Alea Alcantara POV
Inihinto ko ang aking motor sa tapat ng isang karatula. Itinuon ko ang dalawa kong paa sa lupa habang naka-upo pa din sa motor upang hindi ito matumba , tinanggal ko Ang suot kong helmet at pinasadahan ng tingin Ang kabuoan ng daan patungo sa lugar na balak kong pagbakasyunan. Pagkatapos Ng aking pinagdaanan sa Maynila I think I deserve this vacation.
Humungot ako ng hangin bago binasa ang karatola.
" Sitio Bahura ! Here I come ang pinaka magandang dilag na nagmula pa sa Maynila ang nag - iisang racer girl na nagsusuot ng Red off Shoulder dress sa twing nag re-racing I'm Alea Alcantara " Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay.
Muli kong isinuot ang helmet at sinimulang patakbuhin ang big bike ko patungo sa loob ng sitio Bahura.
Dahan dahan lang ang pagpapatakbo ko upang Makita ang kabuuan Ng paligid napaka Ganda madaming mga halaman sa paligid may mga palayan din ako na daanan. Ngunit ang mas iki-namangha ko ay ang matanaw ang isang napaka lawak na lupain at may mga nag tatakbuhang mga kabayo sa paligid. Wow .
hindi ko alam na ganito kaganda dito sa sitio bahura iba pala pag sarili mo nang mata ang nakakakita Ng paligid.
Nakarating ako sa mini plaza ng lugar, madaming tao tila abala ang lahat sa nalalapit na pesta sa lugar. kanya kanyang kabit Ng mga banderitas habang masayang nagkukwentuhan.
Ito din ang dahilan kung bakit ganitong araw ako nagtungo dito. Nais kong makisaya sa kanila bukod dun gusto ko makakuha Ng info sa lugar Isa kasi ito sa mga test na ibinigay Ng company na ina- aply- an ko ang makasulat ng maganda scoop mula sa isang barangay o sitio. Sa Oras na matanggap ako magiging isang ganap na Journalist na ako. Bukod sa pagre- racing ito ang isang bagay na gustong gusto kong Gawin , Ang magsulat Ng Balita at makapagbigay ng info sa mga tao Masaya ako dito.!
Agaw pansin ang suot kong Pulang dress habang nakasakay sa big bike ko kaya hindi mapigilan Ng mga tao Ang hindi tumingin sakin .
Nakarating ako sa isang parlor medyo luma na Siya at may pangalawang palapag pero dagsain pa din ng mga tao . Huminto ako sa tapat noon at binasa ang makasulat sa isang bond paper .
Room for rent.
Inilibot ko Ang aking paningin sa kabuuan Ng bahay medyo luma pero okay na siguro ako dito.
Ibinaba ko Ang stand Ng aking motor at bumaba mula doon at tinanggal Ang helmet . Nasa likod ko ang aking back pack na naglalaman Ng mga mahahalagang gamit bukod sa damit ko.
Nakita ko pa ang mga kalalakihan na naka upo sa gilid Ng parlor na naka tingin sakin.
Ganun din Ang mga taong kanina ay abala sa pagkakabit ng banderitas. Nginitian ko ang mga ito .
Bago lumapit sa bukana Ng parlor at sumilip sa bubog na salamin upang makita kung sinu Ang tao sa loob .
Dahan dahan ko itong binuksan at tumunog ang nakalawit na bagay sa harapan Ng pintuan tanda na may pumasok sa loob.
" Yes Madame , Magpapagupit Po ba kayo ! I think hindi nyo na yun kailangan kasi Ang Ganda Ganda nyo na ! " wika Ng isang baklita ng makalapit sakin . Maganda ito at mukhang babae pero kahit ganun bakas pa din sa boses nito na dati siyang lalaki. kahit anong ipit niya sa kanyang boses.
" Ahh hehe nope I'm not here para magpagupit . Nabasa ko yung Karatula sa labas . I need room na pwede kong pag Stay- an ng mga 6 months or more ! " Sabi ko dito.
Tumango tango naman ito sakin.
" Mamita ! " Sigaw nito " May magandang dilag dito sa labas naghahanap ng kwarto! Mukhang Imported malapurselana Ang kutis ! " turan nito napangiti nalang ako sa sinabi nito.
Mula sa ikalawang palapag lumabas ang may edad na babae mukhang nasa 40 na ito. May hawak siyang pamaypay.
Ngumiti ako dito Ng napakatamis ginantihan naman niya iyon Ng isang ngiti din.
" Ikaw ba yung naghahanap ng kwarto? " tanung nito sakin tumango ako dito.
" Halika sa taas at ituturo ko sayo Ang kwarto na pwede mong upahan.!" sumunod naman ako dito at nakarating kami sa ikalawang palapag agaw pansin sakin ang isang larawan sa altar , Pinagmasdan ko iyong mabuti napakaganda niya .! Sinu kaya siya bakit may mga bulaklak sa tabi Ng larawan niya at may kandila na nakasindi.
Hindi kaya Patay na siya? nasabi ko sa sarili , Bigla naman nagtaasan Ang balahibo ko sa aking naisip.
" Anong tinitingnan mo !? " tanung ng matanda mula sa likudan ko Bahagya pa akong nagulat sa pagsasalita nito.
" Ahh w.. Wala Po ! " tumango ito at niyaya ako patungo sa kwarto na aking uupahan. Maliit lang iyon at sakto lang sakin. Medyo maliwanag Ang paligid dahil sa malaking bintana nito . Ito ang gusto ko maaliwalas sa paningin.
" Nagustuhan mo ba? " tanung nito sakin
Ngumiti ako dito at tumango.
" tungkol sa bayad 2 months advance pay at ayaw ko Ng late magbayad may curfew din ako pagdating Ng 10 Ng Gabi kailangan nasa kwarto na Ang lahat dahil kung hindi masasaraduhan Ng pintuan! Madami naman kayo na nangungupahan dito sa taas iyon Ang kanilang mga kwarto " turo nito sa apat na kwarto na kasunod ng aking inupahan
" dito din Sila nagtatrabaho sa aking parlor ! " Wika pa niya. Tumango ako sa mga sinabi nito at nagbayad na ako Ng 2 months advance bago ito tuluyang umalis sa silid ko.
Pinasadahan ko iyon Ng tingin , malinis Ang kwarto halatang hindi napapabayaang linisin . inilapag ko Ang backpack na dala ko at inilabas Ang laptop at ipinatong sa kama.
Yung mga damit na dala ko ay iilan lamang kaya lalabas ako Mamaya upang bumili Ng mga damit na isusuot ko sa araw araw.
Binuksan ko Ang laptop ko at nagtipa ng mga letra doon.
' Day one May 31 nakarating ako sa Sitio Bahura malapit na ang pesta sa lugar kaya abala ang mga tao sa paligid . '
matapos maisulat sa aking Diary ay inayos ko lang ang gamit ko at kinuha ang Cellphone sa loob ng bag, Dala ang aking susi at wallet inilagay ko yun sa mini bag bago isinukbit sa balikat.
Isinarado ko Ang pintuan at naglakad papunta sa hagdan. nakasalubong ko pa ang isang babae
Morena siya Hindi katangkadan pero maganda ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kanya
" Ikaw pala Ang bagong salta ! " wika niya ngumiti ako dito at tumango
" Ako nga pala si Angeline , Ange nalang for short. Ikaw si ? " tanung niya pagkatapos magpakilala.
" hi Ange I'm Alea Alcantara All the way from Manila city , Soon to be a Journalist na nag iiwan ng katagang Ang basang kahoy ay wag idarang sa apoy , nang hindi ito sapilitang umapoy ! and I thank you ! " masiglang bati ko dito .
Natawa naman Siya sa inasal ko Ngayon lang daw siya nakakita ng sopistikada pero madaldal at mabibo.
tumawa lang ako sa sinabi nito . bago nagpaalam ako na pupunta sa bilihan Ng damit sinabi naman niya sakin kung saan ako makakabili nun.
Nagtungo na ito sa kwarto niya at ako naman ay lumakad na patungo sa hagdan napansin ko na naman ang larawan ng isang dalagita sa altar , kakaibang kilabot ang nararamdaman ko sa twing magagawi Ang paningin ko dito na tila nangungusap Ang mata nito at nagsusumamo.
nakakakilabot . ! Sinu kaya siya.
nilagpasan ko iyon at bumaba na sa hagdan.
Nakita ko pa ang baklang kanina ay kausap ko.
Nagpakilala itong siya si Georgina at yung isang babaeng abala sa pagsasalon sa customer niya ay Si Ambeth o Amara Bethany, Ambeth daw for short. Nagpakilala Din ako sa mga ito .
" Hmm diba Lima yung silid sa taas , nakilala ko na kayong tatlo so sinu yung isang nagmamay Ari Ng isang silid ? " takang tanung ko sa mga ito , Nagkatinginan pa ang mga ito tila tinatyansa kung sasabihin ba sakin o hindi.
pero Tila wala silang balak Sabihin sakin kaya nagpaalam na ako sa mga ito na bibili Ng gamit ko. tumango naman Ang mga ito at bumalik sa kani - kanilang ginagawa.
lumabas ako Ng parlor at nadinig ko pa ang pagkalansing ng isang bagay sa itaas Ng pintuan .
Dumiretso ako sa aking motor at isinuot Ang aking helmet na kulay itim na may guhit guhit na kulay pula at pinaandar iyon patungo sa lugar na sinabi ni Ange.
May panaka nakang sulyap sakin Ang mga tao doon tila Hindi Sila sanay sa babaeng nagmomotor o baka naman dahil lang sa ayos ko . Sabagay sinu nga ba naman Ang hindi maiilang na Makita Ng isang babaeng naka suot Ng Off Shoulder dress na kulay pula tapos nagmomotor.
Pambihira!!!