Chapter 2 Me , My big Bike, His yellow car and Him

1579 Words
Alea Alcantara POV Habang binabagtas ko Ang daan patungo sa tindahan Ng damit ay hindi ko maikakaila na totoong napaka- Ganda Ng tanawin lalo na Ng madaanan ko ang isang malaking mansyon . Tila isa itong palasyo . Deritso lang ako sa pagpapatakbo ng motor mabagal lang Ang aking pagpapatakbo upang Makita ko nang maayos Ang paligid madaming matatayog na punong kahoy ang nakapaligid sa isang malawak na lupain. may mangilan- ngilan akong kabayo na nakikita . Masaya kayang sumakay sa kabayong iyon. Sana one day makasakay din ako dyan. May mga tao akong nakakasalubong sa daan halos tila sakin sila nakatingin naka ngiti ako sa mga ito ngunit agad ding nagbawi ng maalala kong naka helmet nga pala ako. Kaya kinawayan ko nalang sila at tumugon din naman sila. Malapit na ako sa tinutukoy na bilihan ni Ange Ng damit. Medyo natagalan ako dahil naaliw ako sa mga tanawin na nakikita ko sa daan. Natatanaw ko na ang bilihan madami ding tindahan Ang nakapaligid doon pero alam kong yun Ang tinutukoy ni Ange dahil sa mga damit na nakasabit sa harapan Ng tindahan. Sa sobrang abala ko sa pagtanaw sa damit ay hindi ko namalayan ang paparating na kotse na kulay dilaw kaya mabilis ko iyong kinabig pakaliwa upang hindi ako sumalpok doon, wala namang tao na dumadaan sa kaliwa kaya Doon ko ito kinabig. Napadaing pa ako ng matumba ang motor sa lupa . Naipit kasi yung paa ko , huminto naman Ang driver Ng kotse at lumabas ng sasakyan. Mabilis itong nagtungo sa kinaroroonan ko. "Miss okay ka Lang " TInig ng isang baritonong lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko , Gwapo shocks , Matipuno I think babad sa gym to., Maputi at yung dimple yummy.! Omg Ano ba tong naiisip ko. " hey miss okay ka lang ba ? " Nag aalalang tanung nito , akmang aalisin na nito Ang helmet ko ng hawakan ko Ang braso niya upang pigilan yun. " O.. okay lang ako." Ini-angat niya ang ang motor ko upang ma-i-alis ko Ang paa ko sa pag-kakaipit. Nang ma-i-alis ko ang paa ko na nadaganan ng motor ay pinagmasdan ko iyon . s**t may sugat . Nang maitayo nya ang motor ko ay ako naman ang inalalayan nya. bahagya pa syang napatigil ng makita ang nakaangat kong dress . Humugot ito ng hangin bago ibinuga . Hinubad niya Ang jacket niya at inalalayan akong tumayo bago itinali Ang jacket niya sa aking baywang. " Next time na magmomotor ka wag kang magde-dress " Turan nito sakin. " Okay ka lang ba talaga ? " Tila nag aalalang tanung nito nang mapadako Ang paningin niya sa paa ko ay nagbago Ang expression Ng mukha nito tila natakot Ng makita Ang dugo na umaagos doon. Kaagad niyang dinukot Ang panyo sa bulsa at pinahidan ang paa ko . " I'm sorry.! halika dadalhin kita sa hospital.! " Aniya umiling ako dito sabi ko okay lang ako. Kumpara sa mga sugat ko noon sa racing maliit pa ito. buti nga at hindi ako nagkakaroon Ng peklat, dahil na din siguro sa gamot na pampahid na ibinigay ni Mama sakin. Magaling kasi iyon pagdating sa gamot. "are you sure ? " paninigurado niya. tumango ako dito at nagpasalamat sumakay na ako sa aking Motor hindi ko pa din inaalis ang aking helmet sa aking ulo. Tumingin ako dito at nakita kong nakatingin pa din ito sa sugat ko. papaandarin ko na sana Ang motor ko ng lumapit ito at itali sa sugat ko ang hawak niyang panyo. Umayos ako Ng upo habang nakatingin pa din dito. itinaas ko ang salamin ng aking helmet sapat lang para makita Ang mata ko upang makita Ng maayos ang mukha nito. Tumingin ito sakin at nagtama ang mga mata namin bago gumuhit Ang isang ngiti sa labi nito. Iniiwas ko ang aking tingin at pinaandar na ang motor. Walang lingon akong umalis palayo sa dilaw na kotse at sa taong may are Ng panyong nakatali sa aking paa. Hindi ko man lang naitanung ang pangalan niya. Pambihira ! Nakarating ako sa bilihan Ng damit at ipinarada ko muna Ang motor sa may gilid Ng daan. Pumasok ako doon at tumambad sakin ang iba't ibang dress na talagang gustong gusto ko. May off Shoulder dress na Hindi lalampas sa aking tuhod Meron ding lampas sa tuhod , iba't iba din Ang kulay nito. kumuha ako ng iba't ibang kulay at syempre hindi mawawala yung paborito kung kulay yung red. bumili na din ako Ng bra and panties, Nang matapos na ako sa pamimili. Ay nagtungo na ako sa counter at nagbayad grabe kakaiba ang Sitio na ito kahit na Sito lang Siya madami pa ding makikita na tindahan . Lalo na siguro sa barangay at bayan nito. Minsan gagala nga ako dun, Nang makabayad na ako ay lumabas na ako bitbit Ang aking mga pinamili , napahawak ako sa aking bewang ng mapasin na may nakapulupot doon tiningnan ko iyon Ng maalala yung jacket nung lalaki kanina. hayst nakalimutan ko pala itong alisin. ano ba yan ! hindi ko tuloy alam kung paano ko ito isasauli siguro naman may mapagtatanungan ako dito kung sinu ang lalaking iyon. Isinabit ko Ang mga paper bag sa handgrip Ng aking motor at nagsimula nang patakbuhin iyon. binagtas ko ulit ang lupang kalsada pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Malayo na sa tindahan Ang aking nararating malapit na ako sa mini plaza Ng sitio at madami nang tao sa paligid , napansin ko Ang dilaw na kotse na nakaparada pero Wala sa loob yung may ari itinigil ko iyon sa tapat noon at hinanap Ang may ari Ng kotse pero hindi ko ito nakita . Umalis nalang ako sa lugar at dumiretso na sa aking tinutuluyan. Nang Makita na maayos na ang pagkakaparada Ng aking motor ay pumasok na ako sa loob bitbit Ang aking pinamili. " oh girl andyan kana pala ! " wika ni Georgina " ay Wala larawan ko lang ito ! niloloko ka lang Ng paningin mo ! " wika ko dito " Ay maalam syang mambara ! I like you girl magkakSundo tayo " aniya habang tumatawa. Napailing nalang Ang dalawa nitong kasama Nagpaalam na ako sa mga ito na ilalagay sa taas Ang aking mga pinamili , Mag aalas singko na pala Ng hapon hindi man lang ako nakapag tanghalian. Hayst. Habang umaakyat Ng hagdan ay may babae akong nakita sa taas kaya Dali dali akong umakyat para makita kung sinu iyon marahil ay siya Ang may ari ng isang kwarto gusto ko siyang makilala. Nang mapadaan ulit ako sa altar ay kakaibang kilabot na naman Ang lumukob sa akin. pambihira. ! Nakita ko pa ang pagsarado Ng pintuan sa may tabi Ng aking kwarto. Sinu kaya sya masyado namang mahiyain. Humugot ako ng hangin bago ibinuga iyon , dumiretso nalang ako sa aking kwarto at inilapag Ang paper bag sa kama bago humiga , Napabagon ako ng maramdaman Ang kirot sa aking binti . Ano ba yan nalimutan na kitang linisin , hinubad ko muna ang jacket na hanggang ngayon ay nakatali pa din sa aking baywang bago Nagtungo ako sa banyo kung saan lahat kami ay ito ang ginagamit , Pag bukas ko Ng banyo ay maganda Ang ayos nito naka tiles na puti at puti din ang kulay Ng pader may mga halaman pang nakasabit sa dingding , Ang aliwalas sa paningin . Nagtungo ako sa gripo at binuksan iyon tinanggal ko Ang nakatali na panyo doon na nabahiran na din Ng aking dugo bago ko itinapat ang paa ko na may sugat sa gripo. hinayaan ko lang na maalis Ang dugo na natuyo doon pagkatapos ay nilabhan ko na din ang panyo para maalis Ang dugo na kumapit doon. Nang ma- satisfied na ako ay isinampay ko iyon sa tali na mukhang sampayan sa loob Ng banyo . may nakaburda pala doon Samuel siguro iyon ang pangalan nung lalaki. Lumabas ako Ng banyo at lumakad pabalik sa aking kwarto napansin ko na nakasilip sa pintuan yung babaeng nakita ko kanina. Ngumiti ako dito at kumaway pero bigla nitong sinarado Ang pintuan. Ay ma- attitude si ate girl sabi Ng isip ko. Nilagpasan ko nalang Ang kwarto nito at dumiretso sa kwarto ko. Nilagyan ko ito ng ointment na binigay sakin ni Mama , ito lang ang ginagamit ko sa twing nagkakasugat ako mabilis siyang maghilom at miski peklat hindi ako nagkakaroon. Humiga ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. May ilang katok ang nadinig ko sa labas Ng aking kwarto kaya dali dali akong bumangon , Teka Gabi na pala . nasabi ko ng makita ang labas Ng bintana na madilim na. Nagugutom na ako hindi nga pala ako nakapag tanghalian. Binuksan ko Ang pinto at nakita si Ange na malapad Ang ngiti. " hoy babaysot kanina pa kaya akong kumakatok Tara sa baba kakain na ! " aniya . " ha ! Sorry nakatulog ako. Sege sakto gutom na ako. kaso Hindi ako nakabili Ng pagkain kanina okay lang ba akong makikain sa inyo ? " tanung ko dito " Ano kaba okay na okay lang. ! Hindi kana iba samin kaya kung anong Meron kami share namin sa iyo yun.! " aniya habang nakangiti. Hinawakan nito Ang kamay ko at iginaya pababa Ng hagdan . Sa sobrang gutom ko hindi ko na napansin ang altar na may larawan at diretso lang Ang lakad namin hanggang makakababa. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD