Chapter 8 Whats behind the secret place

1659 Words
Dahil sa sobrang ganda ng lugar hindi naka-tingin sa daan ang hinihilang si Nayumi. Kaya naman muntikan na itong madapa buti nalang hawak ito ni Sir. Alessandro. Dumaan sila sa isang napakalawak na landscape na may maraming ilaw at ibat-ibang uri ng halaman. Sa dulo matatagpuan ang mahabang infinity pool at sa harap nito makikita ang Syudad ng Manila. Napapalibutan din ang gilid nito ng mga malalaking puno. Sa harap ng swimming pool mapapansin ang naka set-up na lamesa na merong tatlong kandilang pula sa gitna. Hinila ni Sir. Alessandro ang nasa kaliwang upuan at pina-upo nito si Nayumi. Habang naka-upo ang dalawa, May tatlong taong dumating na naka puting uniporme. Ang personal Chef, Bartender at Waiter ni Sir. Alessandro. Sinerve nila sa lamesa ang mga paborito nitong pag-kain at inumin. Hindi nagtagal umalis na rin agad ang tatlong naka puting uniporme. “Dito ka ba nakatira Sir.?! Grabe! sobrang lawak ng lugar, kasyang-kasya dito ang buong Barangay San Isidro” “No!. Pinupuntahan ko lang to everytime na gusto kung mapag-isa o marelax. Hindi alam ng pamilya ko na meron akung malawak na lupain, akala kasi nila noon wala akung ginawa kung hindi mag party at mag lustay ng pera. Ang hindi nila alam ginagawa ko lang yun para lalong inisin ang mga kapatid ko, especially my dad. Masyado kasi nilang minamaliit ang kakayahan ko sa pagpapatakbo ng kumpanya.” “Anyways, Im so sorry to hear about your dad’s passing Sir. Alessandro.” “Thats fine!, Nakakalungkot lang na namatay syang hindi proud sa bunso niyang anak.” Habang nag kikwentuhan ang dalawa, May nag message sa Cellphone ni Sir. Alessandro. “ Boss! Okay na po.” “Nayumi tumingin ka sa langit na nasa harap mo. Sampong taon ko tong pinag-aralan. Ginawa ko to for my dad.” Habang nakatingala si Nayumi may nakita itong maliliit na ilaw na lumilipad kaya naman nung gabing iyon nagmukang maraming bituin sa langit. “Sir. Alessandro-! Ikaw gumawa niyan? Grabe ang galing mo!!.” Sa hinaba-haba ng taon. Finally, Ipinakita din ni Sir. Alessandro sa ibang tao ang kanyang likha. Masayang-masaya ito habang tinitingnan ang ngiti sa mga labi ni Nayumi. Kinuha nito sa lamesa ang MiniTrol, Isang maliit na parang cellphone. Sa pamamagitan nito makokontrol ang mga maliliit na ilaw. Kaya naman sinubukan nitong mag type sa MiniTrol ng “Thank you for your hardwork Ms.Tea!.” Nagulat si Nayumi sa nabasa nito habang nakatingala sa langit. Mas lalo itong namangha sa likha ni Sir. Alessandro. “Diba I’m not stupid bunso of my dad?!. Im genius!.” Pagmamalaki nito sa sarili. “Kung nabubuhay lang sya ngayon, I’m sure ipagmamalaki ng dad mo ang MiniTrol Lights sa buong mundo.” Tuloy-tuloy pa rin ang pag uusap ng dalawa. Ibinahagi din ni Nayumi na meron syang mapag-mahal na magulang at mabubuting kapit bahay sa Barangay San Isidro. Ikinamangha ni Sir. Alessandro kung paano namumuhay si Nayumi. Dahil sa meron itong magandang muka at pangmayamang balat hindi akalain ni Sir. Alessandro na galing sa mahirap na pamilya si Nayumi. “I’m amaze!. Buti hindi hadlang ang kahirapan at nakapag-tapos ka sa magandang unibersidad sa Manila.” “Simple lang, Nag-aral ako ng mabuti para maging isang iskolar. Tatlo ang trabaho ng papa ko. Nagtitinda-tinda naman ang mama ko.” Pagmamalaki nito kay Sir. Alessandro. Sa dami-daming babae ang nakasama ni Sir. Alessandro. Si Nayumi ang bukod tanging kakaiba. Lumalalim na din ang gabi kaya naman hindi na nilang nagawang mag ikot sa hacienda. Gusto na rin umuwi ni Nayumi dahil may magulang itong naghihintay sa kanya. Kaya naman ipinahanda na ni Sir. Alessandro ang sasakyan na gagamitin nila para ihatid si Nayumi. Isang malaking kulay itim na van na idadrive ng personal driver ni Sir. Alessandro. Nang matapos na silang mag usap at kumain nag tungo na ito sa parking lot. Binuksan ni kuyang driver ang likod ng van at inalalayan nito si Nayumi at Sir. Alessandro. Sa loob ng van meron itong wine cooler. Binuksan ni Sir. Alessandro at kumuha ng isang boteng red wine at Inalok nito si Nayumi. “ Sorry Sir. I don’t drink.” Habang umiinom ng glass of wine, may kinuha ito sa likod ng kanyang upuan. Ang isang paper bag na galing sa LeafTea. “I bought this earlier for my Mom. It has plenty of health benefits, Ibigay mo nalang ito sa parents mo.” “Sir. Thats for your mom.” Hindi na nakatangi si Nayumi dahil inilagay na ni Sir. Alessandro ang paper bag sa kanyang mga hita. “Thank you Sir!.” Inaantok na boses ni Nayumi. “Don’t worry, I will go get some for her later.” Isang oras at trenta minuto na din ang nakalipas, Nakatulog na si Nayumi sa loob ng sasakyan at nakakalahati na ni Sir. Alessandro ang bote ng red wine. Habang tinititigan nito ang malabirheng muka ni Nayumi. Naisipan nitong kunin ang kanyang Cellphone at sabay taas ng kanyang kaliwang kamay at nag finger sign ito ng heart sabay selfie kasama ang natutulog na si Nayumi. Natatawa ito habang tinitingnan ang kanilang picture sa kanyang Cellphone. Dahil sa kanyang tawa nagising ang natutulog na si Nayumi. Tiningnan nito si Sir. Alessandro at hindi na inistorbo. Napansin na din ni Nayumi na malapit na sya sa kanilang lugar kaya naman itinuro nito sa personal driver ni Sir. Alessandro ang daan papunta sa kanila. “Kuya! Liko ka dyan at sa bandang dulo may makikita kang magandang tindera. Mama ko yun!. Mapapansin mo rin ang malaking sign ng Barangay San Isidro.” Pagmamalaki nito kay kuyang driver. “Mukang mahihirapan akung ipasok ang Van, baka hindi ako makaatras sa sikip ng daan Ma’am.” “Sorry, kuya! Hindi nga pala to taxi. Nasanay kasi akung nag tataxi pauwi. Ihinto mo nalang at dito na ako bababa.” Nakasilip si Sir. Alessandro sa bintana ng van, Hindi ito makapaniwala na sa ganitong lugar nakatira si Nayumi. Maingay, may nagsusugal, maraming taong naglalakad at mga tambay na nakaupo sa daan. Ngayon palang nakapunta sa ganitong lugar si Sir. Alessandro. “Okay lang ba sayo ang maglakad? Hindi ka ba natatakot? Safe ba dito?.” “Muka lang nakakatakot pero mababait ang mga tao dito Sir. Sige po mauna na po ako. Thank you Sir!. Thank din sayo kuya!. Ingat!.” Tuluyan ng nag paalam ang dalawa sa isat-isa. Inumpisahan nadin ni Nayumi ang paglalakad papunta sa pwesto ng kanyang Ina. Marami din itong nakasalubong na mga kapit bahay. “Magandang gabi sayo ate Nayumi.” “Nayumi may bente ka ba dyan pautang naman!.” “Nayumi bili kana sa tinda ko!.” “Ate Nayumi patulong po sa assignments ko.” “Ate thank you po sa tinapay kahapon.” Ganito ang eksena gabi-gabi pagnakikita ng mga kapit bahay si Nayumi pagkatapos sa trabaho. Kaya naman kahit pagod ito ginagawan parin nito ng paraan para makisalamuha ito sa mga kapit bahay. Nakarating na din ito sa pwesto ng kanyang Ina at naabutan nya ito na nagliligpit ng tinda nitong kakanin. Tinulungan nya ito at sabay na silang umuwi. “Marami ka atang trabaho ngayon, Anak.” “Sakto lang po Ma. Sinamahan ko pa kasi ang Boss ko sa hacienda nya.” “Sino-sino naman kayo?.” “Papunta po sa hacienda kami lang dalawa Ma. Pero may mga tao sa lugar.” “Ganun ba, Mag iingat ka Nayumi.” Nang makarating sa kanilang bahay. Papasok palang ng mag ina sa pinto naamoy agad nila ang pinipritong galunggong at nilulutong munggo ni Ben. “Mahal! Lalo tuloy ako nagutom sa amoy ng niluluto mo. Salamat!.” “Kakakain ko lang pero iba talaga ang luto mo, Pa. Nakakagutom! Ang bango-bango!.” Kaagad namang naligo ang mag-ina at nag bihis ng pambahay habang inaasikaso ni ben sa lamesa ang kanilang hapunan. Hindi rin nagtagal at umupo na ang pamilya ni ben sa kanilang lamesa para mag hapunan. Ibinigay na din ni Nayumi ang LeafTea na nasa paper bag. “Wow! Ang healthy naman nito Anak, bukas na bukas din iinumin namin to ng mama mo.” “Pinabibigay po ito ng boss ko sa inyo, nakwento ko po kasi sa kanya kung gaano po ako kaswerte sa inyo ni mama.” “Nambola kapa!. Mag iingat ka sa boss mo anak. Sa dami kunang napag daanan sa buhay. Halos lahat ng mayayamang nakasalamuha ko, Mapagpangap. Sa una lang mabait.” “Tama ang papa mo Nayumi. Kilalanin mo muna yang boss mo. Baka may gusto sayo yan at kinukuha lang nya ang loob mo.” Malaki ang tiwala nito sa kanyang mga magulang kaya naman sumang-ayon agad si Nayumi sa kanyang mga narinig. Kaya naman ang kilig na naramdaman ni Nayumi nung gabing iyon ay kaagad din natabunan ng negatibo. “Ang galing talaga mag bigay ng payo ng mga magulang ko. Bakit hindi ko agad naisip” “Baka kasing-gwapo yan ng papa mo?!. Malakas ang dating!. Kaya naman nakalimutan mong isipin ang mga posibleng manyare.” Sabay tawa ni Mary. “Ayan ka na-naman mahal pinapakilig mo na-naman ako.” Napunta ang seryosong usapan sa katatawanan ng dahil sa palabirong si Mary. Nung gabing iyon palaisipan kay Nayumi na baka isa si Sir. Alessandro sa mga mayayamang mapagpangap na mabuting tao. Naisip din nito kung totoo bang lumikha ito ng makukulay na ilaw para sa kanyang Ama. Laking pasasalamat ni Nayumi sa kanyang mga magulang na laging nandyan para gabayan sya sa lahat ng kanyang ginagawa. Tumayo sabay-sabay ang pamilya ni ben sa lamesa nang matapos na itong mag hapunan para magtulungan sa ligpitin. Dahil sa walang pasok si Nayumi kinabuksan hindi ito natulog ng maaga. Tinulungan muna nito ang mga kabataan sa kanilang barangay na gawin ang kanilang takdang aralin. Habang nasa labas si Nayumi kasama ang mga bata. Biglang tumunog ang cellphone nito. Nag text sa kanya si Ms. Vena at niyaya syang mag gym kasama si johny bukas ng hapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD