(Barangay San Isidro)
Araw ng lingo, Tahimik ang buong Barangay ng San Isidro.
Lahat ng tao ay nasa kani-kanilang tahanan.
Ito ay dahil sa malakas na buhos ng ulan, maririnig ang mga yero ng bubong, hampas dun, hampas dito. May iilang natangal at lumipad. Buong araw din nawalan ng kuryente sa buong barangay.
May mga sangang nabali at maraming dahon na nag kalat sa mga daan. Naging Isang madilim na tanghali sa San Isidro at sa mag inang Mary at Nayumi.
Ito ang itinalang Unang Bagyo na dumaan sa lugar.
Sa maliit na bintanang gawa sa kahoy, matatanaw si Nayumi mula sa labas ng kanilang bahay. Para syang isang magandang mamahaling painting, Ayon sa mga nakakakita sa kanya mula sa bintana. Sumasayaw sa hangin ang kanyang mahabang itim na buhok, Naka-dungaw ang mala birhen nitong muka na parang may hinihintay.
“Ma, Ano oras darating si papa?” Delikado po kung mag lalakad lang sya pauwi.” Nag aalalang tanong nito sa Ina.
“Pauwi na yun!, O baka nag extra job na naman. Alam mo naman ang papa mo. Sa sobrang sipag minsan nakakalimutan na nyang kailangan din ng katawan ang pahinga.”
Habang hinihintay ng Mag Ina si Ben na dumating. Nakwento ni Nayumi sa kanyang Ina ang tungkol sa tanong ng kanyang Ama. Tinanong nito si Nayumi noong isang lingo kung meron na itong natitipuhang lalaki.
Ipinaliwanag ni Mary sa kanyang Anak na natatakot lang ang Ama nito na baka mainlove ito at maging hadlang ang opa-opa sa pagaaral.
Napakulot ang mga kilay nito dahil sa hindi nito maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang opa-opa na binangit ng kanyang Ina.
“ Ma, para naman pong exam yang sinabi nyo, masyadong komplikado at malalim. Ano po ang opa-opa?.”
“Ako po?! Uupa ng bahay?” Alam ko po na ilang taon nalang at nasa tamang edad na ako. Pero ni minsan hindi ko po naisip na tumira sa ibang bahay ng hindi kayo kasama ni papa. Ma!. Tsaka ang mahal nun! San ako kukuha ng pambayad.” Sabay ngiti nito sa Ina.
Ang layo ng sagot ni Nayumi. Kaya naman ang masayahing si Mary. Tawang tawa sa kanyang sarili dahil maski sya hindi sigurado sa mga sinasabi nito sa kanyang anak. Sinabi din nito na galing kay Nayumi ang salitang opa-opa na napapanood nito sa K-Dramas.
Muntikan ng mabulunan sa sariling laway si Nayumi sa tuwa nito sa kanyang Ina.
“Oppa! Ma—-!! O-P-P-A“
Ipinaliwanag ni Nayumi ang ibig sabihin ng Oppa sa kanyang Ina. Ito ang tawag sa nakakatandang lalaki sa korea at kung sa salitang tagalog ang ibig sabihin nito ay Kuya.
Ang hindi alam ni Mary, Na nag usap na ang mag ama tungkol dito at pinangakuan ni Nayumi ang Ama na hindi ito iibig hangat hindi nakakapag tapos ng pag-aaral.
Sa kalagitnaan ng kanilang masinsinang pag uusap. Biglang bumukas ng malakas ang kanilang pinto. Na ikinagulat ng mag Ina.
Ramdam ang malakas na hangin, nag sisayawan ang mga kurtina at biglang may mala action star robin padilla ang pag pasok ni ben sa kanilang bahay. Na ikinilig naman ni Mary.
“Aatakihin ako sa gulat sayo, Mahal! At Bakit ngaun ka lang!? Hindi mo ba naisip na may nag hihintay sayo. Pinag-aalala mo kami. Alam mo naman na hindi maganda ang panahon ngaun.” Sabay abot ni Mary ng towel sa basang asawa.
Galit-galitan si Mary pero kinilig ito ng makitang papasok si Ben sa kanilang pinto. Naalala nito ang kanilang kabataan.
(Lumipas ang Maraming taon)
Maraming bagyo na rin ang dumaan sa Barangay San Isidro. Malaki na rin ang pinag bago ng lugar.
Umaga ng Abril, Busy ang mga kapit bahay sa pag tulong kay Ben at Mary sa pag hahanda para sa Graduation ng kanilang anak.
Halos lahat ng kapit bahay nag dala ng lutong pag-kain para sa lahat. Nag mukang fiesta ang Graduation Day ni Nayumi.
Habang inaasikaso ni ben ang malaking lechon sa labas ng bahay. Nag hahanda na ang mag Ina para sa Ceremony ng Graduation.
Bukod tanging si Aling lusing lang ang may kaalaman sa pag-mamakeup sa Barangay San Isidro.
“Sa lahat ng minake-apan ko, Kayong mag ina yung hindi ako nahirapan, Hindi nyo naman na kailangan. Konting ayus lang ng buhok okay na.” Ang nagagandahan sa mag Ina na si Aling Lusing.
Nakapag tapos ng Architecture Degree si Nayumi. Bata palang pangarap na nya na sya ang mag dedesign ng bahay para sa kanyang mga magulang. At mukang malapit na nya itong matupad.
(University Of Manila)
“Del-Rosario, Nayumi! c*m LAUDE! Of the University of Manila.”
Nagulat ang mag asawang si Ben at Mary ng marinig nila ang pangalan ng anak. Nanginginig, Uminit ang buong katawan na halos hindi makagalaw at makapag salita ang mag asawa.
“Totoo ba to Mahal?!” Sabay yakap ni Ben sa asawa nito ng sobrang higpit.
Ito ang pangalawang pag kakataon na lumuha ulit si ben sa sobrang saya. Ganun din ang ang asawa nitong si Mary, wala din ang tigil sa pag luha ng mga mapupungay nitong mga mata.
Hangang sa dumating si Nayumi at Isinabit nito ang kanyang mga medals sa kanyang mga magulang.
“Maraming, Maraming Salamat po. Hindi ko po ito mararating ng hindi po dahil sa inyo. Mahal na Mahal ko po kayo. Ma at Pa!” Sabay yakap nito ng mahigpit sa kanyang mga magulang.
Bago matapos ang handaan sa barangay San Isidro. Nag request si Nayumi na mag family picture taking na kasama ang lahat ng kanyang mahal na kapit bahay.
“Uno! Dos! Tres!! Say ——— cheese!!!
(Kinabukasan)
Maagang-maagang umalis si Nayumi sa Barangay San Isidro para mag hanap ng trabaho. Sinubukan din nito mag apply sa mga malalaking kompanya sa Manila.
Wala pang 24 hours ng may tumawag sa kanya. Isa sa pinaka Mayaman na Kumpaya sa Manila.
(Krriiiiiing—-!! Krriiinggg—-!!)
“Good afternoon, I’m calling from Powerhouse Designs Corp. May I talk to Ms. Nayumi?!.” Isang boses babae.
“Regarding about the position na inapply nyo sa Company. The bosses decided to hired you and you can start tomorrow.”
“Congratulations! Welcome to our team.”
Hindi makapaniwala si Nayumi sa mga narinig nito mula sa puro gasgas na cellphone. Wala syang ibang sagot kundi ang mag pasalamat ng paulit-ulit.
“Anyways, Before I end the call, Ms. Nayumi what are your salary expectations?.”
“ Ma’am to be honest I’m more excited po to share my passion on designing to this company. Regarding about the salary ma’am we can talk about it later.”
Mas nangibabaw padin ang passion ni Nayumi. Dahil alam nya na sasahod at sasahod pa din sya kahit hindi nila iyon pag usapan.
Habang hinihintay ng mag ina makauwi galing sa trabaho si ben. Nag luto si Mary ng paborito nilang sinigang na baboy para sa hapunan nilang tatlo.
Nang mabusog na ang lahat, biglang tumayo si ben at may kinuha itong box na malaki galing sa cabinet ng kanilang bahay.
May nakasulat sa loob ng malaking box, na nabasa ni Nayumi nung buksan nya ito.
“ Congratulations Anak! So proud of you!.”
Kaya pala natagalan sa pag uwi si ben dahil dumaan pa ito sa bakery para makabili ng cake.
Puno ng pag mamahal ang gabing iyon.
(Lunes sa Powerhouse Designs Corp.)
Unang araw ni Nayumi sa trabaho. Hapit na hapit ang kanyang formal attire sa maganda nitong katawan.
Sa side ng entrance ng building, makikita ang maraming architect na nag aapply para sa kumpanya.
Lahat sila sabay-sabay napatingin at nabighani sa mala birheng ganda ni Nayumi.
“ Good Morning Ma’am Nayumi, Welcome sa powerhouse designs. I’m vena from HR.”
“ Ako ang mag totour sayo, i-last na natin ang office mo, para mas exciting.”
Hindi inexpect ni Nayumi na mararanasan nya ang mag karoon ng sariling office sa napaka gandang building sa Metro Manila.
Ipinaliwanag din ni Ms. Vena na merong kumpanya ang Powerhouse Designs sa hongkong, Kaya naman binalaan na nito si Nayumi na mag handa kung sakaling ipapadala sya doon. Wala itong gagastusin dahil ang kumpanya ang bahala sa kanyan.
“Ang gagawin mo lang ay mag paganda.” Pabiro sambit ni Ms. Vena.
“ Mag paganda? Ms. Vena?” Seryosong tanong ni Nayumi sa kanya.
“ Ikaw naman binibiro lang kita. Tatlong matipunong lalaki kasi ang big bosses natin, mag kapapatid. Pag nakita mo sila, Magegets muna yung joke ko.” Sabay tawa ni Vena.
Naguluhan si Nayumi kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga jokes ni Vena sa kanya.
“ 30 minutes Coffee break muna tayo,! Iwan muna kita kasi nasa baba na yung boyfriend ko. See yah!.
May pa-free snacks ang kumpanya para sa lahat ng mga empleyado sa buong building. Big time nga talaga. Walang limit basta nagutom ka kumuha ka.
Hindi rin basta basta ang mga snacks, Para ka ngang nasa loob ng starbaks coffee sa ganda ng pag ka design nito.
Para kang nasa lobby ng five star hotel sa bango. May malalambot at makukulay na upuan na may mamahaling lamesa.
Habang hinihintay ni Nayumi na dumating si Vena.
Nakatulala ito at iniisip kung bakit required ang maging maganda. Siguro ang tatlong mag kakapatid ay matatandang lalaki tapos mahilig sa mga batang babae. O kaya koreano silang tatlo, mahihilig kasi ang mga koreano sa magaganda.
Ang nakatulalang Nayumi na may nakatawang mga mata.
“ Hi! Bago ka lang ba dito Ms?!”
Tanong ng isang maliit na lalaki na merong pambabaeng muka.
“ Oo, first day ko today. Nakaka-mangha ang building na to sa ganda!.”
“ Nayumi nga pala, Nice meeting you!”
“ Mas nakakamangha ang kagwapuhan ng tatlong Big Boss. Ako nga pala si Johny, Johnny johnny yes papa!”
Natawa si Nayumi dahil hindi nya akalain na isang beki pala itong si johny. Sobrang lambot kung gumalaw at may maliit na boses na parang babae.
“Ate gurl na ang tawag ko sayo, since friends na tayo” sabay kindat at pamewang nito kay Nayumi.
Masayang masaya si Nayumi sa unang araw ng trabaho. Hindi sya nahirapan sa pakikipag socialize at Madali rin nyang nakasundo ang lahat.
Kaya naman araw-araw syang excited pumasok at makita ang mga bago nyang mga kaibigan na si Ms.Vena at Johny.
“Nameet muna ba ang tatlong Big Boss Yummy?!.” Tanong ni Johny kay Nayumi.
Hindi na nasagot ni Nayumi ang tanong sa kanya ni johny. Dahil biglang dumating si Ms. Vena.
“I’m sorry, Nag hintay ka tuloy ng matagal, Its urgent kasi. Pinatawag kasi ako ni Madam Nars. Sa 17th floor pa ng building ang office nya. Kailangan ko din bumalik.”
Kaya naman i-pinag bukas nalang ang pag to-tour ni Ms.Vena. At sa magiging office ni Nayumi.