Alea Alcantara POV
.
Nang makarating kami sa kusina ay naandoon na silang 3 bali Lima kaming lahat ngayon ang naroon.
" Upo ka na.! " Sabi nung matanda na may Ari Ng bahay na inuupahan namin.
Umupo ako katabi ni Georgina.
Teka bakit Wala yung isa naming kasama sa kwarto .? Hayst baka nauna na kumain.
" Nako iha kumuha kana Ng pagkain masanay kana dito ganito talaga kami sabay sabay kumain. " Wika Ng matanda sakin.
" ahh hehe mukha nga po. salamat po sa pagkain maam !" Aniya ko .
" anong ma'am Hindi ako teacher tawagin mo nalang akong mamita ! Yan ang tawag nilang lahat sakin dito. " turan nito tumango ako dito bago sumubo Ng pagkain.
" Wow Ang sarap naman Po Ng tinola .! " wika ko sa mga ito. Tumawa naman Ng malakas si Georgina si Ange at si Ambeth
" Ha? anong tinola ehh adobo Yan eh ! " Nagtatakang Turan ni mamita.
" hahaha Sabi na eh ganyan magiging reaksyon mo .! Haha ganyan din ako nung una " wika ni Ambeth
" ahh hehe pasensya na po Akala ko Po kasi tinola lasang tinola Po kasi.! " Sabi ko dito sabay subo ulit.
" Hay nako mga batang to sege na kumain nalang kayo dyan. " Sabi nito bago uminom Ng tubig. nakakahiya nakikikain na nga ako tapos ganito pa mangyayare. hahaha sorry talaga tounge nagkamali ka Ng panlasa. hahaha.
" Nga po pala nasaan na yung babae na nasa kabilang kwarto .! ". aniya ko sa pagitan Ng pagsubo ng kanin
Nagkatinginan Ang mga ito na tila nagulat sa sinabi ko.
" Bakit Po?" Sabi ko umiling lang ang mga ito.
" ahh , kanina kasi Nakita ko Siya sa may hagdan nung aakyat na ako para makipagkilala sa kanya bigla naman siyang tumakbo papasok sa kwarto nya yung sa katabi Ng kwarto ko. tapos nung galing ako sa banyo Nakita ko sya nakasilip sa pintuan niya kinawayan ko pa nga kaso biglang sinara Ang pinto. Ang weird nga! Hindi ko man lang nakita Ng maayos Ang mukha niya! Kumain na ba Siya . Tawagin ko nalang kaya.! " Sabi ko sa mga ito pero sa halip na sumagot ay parang mga binge na Hindi nadinig Ang mga sinabi ko. Ano bang problema ng mga taong to.
Ahh siguro magkakagalit sila.
" May nasabi ba akong Hindi maganda? " aniya ko umiling Ang mga ito at itinuloy ang pagkain.
Nang matapos ay nagpresinta ako na ako nalang Ang maghuhugas Ng Plato.
Wala daw problema sa kanila kasi pagod na daw sila at gusto na magpahinga.
Habang naghuhugas nakadinig ako ng yabag Ng paa sa hagdan mukhang pababa ito , Baka si Georgina yun may nalimutan siguro.
Itinuloy ko nalang Ang paghuhugas Ng matapos ako ay umakyat na ako sa kwarto I need to rest kailangan ko pang humanap Ng magandang scoop sa lugar na to para sa company na ina-aply-an ko.
Nang makahiga ako ay hindi naman ako makatulog kaya kinuha ko Ang phone ko at kinalikot muna iyon . nag online ako at nagpost ng aking larawan doon.
nang makapag post ay hinanap ko naman Ang music at saka pinatugtog iyon mas madali kasi akong makatulog kapag may sounds.
Ipinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
.
Nagising ako na nasa isang kalye ako at may isang kotse sa harapan ko . may babae sa loob Ng kotse at duguan Ang mukha at umiiyak ,naka posas Ang kamay nito.
" tulong ! tulungan ninyo ako! " paulit ulit na Sigaw nito .
tumingin ito sakin at humihinge Ng tulong gusto ko siyang lapitan kaso ayaw gumalaw Ng paa ko.
" Tulong! " Sigaw niya sakin ipinikit ko Ang mata ko ngunit pagdilat ko ay nakalapit na ito sakin at sinakal Ang aking leeg
" Ahhh.." Sigaw ko
" Tulong !" aniya sa nakakakilabot na boses " Kung ayaw mo Kong tulungan papatayin nalang kita. Hahahahahaha ! " Sigaw nito kasabay Ng paglabas Ng itim na likido sa bibig nito , mas diniinan pa niya ang pagkakasakal sakin.
Bigla akong Napabagon pawis na pawis ako at nanglalagkit sa sobrang dami Ng pawis na inilabas ng katawan ko.
" Umaga na pala.! " wika ko.
Grabe Ngayon lang nangyare sakin ito ahh.
Tumayo ako at kinuha ang tuwalya at nagtungo sa banyo.
" Good morning bati ni Ange na Ngayon ay pababa na sa hagdan tumango ako dito at bumati din bago ako dumiretso sa banyo ..
Pagkatapos maligo ay nagsuot na ako Ng dress, kulay blue iyon at may design sa likod backless heart style iyon .
kinuha ko Ang laptop at nagtipa Doon.
Day 2 I'm going out para makihalubilo sa mga tao at makilala Sila and to know the history off this Place
Kinuha ko Ang susi at Ang aking helmet isinukbit ko naman Ang sling bag ko sa aking balikat at dumiretso na palabas Ng kwarto .
wait may nalimutan ako. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang jacket na ipinahiram sakin ni Mr. Nice guy.
Balak ko syang hanapin and ibalik sa kanya itong jacket.
Lumabas na ulit ako ng kwarto at inilock iyon. Naglakad na ako pababa Ng hagdan ng mapatingin na naman ako sa larawan sa altar.
Pinagmasdan ko iyong mabuti Kamukha niya yung babaeng nasa panaginip ko.
Hayst impossible.! Sabi ko sa sarili ko.
" Sya si Amy ! "
" Ay Palaka ! " Napasigaw ako sa gulat Ng may bumulong mula sa likudan ko.
" bwesit Georgina Ikaw lang pala.! " Sabi ko dito.
" Magugulatin ka pala.! haha " Sabi nito habang tumatawa.
" Hindi naman may iniisip kasi ako. " Tumingin ako sa larawan
" Sinu sya ? " tanung ko dito
" Sya si Amy" ulit niya.
" Yah I know kakasabi mo lang diba! What I mean is sinu ba sya Kay mamita bakit may ganito dito ? Patay na ba Siya?" sunod sunod na tanung ko dito.
" ha. ay may gagawin pa pala ako sa baba sege maiwan na kita " aniya at maglalakad na papaba Ng hagdan.
" Dinalaw nya ako sa panaginip ! " wika ko dito na nagpahinto sa kanyang paglalakad
Lumingon ito sakin na parang nakakita ng multo sa sobrang pamumutla Ng mukha.
" a.. anong sinabi mo? ". utal na tanung niya .
" Sabi ko dinalaw niya ako sa panaginip humingi Ng tulong ! " Sabi ko dito at lumapit Siya sakin at tumingin sa larawan na nasa altar. bago ibinalik ulit sakin Ang tingin.
Ikinuwento ko sa kanya Ang napanaginipan ko .
Tumawa lang siya at sinabi na baka Dala lang Ng pagod kaya kung ano ano ang napapanaginipan ko .
Nagpaalam na ito sakin na baba na, ako naman ay tumungo na sa labas kung saan nakaparada Ang aking motor. Sumakay ako doon at pinaandar na.
Grabe Ang weird nila sa loob sinu ba yung Amy na yun. hayst.! binagtas ko Ang daan patungo sa mini plaza kung saan ko huling Nakita ang dilaw na kotse , nang makarating ako Doon ay ipinarada ko Ang motor at itinaas ang salamin ng aking helmet, hinanap Ng mata ko Ang dilaw na kotse pero hindi ko ito nakita. Saan ko kaya siya makikita.
Bumaba ako sa motor at nagtungo sa malapit na tindahan . Naalala ko na Samuel Ang pangalan na nakaburda sa panyo marahil ay iyon Ang pangalan nito.
" hmm ale may kilala Po kayong Samuel ? " tanung ko sa ale Ng makalapit ako dito.
" si Mayor Samuel Po ba ? o yung anak niyang Si Samuel Jr.? " tanung nito sakin
So ibig Sabihin anak Siya ng mayor.
" ahh opo yung anak Po saan ko Po Siya pwede Makita? " tanung ko dito.
" Ang alam ko miss twing linggo nabisita iyon sa mga Agirre at dito sa Plaza tumatambay sa hapon. pero hindi ko alam kung nasa Bahay sya Ngayon kasi lunes Minsan kasi kasama siya Ng kanyang ama sa Bahay ampunan nagpapa-feeding pero subukan mong puntahan Ang Bahay niya baka Makita mo Siya doon! " aniya nito sakin " Ikaw ba ang bagong nagungupahan sa Bahay ni Esme ? " tanung nito sakin
hindi ko alam kung si mamita ba Ang tinutukoy nito pero tumango nalang ako dito.
" kung ganun mag iingat ka sa gabi baka dalawin ka ni Amy sa panaginip ! " aniya na parang nananakot.
" Sinu Po ba yung Amy na yun?" tanung ko dito.
" Ahh Basta Ang alam namin mamamatay tao iyon sa twing sasapit Ang fiesta dito nagpaparamdam iyon ! " Sabi nito sakin.
Tumango nalang ako dito at umalis na Baka kung saan pa mapunta Ang usapan . Hindi pa din ako naniniwala sa multo. Like duh! hello 2022 na panahon pa ni kupong kupong yung mga ganyang kwento.!