bc

Ang Birhen na OFW

book_age18+
807
FOLLOW
4.8K
READ
others
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
serious
mystery
scary
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na 29th Hindi parin ito umiibig dahil sa wala itong ibang hinangad kung hindi matupad ang mga pangarap nito para sa kanyang mga magulang.

Si Nayumi ay isang matalinong Anak ni Ben at Mary.

Maiinlove kaya ito sa isa sa mga Billionaire nyang Boss? O uuwi parin syang fresh na fresh after 3 years Contract sa Hongkong?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Ang Mapagmahal na Pamilya ni Nayumi.
(Metro Manila, Taong 1993) May isang babaeng sangol ang ipinangak sa Caloocan Hospital Metro Manila. Taong 1993 ng Nobyembre. Unang anak ng bagong kasal na sila Ben at Mary. “Mala birhen ang muka ng inyong anak ma’am/sir”. Yan ang salitang laging binibitawan ng mga taong nakakakita sa sangol. Masayang masaya ang bagong kasal na mag asawang si Ben at Mary. Hindi lubos maisip ng mag asawa na magkaka-anak sila na may malabirhen na muka. Hindi makapaniwala si Ben na isa na syang Ama. Bumuhos ang luha nito na lalong nag patingkad sa kulay brown nitong magagandang mga mata. Napayakap ito ng mahigpit sa asawa nitong si Mary at sabay hawak sa malalambot nitong kamay. Sobrang pasasalamat ni Ben sa Diyos na dumating ang asawa nitong si Mary at ang sangol na si Nayumi sa buhay nito. Gagawin nya ang lahat para mabigyan ito ng magandang buhay at papalakihin si Nayumi na may takot sa diyos. Maraming pag-subok na rin ang dumating sa buhay ng mag asawa at natagumpayan nila ito. Isang masipag na asawa si Ben, karpentero sa umaga at tindero ng balot sa gabi. Mabigyan lang ng magandang buhay ang mag-ina. Hindi man sapat ang kinikita pero napag kakasya naman ng mag asawa ang pangangailangan nila araw-araw. “Alam mo ba mahal ?” Malambing na tanong ni Ben kay Mary. “Ang alin?” Naka-ngiting sagot ni Mary. Pinagpapawisan at makikitaan ng lungkot ang magandang muka ni Ben bago sagutin ang tanong sa kanya ni Mary. “Araw-araw pinag dadasal ko na sana hindi ka mag sawa sa ganitong buhay, Natatakot kasi ako na dumating ang araw na pangarapin mo na naman mag ibang bansa.” Habang hawak nito ang kamay ng asawang si Mary. “Mahal naman! Alisin muna yan sa isip mo, may anak na tayo. Hindi ko ata kayang gawin na iwan kayong dalawa. ikaw pa ba iiwan ko? Sa gwapo mong yan at baka palitan mo pa ako.” Pabiro nitong sambit sa kayang asawang si Ben. Masayahing babae si Mary. Kaya naman kahit hindi gaanong nakakatawa ang mga biro. Humahalakhak parin ito hangang sa mapaihi ito sa kanyang saluwal. Ni-halos hindi maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito kaya naman natatawa nalang si Ben sa reaksyon ng kanyang Asawa. “Mahallll ung short mo—!, Basa na ata, naihi ka na sa kakatawa mo.” Ang makinis at maputing muka ni ben ay namula ng ilang minuto sa sobrang tuwa nito sa asawa. Ilang oras din ang lumipas, Habang nag kakasayahan ang mag asawa. Biglang lumakas ang hangin, kumilimlim ang langit at mukang uulan kaya naman tuluyan ng pumasok sa kanilang munting bahay ang masayahing mag asawa na si Mary at Ben. Iniidolo ng mga tao sa kanilang lugar ang pamilya ni ben. Nasaksihan nila kung paano magmahalan si Mary at Ben. Pati narin ang pagpapalaki nila ng maayos sa anak nilang si Nayumi. Kaya naman hindi mo maikakaila na ang swerte ni Nayumi sa kanyang mga magulang na si Mary at Ben. (Labinlimang taon na din ang nakalipas) Mas lalong tinibay ng panahon ang pag-sasama at pag-mamahalan ng pamilya ni Ben. Ito ang pamilya na pangarap ng karamihan sa kanilang lugar. Maihahantulad si Nayumi sa kanyang mga magulang. Lumaki itong mapag-mahal at mabuting bata. Bukod sa meron syang mala birhen na muka, mapungay na mga mata, nakuha rin nito sa ama ang pag kakaroon ng brown na mata, Na ikinatutuwa ng mga tao sa kanilang lugar sa sobrang ganda. Sabayan pa ng mabungis-ngis nitong mga ngiti na agaw pansin sa mga nakakakita. Mapupulang labi, mahabang pilikmata at magandang ngipin na nakuha naman nya sa kanyang Ina. Isa din sya sa mga matatalinong bata sa kanilang paaralan. Kaya naman hindi nahirapan ang mga magulang ni Nayumi sa pag papalaki sa kanya. Isa si Nayumi sa mga nabiyayaan ng eskwelahan ng libreng pag aaral. Bago sumikat ang araw, Maagang nagising si Mary at Ben para asikasuhin ang kanilang unika-iha sa unang araw nito sa klase. Maririnig ang pag bukas ng pinto mula sa kwarto ni Nayumi, Dahan-dahan si Mary lumapit at umupo sa tabi ng kanyang anak. “Magandang umaga! Para sa anak kung mala birhen ang ganda!.” Ganito gisingin ni Mary ang kanyang anak. Ito ang unang salitang naririnig ni Nayumi sa umaga mula sa kanyang Ina. Sa lugar kung saan sila nakatira halos lahat ng tao ay mag kakakilala o mag kakamag-anak. Kaya naman pa-sikat palang ang araw maririnig muna ang ingay ng mga kapit bahay. Pagandahan ng tugtog na kadalasan disco, cha-cha remix o budots at syempre palakasan ng sounds system ng bawat tahanan sa lugar. Araw-araw parang may fiesta sa kanilang barangay. Maagang lumalabas ang mga tao, may mga nag titinda ng almusal sa umaga, nag lalaba at kanya-kanyang tambay sa harap ng kani-kanilang mga tahanan. Hindi maiiwasan na may madalas na dumadaan sa harap ng kanilang bahay. Kaya naman nasaksihan ni aling lusing kung paano mag lambing si Mary sa kanyang anak. “Sana all! May mala birhen na anak.” Puri ni Aling lusing sa mag ina habang walang tigil ang pag lalakad. Kasabay nito ang pag yakap ni ben sa manipis na bewang ng kanyang pinaka-mamahal na asawa. Idinampi din nito ang kanyang mapulang labi sa noo. Nag-katinginan at sabay napangiti ang mag asawang si Ben at Mary. Sa kalagitnaan ng lambingan ng mag asawa. May familiar na boses na maririnig. Ito ang boses ni Nayumi. Mahinhin at malamig sa pandinig. “Magandang umaga po sa inyo. Ma, Pa!” Ang sarap nilang pagmasdan. Kitang-kita sa kanilang magagandang mga mata kung gaano nila kamahal ang isat-isa. “Magandang Umaga sayo Anak!.” Ibinahagi ni Nayumi sa kanyang mga magulang ang napapanood nitong K-Dramas. Kung paano kiligin si Nayumi sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang, Ganun din ang kilig na nararamdaman ni Nayumi sa tuwing nanonood ito ng K-Dramas. “Kdrama? Ano yun anak? Ngaun ko lang narinig ang salitang yan. Kmjs lang ang alam ko.” Pabirong sinabi ni Ben kay Nayumi. Ipinaliwanag ni Nayumi sa kanyang Ama kung ano ang K-Dramas. Isa rin sya sa mga big fan ng K-Dramas at K-Pop sa Pilipinas. “Korean Drama po. Sikat ang K-dramas sa Pilipinas papa lalo na sa aming mga teenager. Magaling po kasi mag pakilig ang mga oppa. Napalunok si Ben ng marining ang salitang “kilig” mula sa kanyang anak. Mabilis din na napansin ni Mary na hindi nagustuhan ng asawa ang binitawang salita ni Nayumi sa kanyang Ama. “Nayumi anak, Pag ready kana, sabihin mo sa akin at ihahatid na kita sa eskwelahan.” Hindi maintindihang emotion ang naramramdaman ng ama ni Nayumi. May halong kaba, takot at pag-kalungkot. Ito ang unang pag kakataon na nakita ni Mary ang kanyang asawa na may iniindang problema. Ready na si Nayumi para sa unang klase ngaung araw. Hindi ito nakatulog ng maayos sa excitement na mag karoon ulit ng libreng libro. Masayang ibinahagi ni Nayumi sa kanyang ama ang nararamdaman para sa unang araw ng klase. Walang salitang lumabas sa mapupulang labi ng Ama, Ngumiti lang at dinampi ang kanyang kanang maputing kamay sa balikat ng kanyang anak. Bagamat hindi ito ang Ini-expect na reakasyong gustong matangap ni Nayumi mula sa kanyang ama. Pinagpatuloy parin nitong kausapin ang Ama kahit na alam nyang hindi ito mag sasalita dahil wala ito sa kanyang kondisyon. “Papa, Okay lang ba kayo? Muka po kasi kayong may iniindang problema.” Nag aalalang tanong ni Nayumi sa Ama. Nag kunwaring hindi narinig ni Ben ang tanong sa kanya ng kanyang anak. At wala pa rin idea si Nayumi na sya ang dahilan kung bakit wala sa mood ang kanyang Ama. Dahil sa stress makikita sa suot na puting sando ni Ben ang pawis mula sa kanyang matipunong katawan. Sa mga nakakakilala sa kanya masasabing hindi ito normal, Sya kasi ang tipo ng taong hindi masiadong pawisin kahit gaano pa kainit ang panahon. Inihanda narin ni Ben ang bisekleta na gagamitin para maihatid na si Nayumi sa eskwelahan. Hindi makatingin ng deretso si Ben sa anak nitong si Nayumi. Kaya naman tinaasan nalang nito ang kanyang mala robin padilla na boses “Nayumi, Anak Tara na! Mag paalam kana sa mama mo. Meron pa akung pupuntahan.” Pinuntahan ni Nayumi ang Ina na nasa kusina para mag paalam. Niyakap nito ng mahigpit at dinampi ang labi sa mapupulang pisngi ng Ina. “Mauna na po kami ni papa, Ma!” Bago pa man ito tuluyang lumabas ng kanilang tahanan. Biniro pa ni Nayumi ang kanyang Ina. “Ma!, Kulang ng lambing si papa, Pag balik ko mamaya after school dapat naka-ngiti na sya.” Maraming naiisip at tanong si Mary sa sarili. Nahihiwagahan sya kung ano ang mga naiisip ng asawa tungkol sa kanilang anak. Alam ni Mary na natatakot lang ang Asawa nito na baka gayahin o mag ka-interest si Nayumi sa mga napapanood nito. Ganun pa man may tiwala parin ang mag mag-asawa sa kanilang unika-iha. Na mag aaral at makakapag-tapos ito. Nung ipinag-bubuntis pa lang ni Mary si Nayumi. Hiniling ni Ben na pag dumating ang araw na si Nayumi ay mag mamahal, Sana ang unang taong makakapag-patibok ng kanyang puso, Ang taong dadalhin sya sa altar at bibigyan sya ng Masayang Pamilya. Kasabay nito ang pag hawak nya sa malambot na kamay ni Mary. At sabay halik sa tiyan nito. Mga ilang araw bago ito nanganak. Kababata ni Mary si Ben, halos sabay silang lumaki. Nag dalaga at nag binata na laging mag kasama sa mga fiestahan ng barangay para mag tinda ng popcorn. First love din nila ang isat-isa. Kaya naman ganun nalang pangarapin ni ben na makahanap din ang anak nito ng pag mamahal na tulad sa kanila ni Mary. Bukod pa dito, Inaalala din ni Mary ang mga sakripisyong ginawa ng Asawa kung sakaling mag aasawa si Nayumi ng maaga. Ang mga araw na minsan tatlong oras lang kung matulog. Maibigay lang ang panga-ngailangan ng anak. Kaya naman kahit sapat lang ang naiuuwing pera ni ben para sa pamilya. Nagagawa pa din nito bigyan ng magandang birthday ang anak. Para kay ben hindi hadlang ang kahirapan para hindi maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya na kanyang binuo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook