansyon may mangilan ngilan na kumukuha Ng video Ng dalaga.
" Tumigil ka ! " Sigaw ni Armando at sinampal Ang dalaga na ikinagulat Ng lahat
" Baka magigising ka sa sampal na yan " wika nito
dahan dahang iniangat Ng dalaga Ang pumaling na mukha nito dahil sa pagkakasampal sa kaniya. nakangisi siyang humarap dito .
" Bakit masyado Kang threaten Tito Armando ? Hindi ka ba Masaya na bumalik na ako dito ! mabubuo na ulit tayo ! " nanlaki ang mata nito sa sinabi ng dalaga.
" Nahihibang ka na? " at akmang sasampalin ulit Ng pigilan siya ni Señora.
" Magtigil ka Armando! "ma Authoridad na Turan nito.
" A... Apo ! Apo ko! " naghihinang Sigaw Ng matanda akmang lalapitan na nito Ang dalaga Ng mawalan ito Ng Malay . napasigaw pa Ang ilang mga bisita sa nangyare.
halos umalingaw -ngaw Ang usap- usapan sa loob ng mansyon .
'sinasaniban ba talaga Siya ni Amy? '
" ano pang tinatayo tayo nyo dyan ? Buhatin nyo sya at ipasok sa loob ! " Sigaw nito sa mga tauhan niyang nakapalibot sa kanila.
Kaagad namang binuhat Ng mga ito ang walang Malay na dalaga at dinala sa loob.
Inihiga nila ito sa Sofa , umupo sa tabi nito ang matanda at lumuluhang hinawakan Ang kamay nito.
" Apo ko patawadin mo si lola. Wala akong nagawa ! " Turan nito habang hinahaplos Ang palad Ng dalaga
" Ma ! are you insane? Nagpapaniwala ka sa babaeng Yan.! baka nga modus lang Yan nyan para pagkakitaan ka.! " Sigaw Ng baritonong lalaki
" Stop it Angelo ! Baka madinig ka ni Amy ! kilala ko ang Apo ko. at alam kong Siya ito .! Nagbalik na Siya! " aniya sa mga ito.
" Ma ! at talagang naniniwala ka na sinasaniban siya ni Amy? Ma ano ka ba matagal ng Patay si Amelia at hindi na siya babalik pa! " Turan ni Armando na nasa katabi lang ni Señora Emma
Agad na tumayo si Señora at sinampal ito Ng malakas na nagpabaling ng mukha nito sa kanan.
" Hindi nyo ba nadinig Ang sinabi nya kanina pinagbibintangan niya na kayo ang pumatay sa kanya , kaya siguro hindi sya matahimik dahil hindi pa niya nakukuha Ang hustisya sa pagkamatay niya.! at Ikaw Luciana sinu lang ang tumatawag na Tita Lucy sayo diba sa Amy lang.! " Sigaw niya sa mga ito.
" Alam naman nating lahat na walang ibang nakakaalam kung paano at bakit namatay si Amy ! kaya imposible na makuha lang niya sa mga chismosa dyan sa labas Ang mga sinabi niya kanina.! " Sigaw pa nito bago umupo ulit sa tabi Ng dalaga.
Napailing nalang Ang mga anak nito sa sinabi niya at Isa isang nagtungo sa kani kanilang kwarto.